Search

Sobrang Katabaan Dapat Iwasan

Sobrang Katabaan Dapat Iwasan

Ang pagiging obese ang tawag sa taong may BMI na umaabot sa 30 pataas. Ito ay nakukusa pamamagitan ng apg divide ng timbang ng katawan sa taas na metro kwadrado. Halimbawa,kung ikaw ay may timbang na 80 kilos at ang taas mo naman ay 1.52 metro. Kapag ang taas mong 1.52 metro ay kwenadrado ito ay magiging 2.31. Dito muna magagamit ang BMI, 80kilos divide 2.31 ay may sagot na 34.63, ibig sabihin ikaw ay isang obese I at nanganganib na magkaruon ng diabetes, sakit sa puso, sakit sa apdo, mataas na cholesterol at diperensya sa paghinga. Upang ito ay maiwasan habang maaga pa ay dapat ng mag-ehersisyo at kumain ng tama.

Ang obese ay may dalawang uri ang android kung tawagin ay hugis mansanas na katawan at gynoid na may hugis peras na katawan. Ang android ay may malaking tiyan ,ito ay madalas na nakikita sa mga lalaki, sila ay may malaking posibilidad na magkaruon ng sakit sa puso, altapresyon, at diabetes kung ikukompara sa taong gynoid na may malaking balakang. Ngunit kahit na nasa balakang man o sa tiyan nakatago ang taba, ang pagiging obese ay dapat iwasan.

Type II Diabetes

Ang type II diabetes ay isa sa mga sakit na pwedeng makuha ng mga obese. Ang type II diabetes ay ang hindi pagtugon ng katawan sa insulin kapag tumaas ang asukal sa dugo ito ay dahil sa taba na nasa mga cells. Ang madalas na pagtaas ng asukal sa dugo ay maaring magdulot ng komplikasyon tulad ng pagkabulag, pagiging irritable, pagkasira ng kidney at pagkaputol ng paa dahil samatitinding pagsira ng mga cells. Ang diabetes ay walang lunas, ito ay makokontrol lamang sa pagitan ng gamot at pagkontrol ng pagkain, kayat habang maaga pa ay hinihikayat ang mga taba at mga may lahing diabetic na pagpapayat at kumain ng tama.

Hyperlipidemia and Hypercholesterolemia

Ang hyperlipidemia ay ang pagtaas ng taba sa dugo habang ang hypercholesterolemia naman ang pagtaas ng cholesterol sa dugo. Ang mga ito ay maaring maging sanhi ng sakit sa puso. Kapag mataas ang taba at cholesterol maari itong bumara sa mga ugat sa katawan at sa puso na siyang magpapahina ng pagdaloy ng dugo. Kapag nagkaroon ng bara mapipilitan ang puso na magtrabaho ng sobra sa kakayanan nito hangang sa ito ay mapagod.

High Blood Pressure

Ang sobra-sobrang pagtrabaho ng puso para mapadaloy muli ang dugo ay nagdadagdag ng presyon sa katawan kung kaya ang matataba  ay madalas na nakararas ng alta presyon. Ang alta presyon o highblood ay taksil na sakit. Maraming tao ang hindi nakakaramdam ng simtomas ng altapresyo hangang sa bigla sila aatakihin at nagiging sanhin ng kanilang maagang kamatayan.

Ang mga sakit na ito ay mga halimbawa lamang ng mga sakit na nakukuha sa sobrang katabaan. Kaya habang maaga pa ay dapat iwasan. Laging iisipin, upang makapagbawas ng timbang 3 bagay lang ang kailangang gawin, pagbawas at pagkain ng tama, pag-eehersisyo, at pagbago ng nakaugalian kung ang pagkain ay ipinagbabawal huwag kakainin, kung kinakailangang mag-ehersisyo ito ay gawin. Walang bawal o nakasamang pagkain ang nakakasama ay ang mali nakaugalian tungo sa pagkain.

Please share this page with your friends!

katulad na mga artikulo