Search

Nakakataba ba ang gatas?

Nakakataba ba ang gatas?
loading...

Madalas naitatanong kung nakakataba ba ang gatas dahil mataas ito sa kaloriya at mataas din sa fats subalit totoo nga ba ito? nakakataba nga ba talaga ang gatas?

Ang gatas ay tinawag na almost complete food dahilan kumpleto ito sa mga nutrients subalit may mga nutrients na halos wala kang makukuha sa ang isang baso tulad nalang  ng iron. Maraming uri ng gatas ang makikita sa pamilihan merong full cream milk, merong filled milk at meron ding non fat milk ang tatlong ito ay parehong gatas na naiba lamang sa laman nitong taba na siya ring makakasagot kung nakakataba ba talaga ang gatas.

Full cream milk

A full cream milk ay ang gatas na natural ang taba. Ang gatas na ito ay mataas ang kaloriya at Vit. A at Vit. D kaya ito ang binibigay sa mga taong kinakailangan makapag dagdag ng timbang. Ang gatas na ito ay hindi nakakataba, tamang-tama lamang ang laman nito kaloriya para sa dami ng nutrients nito. Upang makadagdag ng timbang, hinahalo ang gatas na ito sa mga pagkain tulad ng milk shakes at ulam.

Filled Milk

Ang filled milk ay ang gatas na tinangalan ng natural nitong taba at pinalitan ng taba mula sa gulay. Ang gatas na ito ay sadyang ginawa upang maibsan ang pangamba ng mga tao sa pag taas ng cholesterol dahil sa saturated fats sa natural na taba ng gatas. Ang taba nito ay puro unsaturated kaya sinasabing nakakabuti sa kalusogan.

Ang full cream milk ay may saturated at unsaturated fats, hindi naman talaga nakakataas ng cholesterol ang saturated fats hangat hindi ito pinapasobrahan.

Non Fat Milk

Ang non fat milk ay ang gatas na wala na talagang tabang naiwan. Ang gatas na ito ay sinandya para sa mga obese na kailangang makapag bawas ng timbang. Ang gatas ay kompleto sa nutrients na lubos na makakatulong upang mapabilis ang pag bawas ng taba sa katawan kaya kinakailangan parin uminum nito kahit mataba upang mapadali ang pagpapapayat.

Ang kasagutan

Hindi nakakataba ang gatas nakakatulong lamang itong makadagdag ng timbang kung isasama sa mga pagkaing matatas din sa kaloriya tulad ng halo-halo at ice cream, sa katunayan ang gatas ay mayroong nutrients na nakakatulong upang mapadali ang pagbabawas ng timbang. Kung nais bantayan ang kaloriya, huwag alisin ang gatas sa dyeta, pumili lamang ng gatas na tama para sayo at siguradong magiging malakas at malusog ang pangangatawan mo.

loading...