Karamihan sa ating mga Pilipino ay nahihilig sa pagda-diyeta. Lahat ng nadidiskubre nating diet plans ay sinusubukan natin kung epektibo nga ba. Isa na sa mga pinaka-trending na diet program ay ang Keto Diet. Maging ang mga Pinoy celebrities ay sumubok na rin sa ganitong klase ng diyeta. Tunay nan gang sikat at tanggap ang Keto Diet Philippines. Ang ating bansa ay walang kakulangan pagdating sa mga pagkaing dapat kainin sa ilalim ng ketogenic diet sa Pilipinas. Hindi man maaaring kumain ng mga pagkaing may sangkap na asukal, ‘starchy’ o ma-gawgaw na pagkain, pasta, tinapay at kanin, napakarami namang pagkain ang maaari nating kainin na pinanggagalingan ng protein, fat, low-carb food, at ang mga tinatawag na non-starchy vegetables.
Ano ang Keto Diet at Gaano ito ka-epektibo?
Ayon sa mga pag-aaral, ang Keto Diet ay isang klase ng pagdidiyeta na kaunti lamang ang carbohydrates at marami ang fats. Ito ay kilala rin sa tawag na low-carb, high-fat diet. Naihahalintulad ito sa sumikat na diet plan nong 1863 na tinawag na Banting, at Atkins diet naman noong 1972. Ang pagkakaiba lamang ay, mas istrikto ang Ketogenic diet pagdating sa porsyento ng mga pagkain. Ito ay dapat na 75 perent fat, 20 percent protein, at five (5) percent carbohydrates na nanggagaling sa mga non-startchy vegetables.
Dahil kaunti lamang ang carbohydrates na nilalaman ng pagkain at marami ang fat content, bababa ang glucose at insulin sa katawan at ito ay mapipilitang mag-shift sa paggagamit ng tabang naipon o body fats na itinuturing na fuel. Ito ang primary principle ng Ketogenic diet. Ang body fats sa kataway ay natutunaw bilang ketone body. Ang ketone body na ito ay tinatawag ding Acetoacetate. Ito ay natutunaw at nagiging Betayhydroxybutyrate (BHB) at Acetone.
Samantala, ang Acetone ay napupunta naman sa ating bata at nailalabas sa bibig. Ayon sa mga eksperto at mga nakasubok nan g Keto Diet, ang acetone ay malalasahan sa oras na mangyari ang pagtunaw. Ang BHB naman ay siyang nagiging fuel n gating utak, puso at muscles na pumapalit sa glucose.
Masasabing ang isang tao ay nasa ‘state of ketosis’ kung ang kaniyang ketone leels sa dugo ay nasa pagitan ng 0.5 millimolar at 5 millimolar. Ito ay tinatawag ding nutritional ketosis. Karagdagan pa rito, an gating katawan ay nasa ‘fat-burning’ mode hanggang napapanatili nito ang ‘state of ketosis.’
Bakit marami ang gustong sumubok sa keto diet Philippines?
Tanggap na tanggap na nga ng mga nakararaming Pinoy ang Keto Diet Philippines. Ito ay dahil sa napakaraming benepisyong makukuha mula rito. Ilan na sa mga ito ang mga sumusunod:
- Mabilisang pagpayat nang hindi naaapektuhan ang muscles – Isang magandang halimbawa nito ang sikat na basketbolistang si Lebron James. Siya ay nabawasan ng 25 pounds sa loob lamang ng 67 days nang dahil lamang sa Keto diet.
- Pagtanggal ng mga taba o fats – Tinatanggal ng Keto Diet ang fats sa mga lugar ng tiyan lalo na ang napaka-delikadong taba, mukha, baba, at iba pang mga parte ng katawang may taba, maliban na lamang sa tabang matatagpuan sa ilalim ng balat.
- Mas maraming energy at focused na pag-iisip – Tila mas nais ng muscles at utak ang BHB sahil mas nakaka-focus ang pag-iisip kapag sumailalim sa diyetang ito. Hindi rin madaling mapagod kapag ang fuel na gamit ay ketones.
- Pagpapagaling o pagbawas sa sakit na Type 2 Diabetes – Isa ito sa dahilan kung bakit tanggap na tanggap ang Keto Diet Philippines sa Pilipinas. Maraming Pinoy sa kasalukuyan ang may ganitong karamdaman kaya sumubok sila sa ganitong diyeta.
- Nakakaiwas sa banta ng Cardiovascular – Ayon sa mga pananaliksik, ang low-carb diets tulad ng Keto diet ay hindi lamang nakakapagpapayat. Ito ay nakakapagpa-improve din ng risk factor ng cardio vascular ng isang tao dahil sa pagbaba ng Triglycerides at pagtaas naman ng HDL o good cholesterol nito. Marami pang mga pag-aaral kaugnay nito ang nakapagpatunay sa ganitong benepisyo.
- Hindi madalas na pagkagutom – Kapag ang isang tao ay nagke-Keto Diet, siya ay hindi makakaramdam ng madalas na pagkagutom.
Posibeng side effects ng keto diet
Bagama’t proven effective, ang Keto Diet ay posible ring magkaroon ng side effects. Kaya naman mas mainam na alam natin ang mga ito. Nang unang dalhin sa atin ang Keto Diet Philippines, napatunayan ang posibilidad ng side effect ngunit ito ay pansamantala lamang. Kinakailangan ding pagdaanan ang ang isang ‘adaption phase.’ Narito ang mga epektibong epekto at ang paraan kung paano maiiwasan ang mga ito:
- Headache o sakit ng ulo – Ito ay sanhi ng pagkakaroon ng keto flu.
- Keto Flu – Ito ang pinaka-ordinaryong side-effect ng pagke-keto diet sa kadahilanang hindi pa nakapag-a-adjust ang katawan ng isang tao para magamit ang fats na fuel. Para ito ay maiwasan kumain ng mga pagkaing nararapat lamang sa ganitong diyeta.
- Panghihina – ito ay pansamantalang side effect lamang at lilipas din hanggang sa ikaw ay maging fat-adapted na.
- Fatigue – gaya ng panghihina, ito ay temporary side effect lamang at lilipas din hanggang sa masanay na.
Bago umpisahan ang Keto Diet
May mga pag-aara nang naglabasan tungkol sa mga preparasyon bago umpisahan ang Keto Diet Philippines. Dahil tayong mga Pinoy ay mahilig sa kanin at matatabang pagkain, mahalagang malaman kung paano ba nating magagawa ng tama at ligtas ang ganitong klaseng diyeta. Narito ang dalawang paghahandang dapat gawin:
- Huwag katakutan ang taba o fats – Karamihan sa ating mga Pinoy ang takot sa pagkain ng taba. Kaya nga natin naimbento ang salitang ‘putok batok’ sa tuwing makikita natin ang crispy pata, lechon, at chicharon. Pero, lingid sa kaalaman ng nakararami, mali pala ang ganitong paniniwala. Hindi man kapani-paniwala, pero, hindi ipinagbabawal ang mga ganitong pagkain sa ganitong diet.
- Planuhing mabuti ang mga kakainin – Kung unang beses pa lamang susubok sa Keto Diet Philippines, tiyak na hindi ka pa pamilyar sa mga ‘keto foods’ na dapat mong kainin. Napakagandang idea kung magpaplano sa iyong mga kakainin. Halimbawa: Kung nais mong pumayat, kahit huwag nang sundin ang 75-percent fat ration ng kinakain. Kahit mga 30 percent lamang ng fat, ang ibang taba ay magmumula na sa sarili mong fat storage.