About

Tungkol Sa Amin

Ang website na Mataba-ako.com ay isang proyekto na isinakatuparan sa layunin na turuan an gating mga kababayang Pinoy kung paano magbabawas at magdagdag ng timbang sa malusog at epektibong paraan. Ito ay pinasinayaan noong taong 2016 at patuloy pa rin sa paglalathala ng mga artikulong pang kalusugan hanggang sa ngayon. Ang mga webmaster ng Mataba-ako.com ay nakabase sa General Santos City, Pilipinas.

Dahil sa kagustuhang makatulong ng mga may akda, ang Mataba-ako.com ay naka focus sa mga makabagong pamamaraan ng pagpapayat na hindi mahal at praktikal. Tampok sa website na Mataba-ako.com ang iba’t ibang uri ng diet na kung susundin mo ng estrikto, makakamtan moa ng timbang na talaga namang pinapangarap mo! May mga kapakipakinabang din na mga ehersisyo sa website na ito na talagang epektibo sa karamihan sa mga nakasubok na. Ang mga estudyante ay karaniwan nang bumibisita sa website na Mataba-ako.com para maghanap ng impormasyon tungkol sa wastong nutrisyon at pagbabawas ng timbang. Ang kagandahan, libre ang pagbisita at pagkuha ng impormasyon sa Mataba-ako.com.

Bagaman masinsinan ang research na isinagawa ng mga may akda sa bawat paglathala ng mga artikulo sa website na ito, tandaan na ang layunin nito ay magbigay lamang ng pangkalahatang impormasyon. Hinding-hindi pwedeng gawing pamalit sa opinyon ng inyong doktor ang mga impormasyon na makukuha sa Mataba-ako.com.