Hirap ka bang kumilos at madaling hingalin dahil malaki ang iyong tiyan? Naghahanap ka ba ng mabisang paraan kung paano paliitin ito? Ang artikulong ito ay magbibigay saiyo ng kaalaman kung ano ang sanhi ng paglaki ng tiyan, paano pumayat ang tiyan ng mabilis, at ano ang mabisang pampapayat ng tiyan.
Ano ang sanhi ng paglaki ng tiyan?
Paano magpaliit ng tiyan? Bago natin ito talakayin, mahalagang malaman mo muna kung ano ang sanhi ng paglaki ng tiyan. Delikado ba ito para sa kalusugan? Ano-ano ang puwedeng masamang idulot ng pagkakaroon ng malaking tiyan ng isang tao?
Iba’t iba ang sanhi ng paglaki ng tiyan. Mayroong malaki ang tiyan dahil sa obesity o sobrang pagtaba (over weight), mayroon din namang may impeksyon sa tiyan katulad ng pagkakaroon ng bulate at iba pang internal parasites. Ngunit nangunguna sa rason kung bakit malaki ang tiyan ay ang kakulangan sa ehersisyo ng isang tao. Kapag limitado ang galaw ng katawan, bumabagal ang metabolismo nito kaya nahihirapan sa pagtunaw ng pagkain ang ating digestive system. Kung kaya ang hindi kaagad natutunaw na pagkain ay nagiging taba o fats partikular sa tiyan.
Alam mo bang mayroong masamang idinudulot ang paglaki ng tiyan na maaaring makaapekto sa pang araw-araw mong trabaho? Narito ang ilan sa mga karaniwang dinaranas ng taong malaki ang tiyan:
- Nahihirapan dumumi o bihirang dumumi
- Palaging ututin dahil sa hangin sa loob ng tiyan
- Palaging puno ang tiyan o busog
- Minsan ay nahihirapan huminga
- Madalas hingalin at madaling mapagod
- Mabigat ang katawan at mabagal maglakad
- Kung minsan ay walang gana sa pagkain o kulang sa apetite
Ngayong malinaw na saiyo ang masamang epekto ng paglaki ng tiyan, alamin na natin kung paano mag paliit ng tiyan at ano ang mabisang paraan para paliitin ito. Magpatuloy lamang sa pagbabasa.
Paano magpaliit ng tiyan: Mabisang pampapayat ng tiyan
Tinalakay sa unang bahagi ng artikulong ito ang masamang epekto ng paglaki ng tiyan. Kung ikaw ay kasalukuyang biktima ngayon ng pagkakaroon ng malaking tiyan, makakatulong saiyo ang mga ibibigay kong tips kung paano paliitin ito. Sundin lamang ng maayos ang mga sumusunod na ito:
Paliitin ang tiyan gamit ang wastong exercise:
- Push-ups at sit ups – Malaki ang naitutulong ng dalawang exercise na ito sa pagpaliit ng tiyan. Ugaliin lamang ang pagsagawa nito tuwing umaga o kahit anong oras.
- Bicycle – Tinatarget ng bicycle ang upper at lower abs, ang oblique muscles, at ang muscles sa likod. Humiga sa iyong likod at mag pedal sa ere ng nakaangat ang paa. Itaas ang isang balikat at umakma na aabutin ang opposite knee. Gawin ito ng pinapanatili ang lower back sa sahig.
- Planking – Halos magkatulad ang posisyon ng push up at planking, magkakaiba lamang sa hakbang kung paano ito gagawin. Sa halip na ibaluktot ang braso at ibaba ang katawan, gawin ang push up position ng naka-extend ang iyong braso. I-hold ang posisyon sa loob ng tatlumpung segundo at unti-unting magdagdag ng 10 second bawat araw depende sa kaya mong gawin. Malaki rin ang maitutulong ng exercise na ito sa pagpaliit ng tiyan.
- Pagtakbo o pag jogging – Ang pagpapawis dahil sa pagtakbo o pag jogging ay siyang sumusunog sa mga excess fats o sobrang taba ng katawan ng isang tao, at pangunahing benepisyo nito ang pagliit ng tiyan. Ugaliin lamang ang pag takbo o jogging tuwing umaga paggising.
- Squats – Ang squats naman ay mabisa sa pagpapatibay ng iyong hita, binti, at balakang. Isa din ito sa mga pangunahing ehersisyo na nagbibigay sa atin ng isang magandang body figure dahil tumutulong itong bigyang hugis ang ating katawan at pagbabawas ng taba, lalong lalo na sa tiyan.
Mga Tips kung paano pumayat ang tiyan ng mabilis
Naiinip ka ba dahil matagal ang proseso sa pagpapaliit ng tiyan? Ganyan talaga, mahirap at kailangan ng matinding disiplina at determinasyon. Kabaliktaran ito ng pagpalaki ng tiyan kung saan ay madali, masarap, at walang kahirap-hirap. Para makatulong at magkaroon ng solusyon ang iyong problema, Naghanda ako ng mga tips kung paano pumayat ang iyong tiyan ng mabilis. Sundin lamang ang mga sumusunod na ito:
- Uminom ng maraming tubig at magkaroon ng sapat na tulog araw-araw.
- Huwag maging tamad! Tumulong sa mga gawaing bahay upang mabanat ang iyong katawan.
- Iwasan ang pagtulog kaagad matapos kumain, sa halip ay tumayo at maglakad lakad ng ilang minuto.
- Kung mayroong hagdan ang iyong bahay, gawing libangan ang pagakyat at pagbaba sa hagdan tuwing walang ginagawa.
- Bawasan ang sukat ng iyong kinakain. Lalong lalo ang kanin o rice.
- Maging aktibo sa sports. Ang paglalaro ng basketball, swimming, pagtakbo at iba pang physical activities ay makakatulong na mapabilis ang pagliit ng iyong tiyan.
- Umiwas sa stress. Ayon sa pagaaral, isa sa pangunahing sanhi ng obesity lalo na sa mga kababaihan ay ang stress.
- Iwasan ang maupo ng matagal. Kung ang iyong trabaho ay sa harap ng kompyuter at palaging nakaupo, ugaliin ang pag stretching tatlong beses sa isang araw.
- Iwasan ang masasamang bisyo katulad ng paginom ng beer at alak.
Sundin lamang ang mga nabanggit na tips kasabay ng wastong exercise at tinitiyak ko saiyo na mapapabilis nito ang pagliit ng iyong tiyan.
Wastong diet: Epektibong paraan kung paano magpaliit ng tiyan!
Malaki ang epekto ng uri ng lifestyle meron ang isang tao pagdating sa kalusugan nito. Kaya masasabi kong ang wastong diet ang pinaka epektibong paraan sa pagpapaliit ng tiyan. Ang bagay na ito ay sinangayunan ng mga doktor at physical experts. Paano magpaliit ng tiyan? Kumain ng maraming gulay at prutas na mayaman sa fiber. Sabayan ito with proper exercise at talikuran na ang mga nakasanayang bad habits katulad ng paginom ng alak, paninigarilyo at pagpupuyat. Iwasan na rin ang pagkain ng mga masebo at matatabang pagkaing mayaman sa cholesterol. Sa halip ay kumain ng mga pagkaing mayaman sa protina kagaya ng itlog, karne, mga isdang dagat katulad ng tuna, salmon, at mackerel. Maganda ang protina sa katawan ng tao lalong lalo na sa muscle development. Linalabanan ng protina ang fats o taba sa ating katawan at pinapalitan ito ng muscles.