in

Paano Magpapayat ng Mabilis Paano Pumayat ng Mabilis sa Loob ng Isang Linggo!

Upset woman on weigh scale at home, asian

ad

Nangangamba na baka lumubo ng husto ang iyong katawan dahil sa taba? Naghahanap ka ba ng paraan kung paano pumayat ngunit hindi mo alam kung paano ito umpisahan? Ang artikulong ito ang kasagutan. Tatalakayin natin dito kung paano magpapayat ng mabilis, mga tips para pumayat sa loob ng isang linggo at iba pang mabilis na paraan para pumayat.

Ano ang sanhi ng pagtaba ng isang tao?

Paano magpapayat ng mabilis? Bago tayo dumako sa pangunahing layunin ng artikulong ito, alamin muna natin kung ano ang sanhi ng pagtaba, at ano-ano ba ang puwedeng maging masamang epekto ng pagiging mataba sa iyong kalusugan.

Biktima ka ba ng bullying dahil sa pagiging mataba? Napagtatawanan ka ba kung minsan at palaging tinutukso dahil sa pigura ng iyong katawan? Mapa bata man o matanda, sa eskuwelahan man, sa trabaho at sa mga pampublikong lugar, ilan lamang yan sa dinaranas ng mga kababayan nating biktima ng labis na pagtaba o obesity (over weight). Ano ba ang sanhi nito? Delikado ba ito sa iyong kalusugan? Narito ang ilan sa mga pangunahing sanhi ng pagtaba:

  • Ang labis na pagkain ng matatamis at mayaman sa carbohydrates ay isa sa mga pangunahing sanhi ng pagtaba ng isang tao. Ang problema, paborito ng mga Pilipno ang kanin na siyang nangunguna sa mga pagkaing mayaman sa carbohaydrates. Ang pagkain rin ng matatamis na pagkaing kagaya ng tsokolate, ice cream, cakes at marami pang iba ay isa pang dahilan ng pagtaba.
  • Isa pang sanhi ng pagtaba ay ang pagbagal ng metabolismo ng katawan ng isang tao. Kadalasan itong nagaganap kapag sumapit na sa edad na 30 anyos pataas. Sa edad na ito rin bumabagal ang digestive system ng katawan, dahil sa pagiging inactive sa mga pisikal na gawain dahil nga nagkakaedad na.
  • Nangunguna rin sa dahilan ng pagtaba ang kakulangan sa ehersisyo o mobility ng katawan. Nabanggit ko kanina na isa sa mga dahilan ng pagbagal ng metabolismo bukod sa pagtanda ay ang kakulangan sa mga physical activities.
  • Genetic factors o nasa lahi ng iyong pamilya. Mapapansin mo na mayroong magkakamaganak na pare pareho ang mga sukat at pigura ng katawan, mapalalaki man o babae. Ito ay dahil sa namamana ang pagiging mataba. Mayroong mga pamilyang hindi naman kalakasan kung kumain subalit matataba sila.

Kung iniisip mo na baliwala lang ang pagiging over weight ay nagkakamali ka. Alam mo bang puwede itong magbigay ng banta sa iyong kalusugan? Kumpara sa mga normal ang timbang, ang taong matataba ang mas malaki ang chance na tamaan ng iba’t ibang karamdaman katulad ng dyabetis, sakit sa puso, haypertensiyon at iba pang nakamamatay na sakit.

Ngunit hindi pa huli ang lahat, magpatuloy lamang sa pagbabasa at malalaman mo ang mga dapat gawin kung paano pumayat ng mabilis.

Paano magpapayat ng mabilis: Tips para pumayat sa loob ng isang linggo!

Paano magpapayat ng isang linggo? Sundin lamang ang mga sumusunod na ito:

  • Ugaliin ang pagehersisyo araw-araw. Napakahalaga ng wastong exercise sa isang tao, bukod sa pagkakaroong ng malusog na pangangatawan ay makakaiwas ka rin sa iba’t ibang mga sakit. At kung naghahanap ng mabilis na paraan para pumayat, mag ehersisyo ka araw-araw!
  • Iwasan ang mga pagkaing matatamis at mayaman sa carbohydrates. Ang kanin ay kailangan ng katawan ng isang tao, ang taglay nitong sustansya ay nagbibigay lakas sa katawan na kailangan sa pang araw-araw na gawain. Gayundin ang mga matatamis, kailangan rin ng katawan ng tao ang sugar. Ngunit ang pag consume ng mga ganitong uri ng pagkain sa hindi wastong paraan ay nagiging dahilan ng pagtaba.
  • Iwasan ang mga inuming may soda. Ang inuming may soda kagaya ng soft drinks at beer ay mayaman sa calories, kaya ang labis na paginom nito ay maaaring makapag pataba saiyo.
  • Iwasan ang paghiga o pagupo matapos kumain, sa halip ay maglakad lakad o mag stretching.
  • Kumain ng gulay at mga prutas. Sa pagpapapayat, kailangan bawasan ang pagkain ng maraming carbohydrates at matatamis. May alternatibo namang pagkain na maipapalit mo sa mga pagkaing ito. Ito ay ang mga gulay at mga pagkaing sagana sa protina at fiber.  Nakakatulong ito na maging balanse ang iyong pagkain sa araw-araw. Narito ang mga ibat ibang gulay na mababa sa carbohydrates o mas kilala sa tawag na low-carb: broccoli, cauliflower, repolyo, lettuce, pipino at celery.

Dagdag kaalaman para sa mabilis na pampapayat!

Ang mga nabanggit sa itaas ay mabisang paraan kung paano magpapayat ng mabilis. Para sa dagdag kaalaman, narito ang ilan pa sa mga subok at epektibong paraan sa mabilis na pampapayat:

  • Uminom ng maraming tubig araw-araw (8-10 glasses of water) Sa paanong paraan ba nakakatulong ang tubig sa pagpapayat? Madalas raw na inaakala ng isang tao na gutom ang nararamdaman imbes na pagkauhaw lamang. Kaya sa susunod na makaramdam ka ng gutom, magdalawang isip muna.  Baka nga nauuhaw ka lang. Uminom ka muna ng tubig. May mga ekspertong humihikayat na uminom ng tubig o iced tea bago umupo para kumain. Ipagpatuloy ang paginom habang kumakain para makaramdam ng pagkapuno o pagkabusog.
  • Magtakda ng makatotohanang layunin o goals. Importante ito upang mas maging mabisa ang pagpapayat. Ang pagbabawas ng timbang na mula 1-2 pounds (kalahati hanggang 1 kilo) sa isang linggo ay mas makatotohanang maabot ng marami. Ang mga bihasa sa pagbabawas ng timbang ay nagmumungkahi na itigil ito pag naabot na ng 10 pounds ang ibinawas at ang pag maintain nitong timbang hanggang anim na buwan bago magsimula muli.
  • Iwasan ang labis na paginom ng alcohol o alak. Ang alcohol sa alak ay pinagmumulan ng maraming calories. May 150 calories sa isang 12- ounce na beer, 85 calories sa 3.5-ounce na baso ng vino, at mas marami sa mga mixed alcoholic drinks na tinatayang katumbas na rin ng pagkain ng dessert o minatamis.
  • Dagadagan ang protina sa arawang kain. Ang protina ay nagpapasiksik ng katawan at nagbibigay enerhiya na sapat sa isang araw ng aktibidad. Umpisahan ang araw sa pamamagitan ng pagkain ng itlog, lalo na ang puting bahagi nito. Linalabanan rin protina na mapigilan ang outbreak ng taba sa katawan. Kung kaya itinuturing ng maraming eksperto na ang maraming protina sa katawan ay isang mabisang paraan na pampapayat.

ad

Alam Mo Ba Kung Paano Magpaliit ng Tiyan?

Mga Paraan Kung Paano Magkaroon ng Abs ng Mabilis!