Search

Talaarawan na Walang Sekreto

Itala ang bawat kainan, ang bawat pagkain na isinubo sa bibig maging ito’y junk food o malusog na pagkain. At maging ang mga oras kung kelan ito kinain. Sa ganito, pagkatapos ng araw, may magagawa ka ukol dito. Una ang pagbalik-tanaw at kalkulahin ang kaloriyang pumasok. Makikita mong ang iyong kinain ba ay mababa pa sa 2000 kaloriyas sa isang araw. Kung kamain ka ng higit pa sa 3000 kaloriyas, kelangan mong magbago sa iyong diyeta. Makikita mo din kung anong oras ka mas nagugutom at paano umayon ang iyong katawan. Mapapansin mo sa mga unang linggo, hindi mo maiiwasang magmeryenda sa kalagitnaan ngunit kalaunan ang pagmemeryenda ay mababawasan. Ito’y nagpapakita na umuusad ka na at unti-unting nakakabagay ang iyong katawan sa diyeta.

Kapag kulang na ang suplay mong pagkain at kelangan kang bumili ng mga iba pang bagay, may mga dapat kang gawin muna bago sumakay sa kotse at pumuntang tindahan. Gumawa muna ng listahan ng mga bagay na kakailanganin mo lang. Seguruhin na malulusog ang mga pagkaing bibilhin at aayon sa ‘yong diyeta. Ibasura ang iba. Kung gusto ng pamilya o mga kaibigan na bilhin ang mga yun, bakit hindi hikayatin ang mga ito na bumili nalang ng mga malulusog na pangmeryenda. Ang tagumpay mo ay maaaring daan na kanilang masusunod. At huwag ding magshopping na gutom. Magpapangyari lang ito na kakalam ang iyong tiyan sa tuwing makakakita kang pagkain. Magdudulot ito na mahuhulog ka sa iyong pananabik at bumili ng sobra sa kelangan mo lang.

Huwag Kaligtaan Ito

Ang huling hakbang na iyong gagawin para makompleto ang iyong kumain hanggang pumayat na diyeta ay ehersisyo. Halos lahat ng mga tao ay ayaw dito at humahanap ng dahilan para di ito gawin. Ngunit ililista ko ang mga rason bakit gagawin ito. Una sa lahat, makakatulong ito sa pagbabawas ng iyong timbang. Ang iyong katawan ay nangangailangan lang ng 2000 kaloriyas sa isang araw para mabuhay, kaya ang pag-ehersisyo ay tutulong para taasan ang araw-araw na pangangailangan sa kaloriya. Mas maraming magagamit nito, mas mabilis na pagbawas ng timbang. Sigurado mas pipiliin mong Makita ang resulta sa loob ng 6 na buwan kesa sa isang toan. Isa pa ay para manatiling aktibo ang iyong metabolismo. Ang malakas na meetabolismo nangangahulugan naa mas maraming kaloriya ang nasusunog. Kadalasan, iniiwasan ang huling hakbang dahil hindi sila sanay rito nay un naman ang totoo. Ang isang paraan na magagawa mo ay gumawa ng magaan na ehersisyo kasama ang diyeta. Gawin itong dahilan para kalimutan mo na ang pagpunta sa pinakamalapit na panaderya para bumili ng bagel. Sa pagpuno mo sa iyong isipan ng ibang bagay, wala na itong panahon na makaisip ng pagkain. Simulan ito sa hinay-hinay na 5 minutos na ehersisyo araw-araw, sa susunod na linggo taasan ito sa 10 minutos, at susunod na linggo sa 20 minutos hanggang 30 minutos. Pagkatapos ng ilang buwan, magagawa mo na sa loob ng 2 oras na walang pahinga!

Please share this page with your friends!