Naghahanap ka ba ng mga mabisang paraan ng pagpapapayat? Pampaliit ng mukha muna ang dapat mong hanapin. Ito ay dahil sa, ang mukha ang pina-uang nakikita sa isang tao. Ito rin ang pinakaunang napapansin kung siya ay pumapayat o tumataba. Kaya naman sa pagpapapayat, ito dapat ang unahin at ang lahat ay susunod na lamang.
Bilugan ang mukha kadalasan, ng isang taong mataba. Malaki ang pisngi, at madalas, ang ilong ay lumalaki rin kasabay ng pagtaba. Kung minsan, may ilang indibiduwal na hindi naman masyadong mataba pero malaki ang mukha. Dahil dito, sila ay naghahanap ng mga paraan ng pampaliit ng mukha. Nagre-rely sila sa magazine at internet para maka-diskubre ng tips.
Ngayon, unahin natin ang mga dapat gawin at ilang mga practical information para mas madali mong malaman at maiintindihan at iyong gagawin para sa pampapayat ng mukha mo. Importanteng alam mo muna ang mga maaari mong subukan at iwasan para sa pampaliit ng mukha mo. May ilang mga ehersisyo sa artikulong ito na maaari mong gawin. Ang pagkain ay isa ring pwede mong option para sa garantisadong pagpayat ng mukha.
Basic tips sa pampaliit ng mukha
Iwasan ang matatamis. Bawasan din ang pagkain ng mga pagkaing sagana sa carbohydrates. Ito madalas ang mga nagiging dahilan ng paglaki ng mukha. Sabin g mga eksperto sa nutrisiyon, ang sobrang pagkain ng matamis ay puwedeng maging magdulot ng water retention sa mukha. Kapareho rin ang epekto ng pagkain ng matamis ang pagkain ng maalat kayat umiwas din sa mga ito.
Para sa mga babaeng nasa tamang edad na, mag-make-up. Ito ay malaking tulong at mabisang pampapayat ng mukha. Mabuti ring magpagupit na angkop sa hugis ng mukha. Pagpunta sa salon, damputin ang catalog at maghanap ng gupit na babagay sa iyo. Ito ay makakatulong sa iyo para pagdesisiyonan ang hairstyle na swak na swak sa hugis ng mukha mo.
Exercise at diet para sa pampaliit ng mukha
Madalas, pag malaki ang mukha, malaki o mataba rin ang katawan. Kaya naman kung nais talagang malaman kung paano papayat ang mukha, mas mabuting magbawas ng timbang sa buong katawan. Paano ito gagawin? Sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga pagkaing mabilis magpataba, katulad nga ng nabanggit na kanina.
Kung may nasubukan nang exercise para sa pagpayat ng buong katawan, huwag kakaligtaang gawin ang mga workout para sa pampaliit ng mukha. May mga facial exercises na sadyang makatutulong sa pagliit at pagpayat ng mukha. Kabilang sa mga ehersisyong pangmukha na ito ang eyebrow raise, facial stretches, puff exercise o parang humihigop ng sabaw, at lip stretches.
May mga health buffs na nakapagpatunay na, na, ang paggawa sa mukha ng puff exercise habang nagwo-workout ay epektibong pampaliit ng mukha. Lumiliit o pumapayat ang mukha kung sa tuwing mag-e-ehersisyo ay nagpa-puff exercise din. May iba namang nagsasabing ang pagmamasahe ng mukha bago matulog ay isa ring mabisang paraan para pumayat ang mukha. Nahihilot ang mga muscles nito at narerelaks ng husto. Mas madaling paliitin ang mukha kung ito ay stress-free.
Napakaraming tips na pampaliit ng mukha na puwedeng subukan. Kailangan lamang ng matinding pasensiya para maabot ang goal. Maglaan din ng oras para sa mga nabanggit na pamamaraan para sa mas epektibong resulta. At higit sa lahat, magkaroon ng disiplinadong sarili para magtagumpay sa mithiing pagpayat hindi lang ng mukha kundi ng buong katawan.