Sa pagpapapayat, pagda-diet ang unang-unang naiisip gawin. Kahit saan ka magpunta, sa supermarket, convenience store o palengke, pagkaing mayaman sa fiber ang inirerekomenda sa iyo. Tried, tested and proven nang mabilis makapagpapayat ang kahit anong pagkaing fiber-rich. Ito ay nakakatulong sa digestive system kaya ginagawa nitong regular ang pagdumi.
Hindi lang sa pagpapapayat nakatutulong ang mga pagkaing mayaman sa fiber. Dahil nga ito ay nakatutulong sa digestive system, nililinis nito ang bituka at tiyan. Tinatanggal ang mga naimbak at nanatiling pagkaing naging taba sa loob ng katawan. Dahil dito, makakaiwas sa mga sakit gaya ng Colon Cancer at Ulcer. Sa artikulong ito, madidiskubre mong ang kahit anong kainin mong sagana sa fiber ay higit na makatutulong sa iyo.
Kahalagahan ng fiber sa pagpapapayat
Mahirap magkulang ng fiber sa pang-araw-araw na pagkain. Kapag kulang ka dito, maaaring tibihin o mahirap dumumi. O di kaya, pa dumumi ay may kasamang dugo ang dumi. Ang pinakamalalang puwedeng mangyari, maaari kang magkaroon ng Colon Cancer kung hindi ka normal na dumudumi. Ang kailangan mo ay mga pagkaing mayaman sa fiber.
Maraming pagkaing pwede kang pagpilian na makapagpapalusog ng iyong katawan. Malaking tulong din ito kung ikaw ay nagpapapayat. Mayroon kang makikita sa supermarket na wafer na pinanggagalingan ng fiber. Ito ay maaring kainin ng tatlong beses sa isang araw. Kasabay nito ang pag-inom ng maraming tubig. Ilan sa mga nakasubok na nito ang nakapagpatunay na ang wafer na rich in fiber ay nakatutulong makapagregular ng pagdumi tatlong araw matapos itong kainin.
Bukod sa normal ng pagdumi, marami pang benepisyo ang makukuha mula sa mga pagkaing mayaman sa fiber. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
- Bababa ang kolesterol sa katawan
- Magiging normal na ang blood sugar
- Hihina ang tsansa ng pag-atake ng strok o heat attack
- Magiging mas malusog ang katawan
- Mapapanatili ang tamang timbang
- Nagiging mas mahina ang tsansa ng pagkakaroon ng hemorrhoids
Kung hindi ka mahilig kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber maari kang magkaroon ng problema sa kalusugan. Maaari ring maapektuhan ang pagpapapayat mo. Unang-una, maaari kang magkaroon ng constipation. Malalaman mong ikaw ay konstipated kung nakaka-tatlong araw na at hindi ka pa rin dumudumi. At pag dumumi ka, hirap kang ilabas ito dahil ang dumi mo ay matigas at tuyo.
Maaari ka ring mas bumigat pa sa normal mong timbang. Ang mga nakaimbak na pagkain sa katawan mo ang magiging sanhi ng iyong pagbigat. Kaya naman malaking tulong ang fiber sa pagkontrol ng sami ng iyong mga kinakain. Isa pa, kung kulang sa fiber ang katawan mo, mahihirapan kang i-control ang iyong blood sugar.
Mga dapat kainin at inumin na mayaman sa fiber
Hindi lang wafer ang pagkaing mayaman sa fiber. Marami pang pwedeng pagpilian na maaaring makatulong sa kalusugan at pagpapapayat mo. Ilan sa mga ito ay ang mga gulay katulad ng saluyot, repolyo, malunggay, broccoli at sitaw. Ang lahat ng ito ay malaking tulong para ang katawan ay magkaroon ng sapat na fiber. Ang mga ito ay madaling matunaw. Madali ring mailalabas ang mga ito bilang dumi para malinis ang bituka at katawan.
Bukod sa gulay, may mga prutas ding dapat kainin para maging mas malusog pa ang pangangatawan. Kabilang sa mga ito ang pasas, suha, mansanas at saging na hinog. Maaari ring idagdag sa pagpaplano ng kakainin ang oatmeal, cereals, pasta at brown rice. Ang lahat ng ito ay mga pagkaing mayaman sa fiber kaya tiyak ang pagiging mas malusog pa ng katawan. Sigurado rin ang pagpayat kung ikaw ay kasalukuyang sumasailalim sa isang weight loss program.