Search

Anong uri ng pagkain ang gusto mo?

Anong uri ng pagkain ang gusto mo?
loading...

Ang pagpili natin kung anong uri ng pagkain ang kakainin natin ay naiimpluwensiya ng sariling panlasa, kinalakihan, tradisyon at relihiyon, mga tao sa paligid, pagiging figure conscious at nutrisyon.

Panlasa

Ang mga tao sa iba’t-ibang rehiyon ay may kanyang nakahiligang panlasa ang halimbawa nito ay ang mga ilokano na mahilig sa maaanghang. May mga tao ring ipinanganak na mahihilig sa matatamis tulad ng chocolate. Ang mga kababaehan naman ay mahilig sa maasim tulad ng hilaw na mangga. Ito ay ilan lamang sa mga uri ng pagkain na kinakain natin dahil sa ating sariling panlasa.

Kinalakihan

Marami sa mga Pilipino ang kumakain ng tinapay at kape sa umaga o kaya naman ay Oatmeal at gatas kaysa sa kumain ng kanin, ito ay sa kadahilanan na lumaki tayo na ito ang kinakain. Ang pagkaing kinakain dahil kinalakihan ay ang mga pagkaing kinahiligan ng ating mga magulang. Ika nga nila kung gusto mong kumain ng may sapat na nutrisyon ang mga anak mo, ang iyong sarili ang gawin mong ehimplo.

Tradition at Rehiliyon

Nagiging tradisyon na ng mga Kristiyano ang hindi pagkain ng karne sa panahon ng kuarisma habang ang hindi pagkain ng karne ng baboy naman ng mga Muslim. Hindi makokompleto ang kaarawan kung walang cake at ice cream, hindi rin magiging masaya ang  pyesta kung walang handaan. Ito ay ilan lamang sa mga nakagawian nating gawin na nakakaapekto sa pagpili natin ng uri ng pagkain.

Mga tao sa paligid

Masarap kumain ng may kasama kung kaya ang mga taong nakapaligid sayo ay may malaking impluwensya sa kinakain mo. Ang isang teenager ay mas gugustohing kumain sa labas ng bahay kasama ang mga kaibigan kaysa sa kumain ng mag-isa, madalas silang kumakain sa fast food chains, pizza house, at coffee shop. Ang mga magulang naman ay nagbibigay impluwensya sa mga bata, kung ano ang kinakain ng magulang ay siya ring kakainin ng mga anak. Kung ang mga magulang ay vegetarian ang mga anak rin ay walang pag-aalinlangang kakain ng gulay, habang ang mga magulang na obese na kumain  sa harap ng telebisyon kaysa sa hapag kainan ay magkakaroon rin ng mga anak na obese na gagaya sa kanilang mga magulang.

Figure consciousness

Dahil sa nakikita natin sa telebisyon at Internet tayo ay naiimpluwensiyahan ng pampakinis ng balat at pampaganda ng katawan. Dahil dito maraming nagsisilabasang mga uri ng pagkain, gamot at kung ano-ano pang pampaganda na kadalasan ay walang katotohanan. Dahil sa kagustohang gumanda mas pinipili nating kumain ng mga uri ng pagkaing nagpapayat, nagpapaganda ng kutis at nagpapalaki ng kalamnan na nagdudulot ng panganib sa katawan.

Nutrisyon

Ang pinakahuling dahilan na dapat bigyan ng importansya ay ang nutrisyon. Ang mga taong kukonti lang ang alam sa nutrisyon ay nagpapawalang bahala sa kinakain nila habang ang iba naman na kahit alam na ang posibleng epekto nito ay nahihirapang sundin ito. Ang nutrisyon ay may koneksyon sa kalusugan kaya hindi dapat binabaliwala. Hindi man ito madaliang nakikita, ngunit ang maling pagkain ay nakakasama.

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga halimbawa kung bakit tayo pumipili ng uri ng pagkaing kakainin. Nakabubuting naiintindihan nating kung bakit natin ito nakahiligan nang makatulong sa pagbabago natin ng pananaw ukol sa pagkain, dahil kung alam nating ang dahilan mas magiging madali itong solusyonan.

loading...