Search

Saging Na Saba Diet: Mabisang Paraan Para Magbawas Ng Timbang!

Saging Na Saba Diet: Mabisang Paraan Para Magbawas Ng Timbang!
loading...

Ang mga pag-aaral ng mga dalubhasa ay nagsasabing ang pagkain ng saging nasa saba, o kahit anong uri ng saging (iyong hilaw, hindi linuto o frozen) at paginom ng isang baso ng tubig (normal na temperatura) sa umaga bilang agahan araw-araw ay makakatulong saiyo na magbawas ng timbang. Ano nga ba ang mga pakinabang ng tinaguriang saging na saba diet at paano ba ito nagiging epektibo sa pagbawas ng taba?

Ang saging na saba diet – Mura ngunit epektibo!

Ang saging na saba diet ay isang uri ng pagkaing pandiyeta na napakadaling ihain. Bakit? Ang mga sangkap nito ay madali mong makukuha kahit na saan dito sa Pilipinas, sa buong taon! Ang saging na saba kasi ay isa sa pangunahing mga pananim na itinatanim ng mga magsasaka dito sa atin kaya ito ay napakamura.

Ang lahat ng uri ng saging ay epektibo, subalit ang saging na saba ay espesyal sa mga uri ng saging dahil ito ay napatunayang mas mahibla o mayaman sa fiber kaya ang pagkain nito araw-araw ay magpapataas ng antas ng iyong metabolism na magiging dahilan ng pagsusunog ng mas maraming kaloriya sa katawan mo, kahit hindi ka pa nag-eexercise! Ang saging na saba ay mayaman rin sa resistant starch na magpaparamdam saiyo na ikaw ay busog sa mas mahabang panahon, na tutulong saiyo na hindi na maghanap ng makakain kung hindi naman talaga kailangan.

Ano naman ang nagagawa ng inuming tubig sa normal na temperatura nito? Maraming dalubhasa ang nagsasabi nan a ang paginom ng malamig na tubig ay nagpapabagal ng metabolism ng katawan. Kaya sa saging na saba diet, iiwasan moa ng paginom ng malamig na tubig bilang inumin sa almusal.

Ang mga siyentista na nagaaral sa nutrisyon ay nagmumungkahing kainin moa ng iyong hapunan bago mag alas otso ng gabi (8:00 PM) at iwasang kumain ng matatamis pagkatapos ng hapunan. Kung sakaling ikaw ay nagutom pa pagkatapos na makapaghapunan na, kumain ka nalamang ng mga prutas na hitik sa hibla o fiber. Karagdagan pa, isa pinakamabisang paraan ng pagbawas ng timbang ay ang pagtulog ng maaga sa gabi. Ang pagtulog nang maaaga ay makakatulong sa iyo na mabawasan ang paghahanap ng makakain kahit nakapaghapunan na. May mga pagaaral na nagsasabing may sapat na batayan para sabihing ang kakulangan sa tulog ay nakadaragdag sa problemang katabaan.

Ang pagkain ng saging na saba diet ay hindi naman nagbabawal saiyo ng pagkain ng iba pang uri ng mga kakanin. Subalit kung sa tingin mo ay mukhang hindi naman umeepekto ang diet na ito para mabawasan ang iyong taba o timbang, subukang kumain ng isang saging na saba bago ang tanghalian o hapunan para mabawasan ang iyong pangkalahatang pagkain ng kaloriya.

Huwag lulutuin ang saging na saba, sa halip kainin ito ng katamtaman ang pagkakahinog, hindi iyong hilaw o sobrang hinog. Ang pagkain nito ay magbibigay saiyo ng lahat ng mga benepisyo nito sapagkat mas matagal itong tunawin ng iyong tiyan. Ang matagal na proseso ng pagtunaw ng pagkain ay magbibigay ng matagalang suplay ng lakas at mas matagal kang makaramdam ng gutom. Ang prosesong ito ay kapakipakinabang lalo na kung ikaw ay mag-eexercise!

Ang mga pakinabang ng saging na saba diet

Ano ba ang mga pakinabang ng saging na saba diet? Narito ang ilan sa mga benepisyo ng pagkain ng saba.

  • Ang regular na pagkain ng agahan ay makatutulong saiyo na pabilisin ang metabolismo. Ito ri ay tutulong na maiwasan ang sobra-sobrang pagkain sa buong maghapon.
  • Ang hindi paginom ng kape na may caffeine sa umaga ay tulong para malimitahan ang pagtaas ng iyong blood sugar at magandang paraan para mabawasan ang iyong pagkatakam sa pagkain.
  • Ang saging na saba ay sagana sa fiber, binamina B6 at bitamina C, ito ay sagana rin sa potassium.

Ngunit tandaan ito: may ilang mga kaso na ang ilang indibidwal ay nagkaroon ng mga problema sa kanilang metabolismo dahil hindi sila hiyang sa uri ng carbohydrates na nasa saging. Kailangan mo ring isaalang-alang ang iyong hilig sa pagkain, baka ang paulit-ulit na pagkain ng saging na saba araw-araw ay maging dahilan ng iyong pagkasawa sa pagdi-diyeta.

loading...