Search

Talaarawan ng Pagkain

Kung nagdidiyeta ka, mabuting gumawa ng isang talaarawan sa pagkain. Ito’y upang matiyak ang araw-araw o buwanang konsumo at makuwenta ang kaloriyang pumapasok. Ito rin ay magtitiyak sa’yong progreso, sa gayon malaman mo kung ano ang dapat itama o alin ang dapat pagbutihin. Sa’yong talaarawan dapat mong isulat ang mga bagay na ito:
Ang natantiyang sukat ng pagkaing meron ka;
Ang uri ng pagkain iyong ihinahain. Mas tiyak, mas mabuti. Kung nagdagdag ng ketsup o salad dressing, tiyaking ito’y nakasaad sa talaarawan

Ang oras na kinain mo ang mga ito

Nag-iisa ka ba nung kinain mo ito?

Saan mo ito kinain?

May iba ka bang ginawa habang kumain, halimbawa’y nanood ng TV o nakikipag-usap sa iba?

Ano ang disposisyon ng ‘yong isip at emosyon nung ika’y kumain?

Dalhin ang talaarawan mo kahit saan ka magpunta at siguruhing isulat lahat ang kinain at ininom. Ang kaunting kendi , soda, kaunting pretzel, o isang donut ay di gaano sa isang araw. Ngunit palagian na pagkain nito sa loob ng isang lingo at ito’y makakadagdag ng ekstrang kaloriyas sa katawan.

Huwag antayin matapos ang isang araw bago itala sa talaarawan ang mga kinain. Mas mabuting isulat ito bago kainin, upang masuri ang pagkain at matiyak na wala kang naligtaan. Maging espisipiko at laging isulat ang mga ekstra, halimbawa’y imbes na italang gulay ang broccoli.

Bakit kelangan ang talaarawan? Upang malaman mo ang bilang ng kaloriyang pumapasok sa bawat araw. Minsan hindi nalalaman ng nagdidiyeta kung bakit di sya nagbabawas ng timbang. Ang talaarawan ay makakatulong dito na matiyak ang mga kadahilanan, makalkula ang kaloriyang kinakain at malaman kung anu-ano ang dapat gawing pag-aayos sa’yong diyeta. Malaman mo din dito kung kelan ka dapat kumain ng keyk na inaasam mo. Tuwing balik-tanawin ang talaarawan nung mga lumipas na buwan, makikita mo ang pagbabago sa’yong pagpili ng pagkain. Masasabi mong umuusad ka sa’yong diyeta at ang dati’y imposible ngayon ay madali nalang. Ito rin ay magbubunsod sa’yong pagsupil sa sarili. Makakaya mo nang magpigil sa kung ano ang kakainin at hindi kumawala sa pananabik sa keyk.

Magbasa sa susunod na kabanata…