in

Mga Paraan Kung Paano Magkaroon ng Abs ng Mabilis!


ad

Isa ka rin ba sa mga kalalakihan na naghahangad na magkaroon ng abs? Naghahanap ka ba ng mabisang paraan para magkaroon nito? Ang artikulong ito ay punong-puno ng kaalaman tungkol sa abs at kung paano magkaroon nito sa iyong tiyan. Kung interesado ka, pagusapan natin ito!

Ano ba ang abs o abdominal muscle?

Bago natin pagusapan kung paano magkaroon ng abs, mas mainam kung magkaroon ka muna ng sapat na impormasyon tungkol dito. Bago ang lahat, alam mo bang lahat ng tao ay mayroong abs? yun nga lang, hindi lahat ng abs sa tiyan ay visible o nakikita. Tumingin ka ngayon sa iyong tiyan. Hindi ba wala kang makita kaya nga binabasa mo ito? Ito ang ibig kong sabihin. Isa sa pangunahing dahilan kung bakit hindi visible ang abs sa iyong tiyan ay dahil mataba ka. Natatakpan ng taba ang abs sa tiyan na siyang dahilan kung bakit hindi ito makita.

Ang abs o abdominal muscle ay isang malaking grupo ng muscle sa harap ng iyong tiyan o abdomen. Ito ay tumutulong sa paggawa at sa regular na paghinga. Inaalalayan ng abs ang muscle sa iyong spine habang pinapanatili nitong nasa wastong ayos ang ibang abdominal organs kagaya ng bituka o intestine.

Ngayong malinaw na saiyo kung ano ang abs, gusto mo na bang malaman kung paano magkaroon ng abs? Magpatuloy lamang saiyong pagbabasa.

Paano magkaroon ng abs: Mga exercise para magkaroon ng abs

Para sa ibang kalalakihan, mayroon daw dalang pogi points ang pagkakaroon ng 6 pack abs sa tiyan. Kaya ganun na lamang sila kaabala sa paghanap ng mabilis na paraan para magkaroon nito. Ayon sa mga physical fitness experts, isa sa pangunahing paraan para ma achieve ang pinapangarap na 6 pack abs ay ang wastong exercise. Ang tanong, ano-ano bang uri ng exercise ang nababagay sa mga katulad mong gustong magkaroon ng abs? Sundin lamang ang mga sumusunod na ito:

  • Sit ups – Paano gawin ang sit ups: Humiga sa sahig at ilapat ang mga paa, itaas ang mga tuhod at ilapat ang mga kamay ng naka-ekis sa iyong dibdib. Iangat ang iyong buong katawan habang nananatiling nakalapat ang iyong likod sa sahig. Panatilihing nakatuwid ang likuran at huwag itong hayaang mamaluktot. Gawin ang sit ups ng may bilang, dagdagan ang bilang sit ups araw-araw.
  • Crunches – Paano isagawa ang crunches: Humiga sa sahig habang nakalapat sa dibdib ang iyong mga braso. Maaari ring hawakan ng iyong mga kamay ang iyong sentido. Lumuhod ka at iangat ang iyong mga balikat patungo sa iyong mga tuhod habang gamit lamang ang kalamnan ng tiyan.
  • Jacknife sit ups – Ano ang pagkakaiba nito sa regular sit ups? Paano ito isagawa: Mahiga ng nakalapat ang iyong likod sa sahig at ilagay ang iyong mga kamay saiyong tagiliran. Magkasabay na itaas ang iyong tuhod at katawan sa paraang magtatagpo ang mga tuhod at mukha mo sa linyang mula sa iyong balakang patungong kisame. Ang mga tuhod mo ay karaniwang babaluktot, maglalapit ang iyong mga paa at balakang, katulad ng isang jackknife.
  • Butt-ups – Paano isagawa ang butt-ups: Iposisyon ang iyong kamay na para mag pu-push up. Habang nakalapat ang mga siko at palad mo sa sahig, dahan dahang iangat ang iyong glutes hanggang sa pinakamataas na makakaya mo. Pagkatapos ay dahan dahang ibaba ang iyong glutes sa pinagmulang posisyon.
  • Pull ups – Paano isagawa ang pull ups: Gawin ito ng nakabitin sa isang horizontal bar. Magsagawa ng limang pull ups ng nakatalikod ang mga palad mo saiyo at limang pull ups naman ng nakaharap ang mga palad mo saiyo. Hindi lang ito nakakatulong sa pag develop ng abs, nakakpagpalaki rin ito ng iyong lats at biceps o muscle sa braso.
  • Planking – Ibaluktot ang braso at ibaba ang katawan, gawin ang push up position ng naka-extend ang iyong braso. I-hold ang posisyon sa loob ng tatlumpung segundo at unti-unting magdagdag ng 10 second bawat araw depende sa kaya mong gawin. Malaki ang maitutulong ng exercise na ito sa pagpaliit ng tiyan at pag develop ng abs.

Ang mga nabanggit na exercise ay mabisang paraan kung paano magkaroon ng abs. Sundin lamang ito at isagawa ng maayos ang iyong nabasa at tiyak na makakamit mo ang inaasam na 6 pack abs!

Paano magka abs: Mga dapat kainin para magkaroon ng abs!

Habang isinasagawa ang exercise, mas mainam kung sasabayan ito ng wastong diet para mas mapabilis ang iyong layunin na magkaroon ng abs. Dahil layunin rin ng artikulong ito na matulungan ka sa iyong problema, pagusapan natin kung ano ba ang mga dapat mong kainin para magkaroon ka ng abs. Narito ang ilan sa mga pagkaing makakatulong saiyo:

Kumain ng mga gulay at prutas. Ang pagkain ng maraming gulay at prutas na mayaman sa fiber at iba pang vitamins at minerals ay mahusay na katulong sa pag develop ng iyong digestive system na siyang tumutunaw sa iyong mga kinakain at nagaalis ng mga excess fats sa iyong tiyan.

Kumain ng mga pagkaing mayaman sa protina. Ang protina ay kilala na mahusay sa pagdevelop ng muscle sa katawan ng isang tao. Pinipigilan rin nito ang outbreak ng taba sa iyong tiyan na siyang sumisira sa hangarin na magkaroon ng abs. Ano-ano ba ang mga pagkaing sagana sa protina: Karne ng pabo at manok (mas maganda kung walang balat), mga isdang dagat katulad ng salmon at mackerel, itlog, beans, at marami pang iba.

Uminom ng maraming tubig. Tandaan, ang tubig ay nakakabusog, ngunit hindi nakakataba. Ang paginom ng maraming tubig ay maganda sa pag rehydrate ng katawan habang isinasagawa ang pag ehersisyo. Para naman sa mga istrikto ang diet, mainam na uminom muna ng tubig kapag nakakaramdam ng gutom o habang kumakain.

Kumain ng saging araw-araw. Ang saging ay mayaman sa potassium na pampalakas ng muscle sa katawan. Kailangan mo ito habang isinasagawa ang iyong pag ehersisyo. Dagdag pa, ang pagkain ng saging ay makakatulong saiyo para makaiwas sa muscle cramps.

Kung may mga dapat kainin, mayroon ring mga pagkaing dapat iwasan na maaaring makasira sa iyong 6 pack abs goal. Dapat mong iwasan ang sobrang kanin, junk foods, soft drinks, matatabang karne, chocolates, cake, ice cream, at iba pang pagkaing matatamis.


ad

Paano Magpapayat ng Mabilis Paano Pumayat ng Mabilis sa Loob ng Isang Linggo!

Paano pumayat: Ano Ang Mabisang Pampapayat ng Katawan?