Pagkatapos manganak, gusto mong mawala ang iyong bilbil na nkuha mo sa pagbubuntis. Matapos gumaling sa panganganak, ang pangunahing nasa isip mo ay kung paano maibabalik ang dating katawan bago pa man mabuntis. Pero maaari mong mabawasan ang timbang na nakuha mo sa pagbubuntis kung susundin mo ang mga sumusunod na simpleng plano. Ang mga gabay na ito ay kinakailangang gamitan ng exercise ball, high intensity cardio at pinagbuting programa sa pagdidiyeta. Sa loob lamang ng dalawang linggo maari nang mabawasan ang bilbil na nakuha mo sa iyong panganganak.
Paano mawala ang bilbil?
Una sa lahat, sa pagbabawas ng bilbil, kailangan mong bumili ng exercise ball. Nagkakahalaga ito ng humigit kumulang sa P2,000 sa mga sporting goods store. Karamihan sa mga babae ay gugustuhin ang 22 pulgadang bola. At kung ikaw ay may taas na 5’1, bilhin ang bolang may 18 pulgada ang sukat at kung may taas ka naman na 5’8, mas bagay sa’yo ang 26 na pulgada ang laki. May mga pag-aaral mula sa Sacramento State University na nagpapakita na ang mga taong gumagamit ng exercise ball ay nakakalikha ng dobleng paghubog ng kalamnan kaysa sa normal na pagbabaluktot ng katawan. Kung makikita mo, mas mapabibilis nito ang pagtanggal ng bilbil mo, kaya gugustuhin mong magkaroon nito.
Napakaraming mga pamamaraan ng pag eehersisyo na ginagamitan ng exercise ball, pero may ilan sa mga ito ang ibabahagi ko sa higit na makakatulong sa pagtatanggal ng bilbil. Ang una ay pabaliktad na pagbaluktot ng katawan. Habang nakahiga, ipitin ang bola sa pagitan ng iyong mga binti at buhatin ito ng 3 hanggang 6 na pulgada ang taas mula sa sahig. Panatilihing nakataas sa loob ng isang segundo, ibaba at muling itaas. Ang pangalawa ay ang rock and roll. Lumuhod ka at ilagay ang siko sa bola. Iangat ang iyong katawan hanggang sa nakatingkayad kana ng 45 degrees sa mula sa sahig. Panatilihin ang ganitong posisyon, mag-relaks, at ulitin.
Ang cardio ay importante rin sa planong ito. Subukang isagawa ang 45 minutong ehersisyong makakabuti para sa puso tatlong beses sa isang linggo sa pagtatanggal ng bilbil. Maari kang maglakad, tumakbo, magbisekleta, o gumamit ng cardio machine sa gym. At ang huling paraan ay ang pagpapanatili na tama ang iyong pagkain. Subukang kumain ng 500 na kaloriya higit na mas mababa kaysa sa kinakailangan mo para mapanatili ang iyong timbang. Halimbawa, ang isang 5’1 na 28 anyos na may bigat na 140 lbs. na babae ay nangangailangan ng 2400 na kaloriya para mapanatili ang kanyang timbang. Kinakailangan lamang niya ay 1900 na kaloriya sa loob ng dalawang linggo sa pagsasagawa ng programang ito.
Ang paghahanap ng mga paraan upang mabawasan ang kaloriya sa loob ng maikling panahon ay lubos na napakadali kaysa sa naiisip mo. Halimbawa, sa pag-gawa ng latte na may skim kaysa sa isang purong gatas ay makakaiwas sa 120 na kaloriya. Mabubuhay ka na sa ganyan sa loob ng dalawang linggo, hindi ba? Ang ilan pang pagpapalit ay ang pagkain ng popcorn kaysa potato chips (makakaiwas sa 95 na kaloriya) at pagpapalit sa isang tasang hiniwang strawberries at isang tasang fat free vanilla yogurt sa iyong tradisyonal na fruit on the bottom yogurt cup (makakaiwas sa 105 na kaloriya). Gawin ang 4 o 5 mga pamalit na ito kada araw at ikaw ay patungo na sa ninanais mong pagkawala ng iyong bilbil.
Kapag may bagong silang na sanggol sa bahay, Mahihirapan kang makakuha ng oras upang makahanap ng ehersisyo at programang pangdiyeta na naayon sa para sa iyo. Ngunit, kung gusto mo talagang mawala ang bilbil mo dahil sa panganganak, maaari mong sundin ang mga rutinang ito at maibabalik ang dati mong katawan sa loob lamang ng dalawang linggo.