Search

Yogurt at Normal Flora para sa Malusog na Bituka

Yogurt at Normal Flora para sa Malusog na Bituka

Yogurt para sa malusog na bituka

Ang ating bituka ay mayroong tinatawag na normal flora, sila ang mga bacteria na natural na naninirahan dito. Hindi man kapanipaniwala, ang ating bituka ay may ibat-ibang klase ng bacteria na tumutulong upang mapanatili tayong malusog.

Ano-ano nga ba ang nagagawa ng normal flora para sa kalusogan?

Ang bitamina K na siyang tumutulong upang mapatigil ang pag dugo ng mga sugat ay isa sa mga pinakaimportanteng produkto ng normal flora ng bituka. Kapag ang isang tao ay may kakulangan sa bitamina K maari itong mamatay dahil sa pagkaubos ng dugo kapag nasugatan. Ang mga batang kapapanganak pa lamang ay wala pang normal flora kaya kinakailangan nila ng bitamina K upang hindi maubosan ng dugo kung sakaling masugatan.Maliban sa bitamina K, ang normal flora ng bituka ay siyang pumapatay sa mga bad bacteria mula sa ating pagkain kung kaya ay hindi tayo agad-agad nagkakasakit kung may nakapasok na bad bacteria.

Antibiotic at normal flora

Ang madalas na pag-inom ng antibiotic ay maaring makapatay sa mga normal flora ng ating bituka, ang resulta maari ng makapasok ang mga bad bacteria pagkatapos ng pag-inom ng antibiotic ang maari ring makaruon ng kakulangan sa bitamina K dahil wala na ang normal flora na gumagawa nito.

Yogurt

Ang yogurt ay mayroon good bacteria na katulad ng ating normal flora, ang pag kain nito ay makakatulong upang mapanatili ang tamang bilang ng normal flora sa bituka. Sa pag kain ng yogurt, makakasiguro kang magiging malusog ang iyong bituka, nasa tama bilang ang god bacteria para magawa ng tama ang trabaho nito, at magiging maayos ang digestion ng pagkain. Maliban sa good bacteria, dahil ito ay gawa sa gatas, ang yogurt ay mayroong calcium para sa buto, mababa sa lactose kaya pwede sa may lactose intolerance, at nagkakatulong ito sa pag babawas ng timang dahil sa bigat nito sa tiyan.

Hindi dahil bacteria ay masama na, ang katawan natin ay mayroon normal flora o mas kilala sa tawag na good bacteria na dapat nating pangalagaan. Kumain ng yogurt para sa normal flora ng bituka, uminom lamang ng antibiotic kapag nirisita ng doctor, huwag maging abosado sa katawan, kumain ng tama, mag ehersisyo at umiwas sa bisyo yan ang mga sekreto upang ang katawan ay mapangalagaan.