in

Luyang Dilaw Benefits: Alam mo Ba ang Mga Pakinabang ng Paggamit ng Turmeric?


ad

Ang artikulong ito ay tatalakay sa mga imprmasyong kailangan mong malaman ukol sa luyang dilaw. Anu-ano ang mga luyang dilaw benefits? Ano ang papel ng luyang dilaw sa pagpapapayat o weight loss?

Ano ang luyang dilaw?

Ang luyang dilaw o kaya turmeric ay isang halaman na kahawig ng luya, ito ay karaniwan ng nagmumula sa Southern Asia. Ang turmeric ay nabubuhay sa hindi gaanong mainit na lugar kaya naman marami na rin nito sa buong mundo. Katulad ng luya, ang luyang dilaw o ay ginagamit sa pagluto ng maraming pagkain at food supplements. Ang turmeric ay kadalasang ginagawang powder sa pamamagitan ng paglaga, at pagpatuyo o pagpino nito. Marami ang nag aakala na ang luyang dilaw o turmeric ay maanghang ngunit hindi ito maanghang .Ang kulay dilaw na luya na ito ay hindi lamang basta sangkap sa pagluluto ngunit marami itong benepisyo sa ating kalusugan

Luyang dilaw benefits

Narito ang ilan sa mga Luyang dilaw benefits na kailangan mong malaman.

  • Ang luyang dilaw ay mayroong bioactive compound at powerfull medical properties
  • Mayroon din itong curcumin na natural na anti-inflammatory compound
  • Nagbibigay ito ng antioxidant sa katawans
  • Mayroon din itong neutrophic factor para mababa ang tyansang magkaroon ng brain disease
  • Mababa ang tyansang magkaroon ng heart disease
  • Nagpe-prevent ng cancer
  • Gamot at para maka-iwas sa alzeimers disease
  • Ang curcumin supplement ay mabisang gamot sa arthritis
  • Mayroon din itong benepisyo na tumutulong upang hindi magkaroon ng depression
  • Nagpapabata at panlaban din ito sa mga chonic disease

Luyang dilaw, benepisyo at bitamina at mineral na taglay nito:

  • Volatile oils
  • Vitamins B and C
  • Potassium
  • Sodium
  • Iron
  • Omega-3 fatty acids
  • A-linolenic acid
  • Proteins
  • Carbohydrates
  • Mga fiber at marami pang iba

Luyang dilaw weight loss benefits

Ang kakaibang biological activities ng luyang dilaw o turmeric ay isang mabisang paraan upang magpapayat ang activities na ito ay hindi lamang tumutulong magpapayat kundi ninalabanan nin nito ang mga komplekasyon ns dulot ng obesity.

Ang luyang dilaw ay tumutulong upang pigilan ang pagdami ng taba sa katawan at mabilis din itong tinutunaw. Ang pagdami ng fat sa adipose tissue katulad ng stomach at liver ay nagdudulot ng mabilis na pagbigat ng timbang o obesity. Ang white adipose tisseu sa katawan ay karaniwan na imbakan ng fat o taba. Ang obese o matatabang tao ay nagkakaroon ng formation of new blood vassels o angioneses sa white adipose. Upang mabawasan ang taba ay kailangang targetin ang angioneses sa white adipose tissue. Ang curcumin na matatagpuan sa luyang dilaw o turmeric ay ay tumutulong upang maiwasan ang pagdami ng taba sa adipose tissue. May mga pag-aaral na nagsasabi na pinapabilis din nito ang metabolic activities sa white adipose tissue para maiwasan ang angioneses at mabawasan ang taba. Ang curcumin na matatagpuan sa luyang dilaw ay naapapaliit ng white adpose tessues at pinipigilan ang pagdami ng taba sa mga taong mayroong obesity.

Makabubuti kung ang white adipose tissue ay magiging brown adipose tissue. Ang brown adipose tissue ay kilalang may mahalagang papel sa pag heat ng production process sa ating katawan. Ang ating katawan ay nagpo-produce ng heat sa pamamagitan ng combustion ng lipids at glucose. Ang brown adipose tissue ay may malaking bahagi sa proseso ng pagbaba ng timbang. Ang curcumin ang active ingredient ng luyang dilaw o turmeric ay tumutulong upang ang white adipose ay maging brown adipose.

Thermogenic propreties – ito ay isang metabolic process na ang calories ay natutunaw upang maging energy. Ang prosesong ito ay mabisang pampapayat. Ang shogoals at gingerols ay dalawang compounds mula sa luyang dilaw na tumutulong upang magkaroon ng thermogenesis upang magpapayat.

Ang luyang dilaw ay gamot sa pamamaga – ito ang dahilan ng pagdami ng taba sa katawan ng isang tao,nangyayari ito dahil sa mga adipokenes na pinu-produce ng adipose tissue. Ang madalas na dahilan ay stress, diabetes, cardiovascular disease at metabolic syndrome. Ang curcumin ng taglay ng luyang dilaw ay tinatarget ang inflammatory action ng adipokenes. Ang regular na paggamit ng luyang dilaw ay tumutulong upang pumayat ang isa na mayroong obesity- related sa inflammantion significantly.

Tamang dosage ng luyang dilaw para pumayat

May tamang dosage ang paggamit ng luyang dilaw para pumayat. Kailangang pakunti-kunti lang ang dosage ng luyang dilaw, maaaring simulan sa one forth na kutsarita sa isang araw sa isang linggo.Pagkatapos ay dagdagang ang dosage sa mga susunod na linggo ng hanggang 3 kutsarita sa isang araw. Kapag ikaw ang mayroong iniinom na gamot siguraduhing mayroong 3 -4 oras na gap bago mag take ng turmeric o luyang dilaw.

Kung gusto mong pumayat gamit ang luyang dilaw ay kailangan na regular na lagyan nito ang iyong pagakain o inumin, hindi lamang magiging masarap ang lasa nito kundi magiging kaakit-akit pa dahil sa dilaw nitong kulay. Pero huwag kalimutan ang tamang dosage ng paggamit ng luyang dilaw o turmeric.

Mga inumin na maaaring lagyan ng luyang dilaw para sa weight loss benefits

  • Turmeric and ginger tea – pakuluan ang 1inch na haba ng turmeric o luyang dilaw at 1 inch na haba din ng luya sa 150 ml na tubig at 4 na sticks ng cinnamon. Pakuluan nag 5 minutes o higit pa hanggang sa ang tubig ay maging lasa nan g herbs. Inumin ito habang mainit pa maari din itong lagyan ng brown sugar, hindi naman makakaapekto o magiging sagabal sa pagpapayat ang brown sugar.
  • Luyang dilaw at gatas – sa maraming bansa sa southteast asia ay ginagamit ang luyang dilaw at gatas sa mga pasyenteng nagkaroon ng injury upang magamot ang pamamaga. Ang pag-inom ng luyang dilaw ng 30 minutes bago matulog ay makakatulong sa iyong metabolism at mabilis na pagpapapayat. Lagyang ng 1 teaspoon ng powder na turmeric o luyang dilaw ang 250 ml na maligamgam na gatas para sa tamang dosage.
  • Green tea na mayroong luyang dilaw – pakuluan ang 1 inch na haba ng luayang dilaw na 5-7 minutes sa isang cup ng tubig, idagdag ang dahon ng green tea pakuluan ulit ng 5 minutes ay saka i-serve.

Mga paunawa tungkol sa luyang dilaw:

  • Huwag iinom ng luyang dilaw o turmeric ng walang laman ang sikmura, dahil maaari itong pagmulan ng reflux acid
  • Kung umiinom ng gamot dahil sa sakit ay kumunsulta sa doktor bago gumamit ng luyang dilaw bilang gamot o wightloss benefits
  • Ang mga buntis na babae ay hindi maaaring gumamit ng luyang dilaw o anumang supplements mula sa luyang dilaw.
  • Kung magasasailalim ng operasyon ay tumigil sa paggamit ng luyang dilaw 2 linggo bago ang operasyon

Ang luyang dilaw ay maraming benepisyo sa katawan lalo na sa pagpapayat. Kung mayroong ibang karamdaman ay ay mas mabuting kumunsulta sa doktor bago gumamit nito. Mas makabubuti kung iingatan at aalagaan an gating katawan at kalusugan, ang tamang pagkain at disiplina ay makakaiwas para tumaas ang timbang o maging obese.


ad

Pagkaing Pampapayat: Anong Pagkain Ang Mabilis Magpapayat?

Ano Nga Ba Ang Mabisang Pampalaki ng Balakang?