in

Maging Mataba At Malusog: Mga Paraan Sa Malusog Na Pagdagdag Ng Timbang


ad

Dahil marami sa mga adultong Pinoy ay sobra sa timbang, ang karamihan sa mga sistema ng pag didiyeta ay nakabase sa pagpapayat. Subalit sa katunayan, marami ding mga Pilipino ang gustong magdagdag ng timbang.

Nakasasama ang sobrang kapayatan

Ang pagiging patpatin ay problema din ng ilan. Ang mababang timbang ay kadalasang dahil sa genetics o namamanang mga katangian, mga karamdaman, iniinom na gamot o sakit sa pag-iisip. Kahit ano pa man ang mga dahilan ng iyong sobrang kapayatan, ito ay maaaring magdulot ng seryosong medikal na mga kalagayan tulad ng mga sumusunod:

  • Mahinang immune system, pagkahantad sa maraming uri ng sakit at impeksyon
  • Matagal na panahon bago makabawi sa pagkakasakit
  • Mas nahahantad sa mga komplikasyon na dala ng operasyon
  • Manipis na ngipin, buhok at balat
  • Mga problema sa buto
  • Hindi regular na buwanang dalaw

Sa nakaraang artikulong Paano Tumaba: Mga Kasagutan Sa Problema Ng Mga Patpatin, napag-usapan natin ang mga dapat mong gawin para ikaw ay makapagdagdag ng timbang at maiwasan ang sobra-sobrang kapayatan. Sa artikulong ito, gusto nating bigyan ng diin kung paano mo mapapanatili na malusog ang pagdaragdag mo ng timbang. May mga pagkakataon kasi na ang pagpapataba ay nauuwi sa labis na katabaan kung ito ay mapasobra. Karanasan po iyan ng inyong lingkod. Kaya simulan natin ang talakayan sa pag-iwas sa mga pagkaing hindi gaanong masustansiya.

Maging mataba at malusog: iwasan ang mga pagkaing pinagmumulan ng hindi malusog na taba

Upang maging mataba o magdagdag ng timbang nag mas mabilis, kainin mo ang mga pagkaing paborito mo! May mga pagkakataon kasi na ang malabis na kapayatan ay sanhi ng kawalan ng gana sa pagkain o kaya naman ikaw ay may eating disorder. Kung ganon, dapat mong piliin ang mga pagkaing mayaman sa calorie at alam mong paborito mong kainin. Halimbawa, kung ang pagkaing pampataba na nakahain sa mesa ay hindi mo masyadong gusto, ang pagkain ng hamburger ay hindi naman masama. Kun hindi mo gusto ang pagkain, maghanap ka ng gusto mo. Isa pa, makatutulong din ang paghain ng pagkain na mabango at maraming sangkap. Tutulong ito saiyo na magkaroon ng pagaasam sa pagkain.

Subalit tandaan mo ito: kailangan mong iwasan ang mga pagkaing pinagmumulan ng hindi malusog na taba para maiwasan ang di-makontrol na paglobo ng katawan. Kung pinagsusumikapan mong tumaba, baka matukso ka na kumain ng matatabang pagkain. Subalit, alalahanin mo na ang mga pagkaing matataba ay kadalang naproseso at naglalaman ng maraming unsaturated fats o transitive fats, mga uri ng taba na hindi agad natutunaw. Kapag ang ganitong uti ng taba ay maimbak saiyong katawan, maaari itong mauwi sa mga sakit tulad ng altapresyon, sakit sa puso, rayuma at artritis o sakit sa bato.

Ang mga naprosesong pagkain tulad ng hotdog, tocino, longganisa, sausages, bologna at mga processed meats ay kailangang iwasan kasama na ang mga de-lata. Iwasan mo rin ang mga pagkaing sobra sa tamis tulad ng cake, candy o mga pie. Bawasan mo rin ang pagbisita at pagkain sa mga fastfood tulad ng Jolibee at McDonalds. Ang sobrang pagkain ng mga pinirito ay nakasasama din.

Ang kaunting pagkain ng mga nabanggit natin ay hindi naman nakasasama. Ito ay magdudulot lamang ng problema kapag inisip mong magpakalabis dito para tumaba.

Ehersisyo para sa malusog na pagdagdag ng timbang

Para maging mataba at malusog, isama sa iyong pang araw-araw na schedule ang pagsasagawa ng aerobic exercise. Baka isipin mong nagkakamali ako sa pagrerekomenda ng pag-eehersisyo samantalang gusto mo ngang tumaba. Ngunit alam mo na ang aerobics ay nakakadagdag ng gana sa pagkain? Opo! At makatutulong pa ito sa pagpapalakas ng iyong puso at sa pagmamantina ng mga pangmatagalang sakit tulad ng high blood o diabetes. Magbibigay din ito ng sigla at lakas sa buong maghapon.

Anong mga ehersisyo ang pwede mong isagawa? Hindi kailangang maging sobrang nakakapagod ang ehersisyo. Ang simpleng jogging, mabilis na paglakad, pagbibisekleta, paglangoy o pagakyat – baba sa hagdan ay maituturing nang aerobics. Kailangan mong ma tantiya ang kaloriya na nawawala sa iyo sa pageehersisyo para makita mo kung nakakatalong na pagsabayin ang ehersisyo sa hangarin mong tumaba.

Kung ikaw ay regular sa ehersisyo mo ngunit para bang hindi ka naman tumataba o mas pumapayat ka pa nga, baka kailangan mo munang bawasan ang dalas at ang haba ng iyong aerobics para maging balance ito at maabot moa ng iyong tunguhing tumaba o bumigat.

Kung kaya ng iyong pangangatawan, ang mga ehersisyong nagpapalakas ng mga kalamnan ay direktang makatutulong saiyo na magdagdag ng timbang. Kung ang iyong mga taba sa katawan ay maging mga kalamnan, mapapansin mong mas bumibigat ka. Ang maganda pa, mapapanatili mo ang magandang hubog ng iyong katawan. Ito ay mahalaga kung gusto mong magdagdag ng bigat. Maraming mga tao ang hindi nakakaalam na ang ehersisyo pala ay nakatutulong magpadagdag ng timbang. Ang akala nila, ang ehersisyo ay para lamang sa mga matataba na gustong pumayat.

Anong mga ehersisyo ang maaari mong isagawa para mapalakas at kumapal ang iyong mga kalamnan? Pwede kang magbuhat ng barbels o dumbbells. Pwede rin ang push ups, curl ups at pagbabaras. Ang ganitong mga ehersisyo ay nakasusunog din ng kaloriya, hindi nga lang kasing dami ng nasusunog sa aerobics. Pero tandaan, ito ay maaari ding makapag pabagal ng iyong pagtaba kung hindi gagawin sa tamang paraan.

Kung may budget ka, mas magandang makipag-usap ka sa isang personal trainer, meron nito ang ilang mga gym na malapit sa iyong lugar. Ang pakikipag-usap sa trainer ay tutulong saiyo na maisaayos ang isang schedule ng pageehersisyo na akma sa personal na mga kalagayan mo. Ang gym instructor ay personal na magtuturo saiyo na isagawa ang mga ehersisyong ito para matulungan kang maging malusog habang ikaw ay nagdaragdag ng timbang. Kaya magtanong sa gym kung may instructor sila na pwedeng magturo saiyo. May mga gym na nag-oofer ng libreng kosultasyon sa uang pagbisita sa gym. Ipakipagusap mo sa instructor ang kagustuhan mong maging malusog at mataba o mabigat para alam niya kung anong mga ehersisyo ang bagay saiyo.

Ang pagiging sobrang taba o sobrang payat ay nakasasama. May mga paraang tutulong saiyo na maiwasan ang alin man sa dalawang ito. Kailangan mo lang ng tamang disiplina para maging malusog at mataba.


ad

Mga Pagkaing Pampataba: Ano Ba Ang Dapat Kainin Para Tumaba?

Alam Mo ba Kung Ano Ang Mga Masustansyang Pagkain?