in

Mga Epektibong Mga Paraan Kung Paano Magpapayat


ad

Sa totoo lang, mas maraming tao ngayon ang namomroblema sa kanilang timbang. Maging sa mga klinika, karamihan sa mga pasyente ay may sakit na may kinalaman sa pagtaba, sobrang kain o pagkain ng bawal. Sadya nga bang madaling tumaba at mahirap magpapayat? Sa dami ng masasarap na pagkain totoo ngang mabilis na tataaba ang isang tao kung hindi siya magko-kontrol.

Ngunit puwede rin namang pumayat sa madaling panahon lang. Hindi man ito mangyayari sa magdamag lang, pero kung disiplinado at determinado, mararamdaman at makikita ang epekto sa isang linggo lang. Oo, tama ang nabasa mo. Kung pursigido sa pagpapapayat, aaksiyon kaagad at itutuloy-tuloy ito, siguradong in just one week, mababawasan ang timbang, liliit ang sukat at talagang papayat ka. Dapat na handa ang katawan mo sa pagpapapayat lalo na kung binibigyan mo lang ang iyong sarili ng isang linggo.

Change of lifestyle. Ito ang unang-unang dapat gawin para malaman kung paano magpapayat. Magbago ng pamamaraan ng pamumuhay para makapag-umpisa nang magpapayat. Isiping mabuti kung ano talaga ang goal na gusto mong ma-achieve. Mag-set ng schedule para ma-balanse mo ang mga gawain sa araw-araw. Magkaroon ng displina sa sarili at maging istrikto dito. Iplano ang pagkain, inumin at pag-e-ehersisyo sa tamang paraan at oras.

Huwag manood ng TV habang kumakain. Pinatatagal lang ng gawing ito ang iyong pagkain. Ang ibig sabihin, mas mapaparami ang kain kung nanonood ng TV habang kumakain. Mawawala ang focus sa pagkain kapag nanonood ng TV. Dahil dito, hindi mapapansing mas mapaparami ng kuha sa plato.

Matulog ng sapat at tama sa oras. Nakapagbabalanse ng metabolism ang pagtulog ng sapat at tama sa oras. Ito ay isa sa mga epetkibong paraan kung paano magpapayat. Pinaka-‘da best’ ang pagtulog ng 8 oras araw araw. Kapag kulang sa tulog ang isang tao, babagal ang kaniyang metabolism. Ang resulta, mabilis na tataba.

Kape at tsaa para sa weight loss. Paghandaan ang araw-araw na physical activities sa pamamagitan ng pag-inom ng tsaa o kape mga 30 hanggang 45 minuto bago simulant ang ehersisyo o physical activity. Ito ay garantisadong nakatutulong para sa mabilis na pagsunog ng mga taba, sebo at dumi na naipon sa katawan. Dapat lang tandaan na makasaama naman ang pag-inom ng sobra ng kape. Ito ay makapagdudulot ng palpitation.

Kumain ng fiber-rich foods. Ito ay garantisadong makakatulong na bumilis ang pagpayat. Sa loob ng isang linggo, kung gagawin mo ito, siguradong sa loob ng pitong araw, mapapansin mo ang pagbabago sa iyong pangangatawan. Ilan sa mga halimbawa ng mga pagkaing mayaman sa fiber ay oatmeal, pinya, guyabano at wheat bread.

Mag-exercise tuwing umaga. Gusto mo talagang malaman kung paano magpapayat nang mabilis? Mag-exercise ka araw-araw. Hindi kailangang mahirap na workout. Simpleng paggalaw gaya ng paglalakad, pagtakbo at pagsayaw-sayaw ay makapagsusunog na ng maraming calories agad-agad.

May natural bang paraan kung paano magpapayat?

Kung nais pumayat, huwag basta-basta iinom ng gampot na pampapayat. Hindi lahat ng ipino-promote ay apektibo. Maaaring mabilis silang makapagpapayat, ngunit maaari rin silang magkaroon ng side effect. Pinaka-safe pa ring paraan para ikaw ay pumayat ang natural remedy. Maraming kang matutunang tips para pumayat. At ang good news dito, marami ka ring mapagpipiliang mga natural na pamamaraan.

Bago sumubok ng mga dietary supplement, pagkain o inuming pampapayat, mas mainam na umpisahan muna ang disiplina sa sarili nang hindi kinakailangang bumili. Kung dati’t isa hanggang 1-1/2 tasa ang kanin mo kada kain, bawasan ito sa kalahating tasa na lamang. Malakas makapagpataba ang kanin. Dalasan at mas damihan pa ang pagkain ng gulay. Ito ay mabilis matunaw sa tiyan at mababa ang tsanasang maimbak o manatili sa katawan at maging taba.

Sabayan ng ehersisyo ang tamang pagkain. Ang pagwo-workout ng 30 hanggang 45 minuto araw-araw ay epektibong nakakabawas ng timbang. Magkaroon ka ng 10,000 steps a day na goal sa sarili. Tiyak na malaki ang mababawas sa bilbil pag nakaugalian ito.

Mga tips para pumayat
Hindi imposibleng pumayat. Gaano ka man kataba, hindi dapat mawalan ng pag-asa na ikaw ay papayat pa. Sa artikulong ito, nabasa mo na sa mga unang bahagi pa lamang, ang mga apektibong pamamaraan kung paano magpapayat. Hindi ba’t achievable at kayang-kayang gawin ang mga ito? Hindi rin mahirap hanapin ang mga rekomendadong pagkain at inumin, di ba?

Hindi nagtatapos doon ang aming tips. Narito ang ilan pa. Tandaan, hindi ka imposibleng pumayat. Maaaring nagkulang ka lang ng disiplina kaya kabumigat at lumaki, pero siguradong papayat ka pa.Puwera na lamang kung may karamdaman kang nagiging sanhi ng iyong pagtaba. Narito ang ilang pang tips:

  1. Simulan mo na ngayon. Wala nang iba pang best time para magsimula kundi ngayon. Ang pag-uumpisa ang pinakamahirap talagang gawin. Ngunit kapag naumpisahan na ang pagpapapayat, tiyak na mae-engganyo ka nang ipagpatuloy ito.
  2. Huwag mag-alangang magtimbang. Importanteng maitala mo ang sariling timbang bago, habang, at pagkataos ng weight loss program mo. Malalaman mo ang ang diperensya ng timban sa paglipas ng mga araw kung alam mo kung saan ka nagmula.
  3. Katulad ng nabanggit na, laging tatandaang pinakaepektibong paraan ng pagpapapayat ang kumbinasiyon ng diet and exercise.
  4. Umiwas sa mga pagkaing mayaman sa carbohydrates gaya ng pasta, kanin at tinapay. Ang mga ito ay sobrang bilis makapagpataba.
  5. Kung malakas ka sa softdrinks at juice, itigil na ang pag-inom ng mga ito. Maging ang mga matatamis ay dapat mo nang bawasan (kung hindi man maiwasan). Malaki ang ibabawas sa timbang mo sa paghinto sa pag-inom ng kahit anong colored drink.
  6. Siguraduhing may nakalaang oras sa araw-araw para sa ehersisyo. Kahit pa gaano k aka-busy, dapat mayroon kang kahit 30 minuto lang para magpapawis. Ang araw-araw na pag-eehersisyo ay makatutulong para pumayat.
  7. Kung hindi kaya ang monthly membership fee sa gym, huwag mag-alala. Maari ka namang mag-exercise sa bahay sa pamamagitan ng YouTube at exercise videos na mapi-play sa DVD. Marami ka pang pagpipilian gaya ng Taebo, Zumba, Body Combat at Walk the Mile. Ang kagandahan nito, ikaw ang magdedesisyon kung kalian at ano ang gusto mong gawin.
  8. Mamuhay ng healthy lifestyle. Palaging isaisip ang kapakanan ng sarili at ang kalusugan. Piliin ang paglalakad kaysa sa pagsakay kung malapit lang ang pupuntahan. Sa paraang ito, nakatipid ka na, nakapag-exercise ka pa!
  9. Higit sa lahat, ipagpatuloy lang ang healthy practice at manatiling disiplinado sa lahat ng bagay at oras.

ad

Tips Para Tumaba – Pagpapataba sa Natural na Paraan

Helpful Tips Kung Paano Mawala ang Bilbil