Search

Labindalawang Araw na Pomelo Diet – Iyan ang matagal mo nang hinahanap!

Labindalawang Araw na Pomelo Diet – Iyan ang matagal mo nang hinahanap!
loading...

Ang labindalawang araw na pomelo diet ay hindi isang bagong konsepto. Ang orihinal na plano nito ay nagsimula noong 1930’s. Ang prutas na ubas ay parang isang pangarap para sa mga taong nais pumayat. Ang prutas na ito ay walang fats o taba, mataas na uri ng fiber o hibla, at mababa ang kaloriya. Ito ay nagdadala din ng maraming benepisyo sa balat dahil ito’y naglalaman ng mataas na bitamina B.

Papaanong gawin ang Pomelo Diet?

Simple lang. Kumain ng kalahating libra sa tuwing bago kumain ng agahan, tanghalian at hapunan.

Ang enzyme o katas nito ay nag-aalis ng iyong gana sa pagkain kung kaunting kaloriya lamang ang iyong mauubos. Ito ay nagpapabilis din ng proseso sa pagsunog ng taba sa katawan, tumutulong sa katawan upang mabawasan ang timbang. Alam ng nakararami na kung mas maraming enerhiya ang ating gagamitin, mas mabilis na matanggal ang naiimbak na taba sa loob ng katawan, at siguradong mababawasan na ang timbang. May mga pag-aaral na ginawa sa na nagpapahiwatig na ang timbang ay mababawasan ng sampung libra sa loob lamang ng dalawang linggo sa pamamagitan ng simpleng paggamit nitong paraan ng pagbabago. Ako’y naniniwala na ikaw ay magkakaroon ng mabuting pagkakataon na magtagumpay kung iyong babawasan ang laki ng iyong parte, kumain ng 4 o 5 maliliit na kainan, keysa sa 3 malaking kainan. At huwag kalimutan ang pag-ehersisyo. Hindi makatarongang isipin na ang isang simpleng pagpalit ng paraan ng pamumuhay ay nagreresulta sa isang malaking kabawasan ng timbang.

Kailangan ay repasohin ang lahat ng aspeto ng buhay.

Ikaw ba ay kumakain dahil nababagot o naguguluhan? Ikaw ba ay may sapat na ehersisyo? Karamihan sa mga filipino ay hindi masyadong aktibo. Hindi kailangan ang agad-agad na maging panatiko sa mga gym, kundi ang kaunting ekstra na paggalaw araw-araw ay makakatulong. Ako’y sigurado na ikaw ay makakaisipng milyong paraan sa pagdagdag ng kung ano-anong gawain sa iyong nakahimpil na pamumuhay. Maari mong gamitin ang hagdan sa halip na elevator; bumangon ng maaga at maglakad papuntang palengke o tindahan; at marami pang iba.

Sa magkatulad na paraan, maari kang gumawa ng pagsulong sa pamamagitan ng pagtupad sa simpleng pagbabago sa panahon ng pagkain. Sa halip na iprito ang iyong mga pagkain kung saan nakakadagdag ito ng ekstrang kaloriya, bakit hindi subukan ang inihaw, niluto sa hurno o pinagsingawan? Matutong magluto huwag umasa sa dati nang nakahanda na pagkain na kung saaan dagdag gastos dahil sa mahal ang presyo nito, at dagdag din na timbang sa iyong katawan. Gumamit ng mga yerba o mga rekado na pandagadag sa lasa ng iyong pagkain. Huwag gumamit ng maraming asin dahil ito ay pumipigil sa paglabas ng likido sa ating katawan.

Kumain ng maraming prutas at gulay!

Mataas ang fiber o hibla ng mga ito, mababa ang kaloriya, at nakakabusog. Kikinis at kikinang ang iyong balat mula sa ekstrang bitamina at mineral na galing sa ganitong mga pagkain. Huwag kumain ng mga pagkain na marami ang carbohydrates paglampas ng ikalima ng hapon, dahil ang iyong katawan ay walang sapat na panahon upang gamitin ang lahat na enerhiyang bigay nito. Ang hindi nagagamit na enerhiya sa loob ng ating katawan ay nagbabago at nagiging taba.

Kumain ng pagkain na mayaman sa protina ngunit piliin ang hindi matatabang klase ng karne!

Kalimutan ang longganisa, tocino at iba pang mga kahalintulad ng mga pagkain. Mas mainam na piliin ang may mga kalidad na pagkain kaysa sa dami ng pagkain. Huminto sa pagkain kapag busog na at hindi yaong hihinto lamang kapg wala nang laman ang pinggan.

Kailangan na alam mo kung ano ang pagkakaiba ng nauuhaw at nagugutom. Ihinto ang pagkain o pag.inum ng mga pagkaing may nakatagong kaloriya, tulad ng softdrinks, energy drinks at ang kilabot na salarin sa lahat, ang alcohol.

Mababawasan ang iyong timbang sa pamamgitan ng paggamit ng Labindalawang araw na pomelo diet, ngunit mas magiging epektibo ito kung ito’y gawin kasama ang malulusog na pagkain at programa ng regular na pag-ehersisyo.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Labindalawang Araw na Pomelo Diet – Iyan ang matagal mo nang hinahanap!
Rate this post

loading...