in

Paano pumayat: Ano Ang Mabisang Pampapayat ng Katawan?


ad

Kapag mataba ka ay maraming bagay na maaring hindi mo magawa dahil sa iyong mataas na timbang. Maraming magagandang damit na gustong –gusto mong isuot ngunit hindi sayo magkasya. Maari ring mawalan ka ng kompyansa o tiwali sa iyong sarili dahil sa inisip mong pangit ka at hindi ka magugustohan ng iba dahil mataba ka. Sa mga ganitong problema ay hindi ka nag-iisa! Maraming mga tao ngayon ang nakararanas ng ganitong problema. Kaya naman marami ang nagtatanong, paano ba pumayat? Ano-ano ang mga paraan para pumayat? Ano ang mabisang pampapayat ng katawan?

Kapag nagpapapayat ka ay lagi mong iniisip na kumain lamang ng mga pagkaing mababa ang calories, at gumawa ng mga paraan na nakaka burn ng calories. Kaya lang kung minsan ang mga inisip mong mga plano ay hindi naman laging nagagawa. Pero kung iyong gagawin ay magbawas ng timbang, ito ay isang mabisang paraan kung paano pumayat.

Pagbawas ng pagkain o diet: Mabisang paraan kung paano pumayat!

Upang mabawasan ang timbang ay kailangan mo ring bawasan ang dami ng iyong kinakain- Subukan mong bawasan ang dami ng iyong kinakain ng 15% sa dating dami ng iyong kinakain. At iwasan ang mga dating kinaugalian na kainin o inumin tulad ng matatmis na inumin, o kaya ay inuming may alcohol.Iwasan din ang mga pagkain na inilalagay sa tinapay o dressing, spreads at souce. Ang mga ito ay hindi naman importanting mga pagkain na maaring huwag ng kainin at upang mabawasan ang calories.

Pagkatapos ng almusal, uminom ng tubig sa halip na orange juice. Sa boung maghapon ay iwasan ang uminon ng juice o kaya ng soda, sa halip ay tubig ang inumin sa tuwing nauuhaw ka, at sikapin na uminom ng maraming tubig araw-araw.

Pagtkatapos kumain ay iwasan ang laging kinaugalian ng marami na manood ng tv pagkatapos kumain. Sa halip na maupo at manood ng tv ay subukang maglakad-lakad ng kahit 15 mintes, ang pagsakripisyo ng kaunti para hindi mapanood ang paborito mong tv show ay sulit naman dahil sa mga benepisyong dulot ng paglalakad.

Gumalaw-galaw. Ang simpleng galaw tulad ng ilang gawaing bahay ay maaring makabawas ng iyong timbang,o kung paano pumayat. Ang palinis ng sahig, banyo at pagwashing ng sasakyan ay mga simpleng gawain na kapag ginawa mo ng 30 minutes ay nakakaburn ng 120 calories.

Kumain lamang sa tamang oras ng pagkain. Kung minsan ang pakain ay kinahihiligan lamang o kaya ay kumakain ka kapag wala kang magawa. Kaya kumain lamang kapag gutom ka na o sa tamang oras ng pagkain para maiwasan ang sobrang pagkain na hindi naman talaga kailangan.

Paglakad sa hagdanan. Ang 10 minutong na pag-akyat baba sa hagdanan araw-araw sa loob ng isang taon ay sinasabing makakabawas ng 10 pound sa iyong timbang, kahit na hindi ka nababawas ng iyong pagkain at wala kang ibang ginagawang paraan upang magpapayat.

Malakad ng 5 minutes kada ikalawang oras. Kahit ang iyong trabaho ay nakaupo lang o nakatayo, kailangan mong maglakad- lakad ng 5 minuto kada ikalawang oras. Ang ganitong paraan ay makukuha mo ang benepisyo na dulot ng paggalaw-galaw at maiiwasan mo pang sumakit ang iyong likod.

Maglakad ng 45 minuto araw-araw. Ang paglalakad ng 45 minutes araw-araw ay sinasabing nakakabawas ng 30 pounds sa loob ng isang taon, ng walang ibang ginagawang paraan kung paano pumayat, at hind rin nagbabawas ng pagkain.

Maglakad-lakad ng 20 minuto bago kumain ng hapunan. Ang paglakad-lakad ng 20 minuto bago kumain ng hapunan ay makakabawas ng iyong ganang kumain, at sa ganitong paraan ay kaunti na lamang ang iyong makakain kaya mababawasan ang iyong timbang.

Pumili ng libangan na maaring maging active ang katawan. Makatutulong upang pumayat kung kahit isang beses sa isang linggo ay maglilibang ng libangan na nagiging active ang katawan, katulad ng tennis match, bowling, at pagbebeseklita.

Ang mga ganitong paraan ay malaking tulong upang mabawasan ang timbang, at kung paano pumayat. Makaktulong din ito upang maging malusog ang katawan.

Mga mabisang pampapayat ng katawan

Ang pinakamabisang paraan para pumayat ang katawan ay ang mga exercise, narito ang ilang uri ng exercise na maaring gawin.

  • Cardio
  • Stength
  • Push-up
  • Crunch
  • Curl
  • Squat
  • Revers dip
  • Lunge
  • Row

Ang gaintong uri ng exercise ay mabisang pampapayat ng katawan. Ang mg exercise na ito ay papawisan ka at mag buburn ng calories at taba sa katawan. Hindi lamang ito mabisang paraan ng pagpapayat ngunit magdudulot pa ito ng magandang makiramadam, at magiging malusog ang katawan.

Paano ba pumayat?

Ang isa sa mga mabisang paraan kung paano pumayat ay ang pagpili ng mga pagkain na dapat kainin habang nagpapapayat. Ang taong nagpapayat ay hindi naman dapat na magutom, kailangan nya lang pumili ng mga pagkain na dapat kainin.

Mga pagkain na maaaring kainin ng habang nagpapapayat:

  • Isang buong itlog
  • Maberding gulay
  • Salmon
  • Cruciferous vegetables- broccoli, cauliflower at repolyo
  • Lean beef at chicken breast
  • Nilagang patatas
  • Tuna
  • Beans at legumes
  • Supas
  • Cottage cheese
  • Abokado
  • Apple cider vinegar
  • Nuts
  • Whole grains
  • Chili pepper
  • Prutas
  • Grapefruits
  • Chia seeds
  • Coconut oil
  • Full-fat yogurt

Mga dapat tandaan tungkol sa pagpapapayat ng katawan

Kung gusto mong pumayat kailangan mong gawin ang mga sumusunod:

  • Bawasan ang dami ng kinakain
  • Uminom ng tubig sa halip na juice-uminom ng maraming tubig
  • Gumalaw-galaw
  • Kumain lamang sa tamang oras ng pagkain
  • Ugaling maglakad
  • Pumili ng libangan na magiging active ang katawan
  • Mag exercise araw araw
  • Piliin lamang ang kakainin- mga pakain na mababa ang calories ngunit healthy pa rin

Napakahalaga ng mga pagkaing ito dahil magiging malusog pa rin at malakas ang iyong katawan habang nagpapayat ka.

Ang mga ganitong paraan kung paano pumayat, ay napatunayang ng mabisa. Maraming mga dating matataba ang pumayat dahil sa ganitong pamamaraan. Sa katunayan ay hindi naman talaga madaling gawin ito, ngunit kung determido kang pumayat ay susundin mo ito at gagawin. Ang mga sakripisyso at mga pagsisikap mo ay magiging sulit dahil maari mo ng magawa ang mga bagay na hindi mo nagagawa noong mataba ka pa. Maari mo ng masuot ang mga damit na gusto mong isuot. Maibabalik mo ang tiwala at kompyansa mo sa iyong sarili. Higit sa lahat ay magkakaroon ka ng malakas at malusog na katawan, na magagamit mo para mapaunlad ang iyong sarili at maging matagumpay sa larangan na napili mo sa buhay.


ad

Mga Paraan Kung Paano Magkaroon ng Abs ng Mabilis!

Paampaliit ng Mukha: Ang Unang Hakbang sa Pagpapayat