Search

Vitamins Pampataba: Kailangan Bang Bumili Nito Sa Botika Para Tumaba?

Vitamins Pampataba: Kailangan Bang Bumili Nito Sa Botika Para Tumaba?

Ang mga bata ay kadalasang mapili sa mga pagkain. Hindi mo masasabi kung kakainin ba nila ang iyong ihinanda o hindi. Ang mga batang nasa isa hanggang apat na taong gulang ay kasalukuyang nag dedevelop ng kanilang mga gusto na kadalasang nakaaapekto sa gana nila sa pagkain. Ang kakulangan sa mga bitamina at miniral ay nakaaapekto rin sa kanilang gana sa pagkain. Ang bagay na ito ay isa sa mga pangamba ng mga magulang na tulad mo. Karamihan sa mga magulang ay magkukumahog sap ag bili ng vitamins pampataba, na nag aakalang ito ay magigi epektibo sa pagpapalakas ng gana sa pagkain ni baby.

Bagaman karamihan sa mga magulang ay nagbibigay ng mga vitamin supplements sa kanilang mga anak, walang matibay na batayan na ang pagbibigay ng ganitong mga produkto ay nakakatulong nga upang palakasin ang gana sa pagkain ng kanilang mga anak. Sa katunayan, ang sobrang doses ng mga sintetikong bitamina na nabibili sa botika ay maaaring maging sanhi ng labis na katabaan o kaya ay paglala ng problema sa kakulangan ng timbang, depende sa baby na pinapainom.

Bilang magulang, ano ang magagawa mo para maging magana sa pagkain si baby? Pakainin mo siya ng mga pagkaing may natural na vitamins pampataba!

Mga pagkaing may natural na vitamins pampataba

Dahil sa ang pagbibigay ng mga vitamin supplements ay mapanganib lalo na kung hindi naman irinireseta ng mga doktor, ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa vitamins pampataba ay ang pinaka malusog na pagpipilian para maging magana sa pagkain ang iyong anak. Narito ang ilan sa mga pagkaing mayaman sa vitamins pampataba sa baby.

Vitamin B-12

Ang vitamin B-12 na kilala rin bilang cobalamin, ay tumutulong sa katawan nag awing enerhiya ang pagkain, na tinutunaw ang mga taba at protina upang maging kapakipakinabang na mga kemikal sa katawan. Ang bitamina B-12 din ang nagpapanatili ng kalusagan ng atay, buhok at balat. Ang kakulangan sa bitamina B-12 ay pangkaraniwan sa mga batang uminom ng gatas ng ina. Sa katapusan ng yugto ng pagiging sanggol, ang mga bata na kulang sa bitamina B-12 ay maaaring kakitaan ng matumal na paglaki, kahinaan ng nervous system, at kahinaan sa pagkain. Ayon sa mga dalubhasa, ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa bitamina B-12 ay nakakatulong mag palakas ng gana sa pagkain sa mga batang kulang nito. Ang mga pagkain tulad ng itlog, mga produktong gawa sa gatas, karne ng baka, isda at karne ng baboy ay mayaman sa bitamina B-12.

Zinc

Ang Pangunahing sintomas ng kakulangan sa zinc ay ang kawalan ng gana sa pagkain. Ang kalungan sa zinc sa murang edad ng bata ay maaaring maging sanhi ng mabagal na paglaki, kawalan ng panglasa o pang amoy, problema sa balat at matagal na paggaling ng mga sugat. Kung ang kakulangan sa zinc ay hindi malunasan at umabot sa pagdadalaga at pagbibinata, ito ay maaaring maging hadlang sa sekswal nap ag unlad ng katawan. Ilan sa mga kakayahan ng zinc ay ang pagbalanse ng mga asido sa katawan, pagtunaw ng mga protina at carbohydrates at pagpasigla sa mga selula ng katawan. Mayaman sa zinc ang mga pagkaing tulad ng mga beans, keso, karne ng manok, pulang karne at mga butil.

Vitamin D

Ang bitamina D ay responsable para maabsorb ng katawan ang zinc, calcium, iron, magnesium, vitamin A at phosphorus na nakukuha sa mga pagkaing mayaman sa mga ito. Kung ang katawan mo ay hindi nag aabsorb ng zinc o alin man sa mga nabanggit, maaaring magkaroon ng kakulangan sa bitamina at mineral na maaaring maging sanhi ng matinding pagkahapo at kawalan ng gana sa pagkain. Ang kakulangan sa bitamina ay madalas sa mga batang may lactose intolerance. Ang pag inom ng gatas na may dagdag na bitamina D ang pangunahing mapagkukunan nito. Kung ang iyong anak ay lactose intolerant, makakakuha ng bitamina D sa bahagyang pagbibilad sa araw, pagkain ng isda, itlog o orange juice. Ang pinananatiling malusog ng bitamina D ang mga kidney at pinalalakas ang mga buto.

Piliin ang mga ihahain para ganahan sa pagkain

Ngunit paano nga makakakuha ng mga mga bitaminang pampaganang kumain, kung ayaw namang kumain si baby? Ang totoo, may magagawa ka para bahagyang ganahan siya sa pagkain. Kung palaging walang ganang kumain ng mga bagong pagkain ang iyong anak, maupo ka at ilista ang mga pagkaing alam mo na gustong kainin ng anak mo, piliin lamang ang mga pagkain na masusustansiya. Gumawa ng meal plan para kay baby base sa mga pagkaing paborito o kinakain niya. Mapapansin mo na mas gusto niyang kumain kung ang mga nakahain ay paborito niya. Kung talagang mapili sa pagkain ang iyong anak, ang mga maihahain mo ay maaaring maging limitado at paulit ulit lamang. Subalit habang tumatagal, kramihan sa mga batang mapili ay nagiging normal din pagdating sa pagkain habang lumalaki, kung unti unti siyang pinapakain ng mga pagkaing bago sa kanyang panlasa.

Siguruhing nakapag-eehersisyo siya ng tama

Sa nakaraang mga henerasyon, ang mga bata naglalaro ng maraming oras sa labas ng bahay, na gumagamit ng napakaraming lakas sa mga pisikal na gawain. Ngayon, ang mga bata ay mas pinipiling manood na lamang ng TV o maglaro ng mga video games sa kanilang mga cellphone o tablet. Ayain mong maglaro ang iyong anak para mapalakas ang gana sa pagkain. Nangangailan ng 60 minutong laro ang bawat bata araw araw para maging magana sa pagkain at malayo sa sakit. Ang pakikipaglaro sa mga kapwa bata, pagsakay sa bisekleta at ibang pisikal na mga laro ay makatutulong para makakuha siya ng sapat na ehersisyo. Mapapansin mo na dahil lamang sa sapat na ehersisyo, unti unting dadami ang kaniyang mga kinakain.

Piliin ang mga pagkaing mayaman sa kaloriya para tumaba

Kung nahihirapan ka sa pagpapalakas ng gana sa pagkain ng iyong anak, subukang magpakain ng mga pagkaing mayaman sa kaloriya, para hindi na siya kailangang piliting kumain ng marami. Subukang magpakain ng mga pagkaing mayaman sa kaloriya tulad ng abocado shake o yoghurt. Ang pagkain ng mani o peanut butter ay makatutulong din na makuha niya ang kaloriya na kailangan ng kanyang katawan, kahit hindi siya umiinom ng artipisyal na mga vitamins pampataba. Mag research ng mga pagkaing mayaman sa kaloriya na posibleng magustuhan ng iyong anak.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Vitamins Pampataba: Kailangan Bang Bumili Nito Sa Botika Para Tumaba?
2.8 (56.67%) 6 votes