Search

Pampapayat ng Braso: Epektibong Pampaliit ng Braso

Pampapayat ng Braso: Epektibong Pampaliit ng Braso
loading...

Ayon sa mga dalubhasa, imposible ang pag spot reduce o ang pagpapayat ng isang bahagi ng katawan samantalang hindi apektado ang iba pang bahagi. Ayon sa mga pag sasaliksik, ang mga claims na mga nagbebenta ng mga excersise machines na nakapagpapaliit ng balakang o love handles ay napatunayang hindi totoo. Samantala, bagaman hindi mo kayang tunawin ang taba sa iisang partikular na bahagi ng katawan lamang, may mga paraang pwede kang gawin na pampapayat ng braso.

Ano ang mabisang pampapayat ng braso?

Ayon sa mga Amerikanong dalubhasa, ang pagsasama-sama ng cardio at strength exercises pati na rin ang malusog na diyeta ay ang mabisang paraan na magbawas ng taba sa katawan. Ang mga ehersisyong ito ay makapagpapataas ng heart rate, makapagpapalakas ng mga braso at makapagbabawas ng taba sa katawan at siyempre pampaliit ng braso!

Mg ehersisyong pampaliit ng braso

Narito ang ilan sa mga ehersisyong pwede mong isagawa bilang pampaliit ng braso.

Ang una ay ang tinatawag na arm slide. Ang arm slide ay isang mabisang ehersisyo na nakapagpapa-activate ng mga kalamnan sa braso, lalo na ang tricep. Ito ay makakatulong din na iwork out ang iyong buong core. Ayon sa online health magazine na Mayo Clinic, ang mga core exercise tulad ng arm slide ay makatutulong na pagandahin ang iyong balanse, pagkamatatag at tamang postura.

Kailangan sa arm slide ang sliders, paper plate o dalawang maliliit na tuwalya.

Lumuhod sa sahid habang ang mga kamay ay nakapatong sa sliders. Maglagay ng sapin sa tuhod para mas komportable at hindi masakit ang iyong pagluhod.

Gamitin ang iyong core sa pamamagitan ng paghatak sa pusod mo paloob at pagpapatigas ng iyong abs. Tandaan na sa ehersisyong ito, dapat na panatilihing tuwid ang iyong likod at matigas ang iyong abs habang dahan dahang i-slide ang mga kamay papuntang harapan at ang iyong dibdib ay halos dumikit na sa sahig.

Pagkatapos, marahang hatawin ang mga braso papunta sa mga tuhod mo upang bumalik sa starting position na hindi binabaluktot ang mga siko. Siguraduhing hindi bumaluktot ang likod habang hinihila moa ng iyong mga braso.

Ang ikalawang ehersisyo na epektibong pampapayat ng braso ay ang ball slams o pagpatalbog ng bola. Ang paulit ulit na paggalaw sa ehersisyong ito ay magbibigay saiyo ng mga benepisyo ng hardcore exercise na hindi ka masyadong nahihirapan. Ito ay magdudulot ng pagod sa mga braso mo at cardio workout na rin para sa katawan.

Para maisagawa ang ehersisyong ito, kailangan mo ng medicine ball o slam ball.

Tumayo ng tuwid at ipuwesto ang bola sa may dibdib. Iangat ang bola ng medyo mas mataas sa ulo. Ibaluktot ang mga tuhod habang ibinabato pababa ang bola. Saluhin ang bola habang ito ay tumatalbog pabalik. Ipuwesto uli ito sa itaas ng iyong ulo at ulit-ulitin ang pagpatalbog at pagsalo ng bola.

Tandaan, mas maganda na bago ka magsimula ay testingin mo muna ang iyong bola kung ito ay tumatalbog nang katamtaman lamang. Ang bola ay dapat na maging medyo mabigat ngunit hindi naman sobra na hindi ka na makakilos ng maayos.

Ngayon, alam mo na kung paano ang pampaliit ng braso. Gawin mo na ito para pumayat ang iyong problemang mga braso!

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Pampapayat ng Braso: Epektibong Pampaliit ng Braso
5 (100%) 2 votes

loading...