Search

Alamin – Mabisang Pampaliit ng Tiyan

Alamin – Mabisang Pampaliit ng Tiyan

Maraming babae ang nagkakaproblema sa pagkakaroon ng taba sa tiyan. Hindi naman ito problemang pangkalusugan ngunit dahil sa pagiging conscious sa katawan, gusto nilang makaalam ng mga bagay na mabisang pampaliit ng tiyan. Kapag ikaw ay hindi mataba ngunit malaki ang iyong waistline, maaaring gusto mong lumiit ang iyong tiyan. Tinatawag na abdominal obesity kapag ang waistline ay mahigit na sa 40 inches sa lalaki at 35 inches sa babae. Isa ka ba sa kanila na naghahanap ng mabisang paraan ng pagpapaliit ng tiyan? Kung gayon, narito ang ilang mungkahi sa pagpapaliit ng tiyan.

Ano nga ba ang mga dapat gawin upang mabawasan ang taba sa tiyan?

  • Iwasan ang pagkaing matatamis – Ang labis na asukal sa katawan ay nakakasama. Mayroon itong hindi magandang naidudulot sa metabolismo ng katawan. Ang asukal ay nilalaman ng glucose at fructose. Ang labis na fructose ay hindi na kayang tunawin ng atay kaya ang sobra nito ay magiging taba. Ayon sa ilang pananaliksik, ang taba mula sa fructose ang siyang dahilan ng pagkakaroon ng malaking waistline. Ang asukal ay nagpaparami ng taba sa tiyan at maging ang taba na nasa atay kaya nagiging resistant sa insulin ang katawan na nagreresulta sa karagdagang problema. May katulad na epekto din ang pag-inom ng mga inuming maraming nilalamang asukal katulad ng softdrinks. Nagbibigay ito ng mas maraming asukal kaysa sa ating kinakain. Nagdudulot din ito ng hanggang 60% na posibilidad ng pagiging obese lalo na sa mga bata. Mas mabuting ipalit sa pagkaing matatamis ang mga prutas dahil kahit na mayroon din itong asukal, mas kakaunti ang nilalaman nitong fructose at sagana pa sa fiber.
  • Kumain ng mga pagkaing maprotina – Ang protina ay kailangan sa pagbabawas ng timbang dahil binabawasan nito ang gana sa pagkain ng hanggang 60 porsiyento at pinapalakas ang metabolismo ng 80 hanggang 100 kaloriya bawat araw. Ang mga pagkaing maprotina ay sinasabing may malaking epekto sa pagpapaliit ng tiyan. Samantala, sinasabing ang pagkonsumo ng maraming carbohydrates at oil ay nakakadagdag sa taba sa tiyan. Kaya ugaliin ang pagkonsumo ng mga pagkaing maprotina katulad ng itlog, isda, lamang-dagat, at karne. Ang isa pang bagay na maaaring gawin ay ang paggamit ng coconut oil sa pagluluto. Nakakatulong ito na mabawasan ang taba sa tiyan.
  • Iwasan ang carbohydrates – Ang pag-iwas sa carbohydrates ay epektibong pampaliit ng tiyan. Ito ay dahil sa nababawasan ang iyong gana sa pagkain. Mas mabisa ang low-carb na uri ng diet kaysa sa low-fat dahil mas mabilis mabawasan ang water weight ng katawan kapag binawasan ang pagkonsumo ng carbohydrates. Nakakabawas ito ng timbang at nakakabawas ng taba sa tiyan o abdominal fat. Kabilang sa dapat iwasan ay ang pagkain ng tinapay at pasta. Kapag ginawa ito ng isang tao, hindi lamang mababawasan ang kanyang timbang anupa’t makakatulong din ito sa kalusugan. Nakakatulong ito na maiwasan ang pagkakaroon ng diabetes.
  • Kumain ng mga pagkaing sagana sa fiber – Ang fiber ay sinasabing nakakatulong sa pagbabawas ng timbang. Ang soluble at viscous fibers lamang ang uri ng fiber na may malaking epekto sa katawan. Ang mga uri ng fiber na ito ay humahalo sa tubig at nagiging gel na nakakatulong sa pagpapabagal ng galaw ng pagkain sa tiyan kaya hindi madaling magutom at mababawasan ang gana sa pagkain ng isang tao. Ang pagkonsumo ng 14 grams ng fiber sa isang araw ay nakakabawas ng 10 porsiyento ng kaloriya at dalawang kilo mula sa timbang. Ang soluble fiber ay napatunayang epektibong pampaliit ng tiyan. Napagkukunan ng fiber ang mga gulay at prutas kaya inirerekomenda ang pagkain nito ng madalas.
  • Mag-ehersisyo – Ang pag-eehersisyo ay mahalaga sa kalusugan at pagbabawas ng timbang. Epektibo din ito sa pagpapaliit ng tiyan. Nakakatulong ang aerobic exercises katulad ng paglakad, pagtakbo at paglangoy sa pagpapaliit ng tiyan. Hindi lamang sa pagbabawas ng timbang nakakatulong ang ehersisyo dahil napatunayan ding nakakatulong itong maiwasan ang pagkakaroon ulit ng taba kaya mahalaga ito kapag nagpapanatili ka ng timbang. May benepisyo din itong naibibigay sa kalusugan gaya ng pagpapababa ng blood sugar.

Ang pagpapaliit ng tiyan o pagbabawas ng taba ay hindi awtomatikong mangyayari. Kailangan ang disiplina at maiging pagsunod ng mga mungkahi. Ang pagsisiyasat ng ating kinakain at iniinom ay nakakatulong ng malaki upang maachieve ang pinapangarap nating katawan at mapanatili ito. Ang magiging resulta ay nakadepende ng malaki sa iyong pagsunod. Sana ay makatulong sa iyo ang artikulong ito.

Please share this page with your friends!

katulad na mga artikulo