in

Mga Pagkaing Pampataba: Ano Ba Ang Dapat Kainin Para Tumaba?


ad

Sa lipunan ng taong masyadong nahuhumaling sa itsura at kisig ng pangangatawan, bibihira ang tao na gustong magpataba. Subalit kung ikaw isang taong patpatin, nakahit anong gawin para magdagdag ng timbang ay parang balewala, mahalaga ang mga imporamsyon tungkol sa kung paano ka pwedeng tumaba.

Pagkain ang naiisip mong solusyon hindi ba? Subalit anong mga pagkain ang dapat mong ihinahain para ikaw ay tumaba? Ayaw mo namang kumain ng lamang ng kahit ano sapagkat alam mong ang pagkain ng junk foods ay nakasasama rin sa kalusugan.

Kailangan mong maghanap ng pagkaing gusto mo o magugustuhan mo, kaya mong bilhin at hindi ka mahihirapang maghanap sa mga pamilihan.

Alam mo ba?

Alam mo bang ang isang katamtamang lalaki ay nangangailangan ng 2000 hanggang 3000 kaloriya araw araw? Ang mga babae naman ay nangangailangan ng 1600 hanggang 2400 kaloriya. Para tumaba, kailangan kumain ng mas marami rito, mga 500 sobrang kaloriya araw-araw!

Pag-uusapan natin ngayon ang mga pagkaing pampataba, o mga pagkaing magpapadagdag ng iyong timabang, na mura at madaling hanapin. Nandito rin ang praktikal na mga tips kung paano magpataba.

Kanin: Isang popular ngunit murang pagkaing pampataba

Sinong Pinoy ay hindi nakakaalam ng saltang ‘kanin’? Wala, diba? Ito’y sapagkat ang kanin ay ang pangunahing pagkain ng mga Pilipino. Alam mo ba na ang kanin ay naglalaman ng napakadami at mataas na enerhiya? Ang 100 gramo ng kanin ay naglalaman ng 130 kaloriya. Bukod sa ito’y hindi mahal, madali itong hanapin sapagkat araw-araw natin itong kinakain.Ito ay mahusay na sagot sa tanong na “paano magpataba”.

Kumain ng kanin araw-araw. Kung kinakain mo ito mula pa pagkabata, dagdagan moa ng pagkain nito. Personal na karanasan ko po ito. Noong ako ay teenager pa lamang, ako po ay sobrang payat. May nakatatandang nagpapayo saakin na uminom daw ako ng multivitamins para tumaba. Hindi ko masunod ang payo nila sapagkat ang totoo, wala talaga kaming perang pambili ng vitamins. May nakapagsabi sa akin na ang solusyon sa problema ko ay ang pagdagdag ng kanin at konting exercise. Sinabi nya bukod sa kaning kinakain ko sa tanghalian at hapunan, magdagdag daw ako ng dalawang meryenda na kanin ang kinakain, isa sa umaga at isa sa hapon. Sinunod ko ang payo niya sapagkat parang makatuwiran naman ang sinasabi niya. Ang ulam ko, nilagang talbos ng kangkong o kamote, basta makakain lang. Ang resulta? Isang linggo pa lang, nahahalata na ng mga taong malapit sa akin na may pagbabago. Dalawang linggo mataba na ako. Magmula noon, hanggang ngayon, 11 taon na ang nakalilipas, heto ako hindi na problema ang sobrang kapayatan.

Ang kanin ay sagana sa mga bitamina at mineral tulad ng thiamin at niacin kaya talagang masustansiya. Paalala lamang kaibigan: ang malabis na pagkain ng kanin ay bawal sa may sakit tulad ng highblood, sakit sa puso o diabetes. Sumangguni muna sa doktor bago ka kumain ng marami.

Peanut butter: masarap na pinagkukunan ng kaloriya at protina

Subukan mong magsaliksik tungkol sa mga pagkaing pampataba at baka masurpresa ka, lahat ng listang makikita mo sa internet ay nakalagay ang peanut butter bilang pagkaing pampataba. Bakit? Kasi epektibo itong magpataba.

Kung kakain ka ng peanut butter, ang apat na gramo nito ay naglalaman ng 90 kaloriya at at talong gramo ng carbohydrates sa bawat kutsara nito.

Ito ay naglalaman ng kaunting dami ng saturated fat kaya huwag magpakalabis sa pagkain nito. Ang tamang dami ng peanut butter bilang pangdagdag sa mga pagkaing pampataba ay malusog at makapagpapasaya sa iyo.

Saging: Pagkaing puno ng kaloriya, kahit saan ka magpunta

Ang saging ay popular dito sa Pilipinas. Bukod sa ito ay mura, madali itong hanapin sa mga pamilihan. Karamihan sa mga Pinoy ay kumakain ng saging. Alam mob a na ang isang saging na katamtaman ang laki ay naglalaman ng 100 kaloriya? Ito rin ay may fibre at potassium na mahalagang bahagi ng rekomendadong diyeta para sa mga Pilipino.

Ang saging ay naglalaman ng maraming asukal, kaya maganda itong kainin matapos kang mag ehersisyo para sa dagliang pagbabalik ng mga enerhiya nawala saiyo. Kaya kung gusto mong magpataba, magbaon ka nang saging. Kahit saan, pwede kang kumain.

Tuna: Mayaman sa protina at malusog na taba

Ang tuna ay isang uri ng isda na may mataas na antas ng malusog na protina at naglalaman ng mahahalagang langis na kinakailangan ng iyong katawan para gumana ng maayos.

Madaling mahanap ang tuna dahil may mabibili ka na sa mga tindahan na de-latang tuna. Maaari mo itong ihalo sa napakaraming uri ng ulam kaya pwede mo itong maisingit sa mga kinakain mo araw-araw ng hindi ka nagsasawa.

Ang tuna ay sagana sa kaloriya at protina na kailangan mo para ikaw ay tumaba. Bukod sa itoy masustansya, ito ay mura at madaling hanapin, mahusay pa itong paraan kung paano magpataba.

Gatas: Uminom ng kaloriya para tumaba

Ang pag-inom ng gatas ay isa pa sa pinakamadaling napagkukunan ng protina at kaloriya. Ang isang baso nito ay naglalaman ng 150 kaloriya at walong gramo ng protina! Madali lang ang pagtimpla nang gatas bukod sa ito ay madaling hanapin at mura.

May mga taong lactose intolerant o sila yung mga tao na ang bituka ay ayaw sa protina na nasa gatas. Kung ikaw ay may lactose intolerance, maaari mong subukan ang pag-inom ng gatas na gawa sa soya o soya milk, na naglalaman ng 130 kaloriya, hindi gaanong malaki ang diperensiya sap ag-inom ng tunay na gatas.

Ang gatas ay naglalaman ng kaunting fat, subalit hindi naman ito nakasasama. Huwag ka lamang iinom ng isang gallon araw-araw. Isang baso o dalawa, ikaw lulusog at tataba!

Abocado: Kumain nito at magdagdag ng timbang

Ang abocado ay maaaring magbigay saiyo ng napakaraming kaloriya at fats. Bibigyan ka ng isang katamtamang abocado ng 320 kaloriya at 29 gramo ng fats. Mag-ingat ka lamang sa pagkain nito at baka mapasobra naman.

Itlog: Nakapagtataba ng mabilis

Ang itlog ay napakasustansiya, iyang dahilan kung bakit sikat ito bilang pagkain sa agahan. Nagbibigay ito ng mkinakailangang enerhiya at mga nutrients na kakailanganin mo sa maghapon.

Ang itlog ay magandang pagkaing pampataba. Bukod sa ito ay mura at madaling hanapin, ang pagkain ng itlog ay nagbibigay ng 75 kaloriya, 5 gramo ng fats at 6 gramo ng protina at bitaminang B-12.

Huwag ka lamang magpapasobra sa pagkain ng itlog dahil sagana din ito sa kolesterol na dahilan ng highblood.

Ngayong alam mo na kung paano magpataba…

Kaon na ta!

Tuna Avocado Brown Rice Bowl with Egg (top image) and Peanut Butter Banana Dessert

pagkaing pampataba


ad

Paano Tumaba: Mga Kasagutan Sa Problema Ng Mga Patpatin

Maging Mataba At Malusog: Mga Paraan Sa Malusog Na Pagdagdag Ng Timbang