Tumataba ka ba at nangangamba na baka lumubo ka ng husto? Hindi mo alam kung anong dapat gawin? Ang artikulong ito ang kasagutan saiyong problema!. Tatalakayin natin dito ang iba’t ibang pagkaing pampapayat na makakatulong saiyo para mapigilan ang patuloy na pagdagdag ng iyong timbang.
Anu-Ano ang mga pagkaing pampapayat?
Mga pagkaing pampapayat ba ang iyong hinahanap? Bago natin talakayin ang mga kasagutan sa tanong na ito, Dapat malaman mo muna kung bakit maraming mga Pilipino ang humahantong sa ganitong klaseng problema.
Alam nating lahat na ang mga Pilipino ay mahilig kumain. Dahil na rin siguro sa mga masasarap na lutuin at putahe dito sa Pilipinas kaya nangyayari ito. Ang pagkain rin ang pangunahing tukso sa mga taong nagpapayat. “Naku, masisira na naman nito ang diet ko”! narinig mo na ba ang katagang iyan? Marahil ay oo. Ito ang karaniwang sinasabi ng mga taong nagpapayat sa tuwing kaharap nila ang masasarap na pagkain, natutukso sila. At kasunod nga nito ang walang habas na pagkain na parang hindi na sisikatan ng araw. Pero dapat mo bang sisihin ang pagkain sa iyong pagtaba? Alam mo bang ang pagkain rin ang isa sa mga kasagutan sa iyong problema? Magpatuloy lamang sa pagbabasa at malalaman mo kung ano ang tinutukoy ko.
Pagkaing pampapayat: Mga uri ng pagkaing nakakapayat
Totoo na ang pagkain ng marami ay nakakataba. Lalo na kapag hindi wasto at masustansyang pagkain ang iyong pipiliin. Nabanggit ko kanina ang tungkol sa mga pagkaing pampapayat, gusto mo bang malaman kung ano-ano ang mga ito? Ang mga sumusunod na ito ay ang mga pampapayat na pagkain:
- Ang pagkain ng high-fiber cereals ay nakakatulong sa pagpalusog ng iyong katawan at nakakabawas rin ng taba.
- Dalasan rin ang pagkain ng mga isdang dagat katulad ng tuna, mackerel, at salom.
- Ang pagkain ng oatmeal ay nakakababa ng cholesterol sa katawan na nakakatulong sa pagpapayat.
- Kung mahilig ka sa gatas, Ang yogurt at low-fat milk ang inumin mo sapagkat mas mababa ang fats nito kumpara sa regular na gatas.
- Maaari mo namang ipampalit sa kanin o regular rice ang white bread at brown rice.
- Alam mo bang ang paginom ng tubig na may isang kutsarita ng suka bago kumain ay nakakapayat? Ito ang lumabas sa pag-aaral ng Harvard School of Public Health.
- Ang itlog ay mayaman sa protina. Ugaliin ang pagkain nito tuwing agahan. Linalabanan ng protein ang pagdami ng fats sa iyong katawan.
- Kung mahilig ka naman sa karne. Ang manok at pabo (turkey) na walang balat ay mas mababa ang bilang ng fats kumpara sa ibang karne.
- Kumain ng maraming gulay. Ang mga gulay ay mayaman sa fiber na tumutulong sa pagpapanatili ng malusog na katawan ng isang tao.
Pagkaing pampapayat: Mga prutas na nakakapayat!
Good news ito para sa mahihilig sa prutas! Dahil mayroong mga prutas na makakatulong sa iyong layunin na magpapayat. Tandaan lamang na hindi lahat ng prutas ay nakakapayat, katulad ng mangga (hinog na mangga) na mayaman sa calories. Ano-ano ba ang mga prutas na dapat mong kainin? Narito ang ilan sa mga sumusunod:
- Suha at grapefruit – Mayroon itong taglay na acid na nakakabagal ng digestion.
- Mansanas o apple – Taglay ng mansanas ang pectin na nakakababa ng kolesterol sa katawan na tumutulong sa pagpapayat.
- Peras – Ang peras, katulad ng ibang mga gulay ay mayaman sa fiber na maganda sa digestion ng iyong katawan.
- Saging – Ang pagkain ng saging ay nakakabusog ngunit hindi nakakataba. Maganda itong kainin pantanggal gutom. Mayaman rin ito sa potassium na pampalakas ng muscles.
- Pakwan o watermelon – Ang pakwan ay nakakabusog dahil sa marami ang tubig nito. Hindi rin ito nakakataba dahil mababa ang bilang ng calories ng pakwan.
- Pinya – Bukod sa mayaman ang pinya sa enzymes, minerals, at vitamins, anti-oxidants rin ito. Dagdag pa, mababa ang kolesterol at taba ng pinya kung kaya mabisa itong pampapayat.
- Bayabas – Kung mahilig ka sa bayabas ay good news ito para saiyo! Dahil ang prutas na ito ay mayaman sa fiber at mababa sa fats at cholesterol. Saktong kainin ng mga nagpapayat kagaya mo!.
- Avocado – Ang avocado ay masasabing best fruit for weight loss dahil sa katangian nitong mataas sa fiber at mababa sa carbohydrates. Bukod sa masarap ay maganda rin ang naidudulot ng avocado sa kalusugan ng puso. Tumutulong din ito sa magandang metabolismo at nagbibigay ng sapat na enerhiya sa katawan. Ang regular na pagkain ng avocado ay makatutulong para manatiling fit at healthy ang isang nagpapapayat.
- Oranges – Kung natutukso kang kumain ng matamis, ang prutas na ito ang dapat mong kainin. Ang isang 100 grams na orange ay nagtataglay ng 47 calories, may tamang tamis para sa mga dieter na nagnanais kumain ng matamis.
- Kamatis – Ang kamatis ay isang uri ng prutas na importanteng nasa listahan ng mga dapat kainin ng mga nagpapapayat. Bukod sa ang kamatis ay anti-oxidants, Mababa lamang ang calories nito at maraming water content. Perfect match para sa mga nais pumayat ng mabilis.
- Lemon – Ang kombinasyon ng lemon at honey na iinumin sa umaga ay isang natural detoxifier na makatutulong sa pagpapapayat. Mainam inumin ng mga nagpapapayat, isang alkaline food na magpapanatili ng energy bukod sa iba pang bitamina at mineral na kayang ibigay ng lemon.
Healthy lifestyle: Mabilis na pampapayat
Ang mga nabanggit sa itaas ay ang mga pagkaing makakatulong saiyo para magpapayat. Sabayan ito ng proper exercise at disiplina sa sarili at makakamit mo ang body figure na iyong inaasam. Talikuran mo na ang mga nakaugalian mong masasamang bisyo katulad ng pagiinom at pagsisigarilyo. Magkaroon ka ng sapat na tulog para makaiwas sa stress. Kung hirap kang gawin ang mga nabanggit sa itaas ay huwag mo munang biglain ang iyong sarili. Idaan mo sa mabagal ngunit siguradong proseso at huwag mo itong gawin bilang isang obligasyon dahil mahihirapan ka talaga!. Sundin mo ito dahil ito ang tama at gawin mo ito ng may kasiyahan. Ang pagkakaroon ng positibong pananaw ang pinaka mahalaga sa lahat. Lalong lalo na sa mga kagaya mong gustong makatakas sa bangungot ng pagiging mataba.