in

Mga Tips Kung Paano Magbawas ng Timbang ng Mabilis


ad

Gusto mo bang pumayat ng mabilis sa natural na paraan para sa isang importanteng event sa buhay mo ngunit hindi mo alam kung paano ka magsisimula?

Tuturuan kita ng iba’t ibang paraan ng mabilis na pagpapayat o pagbabawas ng timbang!

Ano ang mga pakinabang ng pagbawas ng timbang?

Ang pagbawas ng sobrang timbang ay makapagbibigay saiyo ng masarap na pakiramdam, pisikal man o emosyonal. Ang pakiramdam na ito ay ang susi sa pagkakaroon ng malusog at mahabang buhay. Lalo na kapag nalaman mo na hindi mo kailangan magbawas ng malaking timbang para makamit ang malusog na pangangatawan.

Alam mo bang ang 5% hanggang 10% na nabawas na timbang mula sa orihinal mong bigat ay maaari ng makapagbigay saiyo ng maraming benepisyo sa kalusugan? Narito ang ilan pang mga halimbawa ng magandang mga benepisyong hatid ng tamang timbang:

  • Ang mga taong may mataas na presyon ng dugo na nakapagbawas ng 10 pounds sa loob ng mahigit 6 na buwan ay may malaking parte sa pagkakaroon ng normal na presyon ng dugo. Ito ay halos kaparehas ng epekto ng pagamot gamit ang medesina. Nakatipid ka na, wala pang side effects.
  • Ang pagbawas ng timbang ay napaka epektibo sa mga taong may high blood pressure. Sa pamamagitan nito, hindi na kailangan pa ng maintenance na gamot para sa presyon ng dugo. Kailangan na lamang panatilihin ang wastong timbang.
  • Ayon sa pagaaral, ang mga taong may type 2 diabetes at nakapagbawas ng 7% ng timbang sa loob lamang ng 30 minutong ehersisyo ay nababawasan ang panganib ng diabetes. Nababawasan ang panganib na ito ng halos 60%. Kaya naman maraming nagtatanong kung paano magbawas ng timbang ng mabilis.

Ang wastong timbang ay masarap sa pakiramdam!

Maraming hatid na benepisyo ang pagbabawas ng timbang. Bukod sa malaking epekto nito sa kalusugan mo, marami rin itong hatid na positibong pakiramdam sa buhay mo. Maraming pinoy ang nahihilig sa ibat ibang paraan ng pagpapayat, katulad ng diyeta, ehersisyo, pills, at marami pa para lamang makamit ang mga benepsiyong ito:

Maayos na paghinga

Maraming pinoy ang may wastong timbang ang hindi nahihirapan sa paghinga. Kapag malusog ang timbang mo, kaunting ehersisyo mo lang ay hindi ka mahihirapan sa paghinga anumang pisikal na aktibidad ang gawin mo.

Mabilis kang gumalaw

Kapag payat ka, mabilis kang makakagalaw, mabilis mong matatapos ang mga simpleng trabaho. Mga abilidad na hindi mo magagawa kapag sobra ang timbang mo. Kailangan mo lamang panatilihin ito upang maging produktibo ka sa maraming bagay.

Magkakaroon ka ng masarap na tulog

Kung iisipin, parang wala naman koneksyon. Pero ang pagtulog, paghilik, at pagbaba ng timbang ay may pagbabahagi sa isang relasyon. Malakas ka bang humilik? Natural ito sa matataba. Kapag nagbawas ka ng timbang, magkakaroon ka ng masarap na pagtulog at mawawala ang paghilik mo.

Mas lalakas ang iyong memorya

Kung nahihirapan kang mag memorya ng pangalan mga tao. Maaari mo itong isisi sa sobrang taba saiyong katawan. Sa isang pagaaral, ang isang taong nagbawas ng timbang at nagsagawa ng memory test, mas maganda ang naging resulta kumpara sa isinagawang test bago pa ito nagbawas ng timbang.

Mababawasan ang panganib na magkakanser ka

Paano magbawas ng timbang ng mabilis? Kung mababawasan naman ang panganib na magkakanser ka bakit hindi? Ang paginom ng alak at paninigarilyo ay mga pangunahing sanhi ng kanser, ngunit kukunting mga tao lamang ang may alam na ang obesity o sobrang taba ay malaking ugnayan sa sakit na kanser.

Paano magbawas ng timbang ng mabilis: 3 madaling hakbang!

Maraming paraan kung paano magbawas ng timbang ng mabilis, ang problema, karamihan sa mga paraang ito ay magugutom ka at sasakit ang ulo. Sa huli, hindi ka pa rin ito sapat. At kung wala kang fighting spirit kung tawagin sa ingles, mauuwi lang sa pagbagsak at pagkadismaya ang layunin mong magpapayat.

May tatlong plano akong ituturo saiyo:

  1. Tuturuan kitang pumayat sa pamamagitan ng pagbawas ng iyong gana sa pagkain
  2. Sa pamamagitan nito, mabilis kang papayat pero hindi ka magugutom
  3. Mapapanatili rin ang malusog mong metabolismo sa kabila ng kawalan mo ng apetite

Narito ang 3 paraan kung paano magbawas ng timbang ng mabilis:

Bawasan mo ang asukal at carbohydrates

Ang unang hakbang na ito ang pinaka-mahalaga sa lahat. Kapag ginawa mo ito, bababa ang lebel ng iyong pagkagutom at magiging resulta nito ang pagbawas rin sa pagkain mo ng kaloriya. Ang mangyayari, sa halip na magsunog ka ng carbs gamit ang lakas o enerhiya mo, ang sobrang taba sa katawan mo ang gagawa nito.

Isa pang benepisyo ng ng pagbabawas ng karbohidrata ay pinapababa rin nito ang lebel ng insulin sa katawan mo. Kapag nangyari ito, magpapalabas ang kidney ng mga sobrang sodium at tubig mula sa kanya. Dahil dito, babawas ang timbang mo sa pamamagitan ng pagkawala ng water weight. Sa madaling sabi, ang pagbawas ng asukal at krbohadrita sa katawan mo ay nakaka bawas gana sa pagkain, at nakaka bawas rin ng lebel ng insulin.

Kumain ng protina, mabuting taba, at mga gulay

Para magawa mo ito, siguraduhin mong bawat pagkain mo ay meron ang tatlong ito. Ang paghanda ng ganitong pagkain ay magreresulta sa otomatikong pagbawas ng carbohydrate sa katawan mo. Saan ba makukuha ang mga protinang ito? Sa karne, makakakuha mo ang protina sa baka, manok, baboy, at tupa. Salmon at hipon naman sa mga isda at iba pang pagkaing dagat. Sagana rin sa protina ang itlog.

Ayon sa pagaaral, ang mataas na protinang diet ay makakabawas sa madalas na pagkagutom. Ibig sabihin, mababawasan ang kinakain mo sa araw-araw sa paraang hindi ka magugutom. Hindi ba napakaganda nito? Nabanggit ko ang gulay tungkol dito, ano-anong mga gulay sa tingin mo ang tinatawag na low-carb vegetables? Ang brokoli, pipino, kamatis, repolyo, lettuce ay iilan lamang sa mga gulay na mababa sa carbs. Ang maganda sa mga gulay na ito, kahit gaano karami ang kainin mo nito ay hindi ka tataba.

Saan naman makukuha ang mabuting taba? Makukuha mo ito sa butter, coconut oil, olive oil, at avocado oil. Dagdag kaalaman, sanayin mo rin ang sarili mong kumain ng mabagal. Isa rin ito sa mga sekretong paraan kung paano magbawas ng timbang ng mabilis.

Mag ehersisyo ka tatlong beses sa isang linggo

Kung mapapansin mo sa unang bahagi, hindi kasali ang ehersisyo sa planong ituturo ko saiyo. Gayunpaman, rekomendado ito kung gusto mo talagang pumayat ng mabilis. Pinaka epektibong paraan ay ang pagpunta sa gym tatlong beses sa isang linggo. Makakabuti rin ang paghingi ng advice sa isang gym instructor. Alam mo bang sa pag eehersiyo ay mabilis kang makakapag sunog ng kaloriya at taba? Ang magandang balita pa nito, hindi rin bababa ang metabolismo ng katawan mo.

10 tips para mas mapabilis ang pagbawas ng timbang

Mahalagang isaisip ang tatlong paraang natutunan mo. Ngunit, para mas mapabilis ang pagbawas ng timbang, hindi lang ito ang dapat mong gawin. Kailang mo ng ekstrang sakripisyo. Narito ang sampong simpleng tips na makakatulong saiyo kung paano magbawas ng timbang ng mabilis:

  1. Kumain ng agahan na sagana sa protina. Ayon sa mga pagaaral, ang pagkain ng agahan na high protein ay nagreresulta ng pagkabawas ng gutom sa loob ng buong araw. Kagaya ng nabanggit, ang itlog ay mayaman sa protina.
  2. Iwasan mo ang mga matatamis na inumin. Dahil nga ang asukal ay isang rason kung bakit sobra ang timbang mo, kailangan mo talagang iwasan ito alang-alang sa layunin mong magbawas ng timbang.
  3. Uminom ka ng tubig kalahating oras bago kumain. Ayon sa pagaaral, ang paginom ng tubig kalahating oras bago kumain ay nakakatulong sa pagbawas ng timbang ng 44% sa loob lamang ng 3 buwan.
  4. Pumili ng mga pagkaing nakakabawas timbang. Kung inaakala mong lahat ng pagkain ay nakakataba, nagkakamali ka. Maraming pagkain rin ang nakakabawas ng timbang. Kabilang rito ang mga berdeng gulay, salmon, baka, dibdib ng manok, at marami pang iba.
  5. Uminom ka ng soluble fiber. Maraming pagaaral ang nagsasabi na ang paginom ng soluble fiber ay nakakabawas ng taba lalo na sa tiyan. Ang fiber supplements na katulad ng glucomannan ay makakatulong saiyo.
  6. Uminom ka ng kape at tsaa. Mahilig ka ba sa kape at tsaa? Kung ganun ipagpatuloy mo lang ang paginom nito kung gusto mong magbawas ng timbang. Isang pagaaral ang nagpatunay na ang paginom ng kape at tsaa ay nakakapag pabilis ng iyong metabolismo.
  7. Kumain ka ng mabagal. Kagaya ng nabanggit ko, epektibo ang paraang ito. Maraming pagaaral ang nagpapatunay na ang mga taong mabibilis kumain ay karaniwang nauuwi sa pagtaba o pagbigat ng timbang.
  8. Imonitor ang timbang mo araw-araw. Malaki ang nagiging epekto ng paraang ito sa mentalidad ng isang taong gustong pumayat. Ang pagsagawa pala nito ay nakaka dagdag motibasyon sa isang taong gustong magbawas ng timbang.
  9. Magkaroon ka ng sapat na tulog. Ang kakulangan sa pagtulog ay isa sa mga risk factor ng pagtaba ng isang tao. Ito ang patunay ng isang pagaaral. Kaya naman bigyan mo ang sarili mo ng sapat na panahon para sa mahimbing na pagtulog. Lalo na sa gabi.

Ang lahat ng nabanggit ay tiyak na makakatulong saiyo basta’t sundin mo lamang ito at isagawa ng maayos. Ang pagbabawas ng timbang ay hindi madali, gawin mo ito ng may kagalakan upang magtagumpay ka.


ad

Keto Diet Philippines: Bagong Trend ng Pagpapayat sa Pilipinas

Paano Gumawa ng Malusog na Salad?