Ano Nga Ba Ang Mabisang Pampalaki ng Balakang?

Isa ka ba sa mga kababaihang nangangarap magkaroon ng tinatawag na coca-cola body? Paano kung maliit ang iyong balakang? Naku, problema nga yan, pero hindi na ngayon! Dahil makakatulong saiyo ang artikulong ito. Dito malalaman mo na puwede pang palakihin ang iyong balakang gamit ang ituturo kong iba’t-bang tips na pampalaki ng balakang.

Benepisyo ng malaking balakang sa babae

Para sa mga babae, isa ang balakang sa pinakamahalagang bahagi ng kanilang katawan. Malaki ang ginagampanan ng balakang hindi lang sa pagalaw ng isang tao, gayundin maging sa pagkakaroon ng magandang hugis ng katawan ng mga babae. Para sa kanila, hindi nila ma-achieve ang isang sexy body kapag maliit ang kanilang balakang, kaya naman kung nagkataong maliit ang balakang nila ay malaking kakulangan ito para sa kanila. Kabaliktaran naman ito sa mga lalaki na dapat maliit naman ang balakang.

Maraming hatid na benepisyo ang pagkakaroon ng malaking para sa babae, bukod sa nakadagdag ito ng appeal at kagandahan para sa kanila, pagdating pa sa pananamit ay hindi rin sila mahihirapan. Dahil maraming damit pambabae ang may tabas na tanging may malalaking balakang lamang ang babagayan. Higit sa lahat ay nakakadagdag ito ng self-confidence sa kanila.

Maging sa mga beauty pageant at modeling, mas malaki ang chance ng mga babaeng may balakang kumpara sa ibang may maliliit na matanggap sa mga ganitong klaseng patimpalak. Kaya naman hindi nakapagtataka kung bakit napakaraming babae ang nahihilig sa pagpapalaki ng balakang. Kaya ang tanong ng mga babae ay, paano ba? Magpatuloy lamang saiyong pagbabasa.

Exercise na pampalaki ng balakang

Pampalaki ng balakang ba ang hinahanap mo? Subukan mo ang iba’t ibang mga ehersisyong ito na siguradong makakatulong saiyo. Pag-aralan ang mga sumusunod:

Side lunge with dumbells – Simulan ito sa pagtinding ng tuwid habang nakadikit ng bahagya ang mga paa. Humawak ng light to medium na dumbbell, isa sa kanan, at isa sa kaliwa. Gamit naman ang kanang paa, ihakbang ito ng pabuka papunta sa iyong kanan. Itikop ang mga tuhod at sabay itulak ang iyong balakang papunta sa likod. Habang nakatayo, manatiling nakatingin saiyong harapan. Maghanda papunta sa simula. Itulak ang iyong kanang paa habang nakadiin ang iyong bigat sa kaliwang hita. Pagkatapos ay bumalik sa pagkakatindig ng tuwid.

Try Yoga – Maraming yoga poses ang na naka desinyong para palihin ang iyong balakang. Ang mga poses na ito ay makakapag palakas ng iyong mga muscle sa balakang at magkakaroon ka rin ng magandang flexibility. Ito ang ilan sa mga yoga poses na maaari mong subukan: The frog, The pigeon, The lizard, The cow face at iba pa.

Sit on your butt – Maaari kang magkaroon ng malaking balakang sa pamamagitan lamang ng simpleng pag-upo gamit ang iyong butt o puwet. Ito ang lumabas sa pag-aaral ng mga researchers na naka-published sa isang journal ng Cell Physiology. Natuklasan nila na ang pressure sa palibot ng puwet at balakang habang nakaupo ng matagal ay nakakatulong sa pagbuo ng mga taba at laman sa palibot nito.

Squats – Napagalitan ka na ba guro mo sa eskuwelahan at pina-squat ka sa unahan bilang parusa? Ang simpleng pag squat ayon sa mga physical experts ay tumutulong sa pagbuo ng muscle at fats sa palibot ng iyong balakang.

Iilan lamang sa napakarami pang uri ng exercise na maaaring makapagpalaki ng balakang mo. Narito ang kabilang pa sa kanila. Pag-aralan rin ang mga sumusunod:

  • Side-lying Leg Lift
  • Russian Twists
  • Standing Oblique Flexion
  • Cardio

Pampalaki ng balakang: Subukan ang mga pagkaing ito!

Patatas at mga chips – Mashed potatoes, French fries, baked potatoes, alin man sa mga ito ay nakakapataba sa palibot ng balakang. Ito ang lumabas sa pag-aaral ng The New England Journal of Medicine noong June 2011.

Processed meats – Ang pagkain rin ng mga processed meats katulad ng steak, burgers, bacon, corned beef, at marami pang iba ay napatunayang nakakatulong sa pagdagdag ng timbang at taba sa may balakang at puwetan. Ito rin ang lumabas sa pag-aaral ng isang malaking grupo ng researchers.

Sweets and Desserts – Ang pagkahilig sa pagkain ng matatamis na desserts katulad ng ice cream, chocolates, cakes, candies, at iba ay akalain mob a namang makakatulong pala sa pagpalaki ng iyong balakang?

Pakatandaan lamang na ang pagkain ng mga ito ay hindi nangangahulugan na ito na lamang palagi ang iyong kakainin. Ang sobrang pagkain ng mga ito ay maaaring makasama sa iyong kalusugan at pagmulan ng iba’t ibang karamdaman. Maaari mong subukan ang mga pagkaing ito, ngunit sabayan mo ng mga exercise na nabanggit sa unang bahagi ng artikulong ito.

Mga halamang gamot pampalaki ng balakang

Kapag naghahanap ka sa internet at itinanong mo ang “Paano magpalaki ng balakang?”napapansin mo ba ang paglabasan sa search results ng gamot na hip enhancement pills? Totoo ba at hindi ito delikado? Kasi ayon sa mga physical experts, walang matibay na proweba na maaaring magpalaki ng isang bahagi ng katawan na hindi naaapektuhan ang iba, lalo na kung sa paginom lamang ng ganitong pills.

Kung kaya’t mas maganda at sigurado pa rin kung sa ligtas na paraan ang gagamitin. Bukod sa iba’t ibang exercise, ano pa bang natural ang tinutukoy ko? Alam kung ang mga halamang gamot na ito ay hindi pamilyar sainyo ngunit marami na nito ngayon sa Pilipinas. Ito ang mga dapat mong hanapin at isama sa inyong healthy diet list:

  • Maca Root Extracts
  • Pueraria Mirifica
  • Fenugreek
  • Fennel seeds
  • Red clover

Pampalaki ng balakang: Subukan ang hip surgery!

Kung nasubukan mo na ang mga pagkain, at naisagawa mo na rin ang mga exercise ngunit tila mabagal ang resulta, Subukan mo na ang hip surgery kung swak man lang sa iyong budget. Higit sa lahat ng nabanggit, ito ang pinaka epektibo at pinakamabilis. Hindi mo na kailangan pang magtiyaga at maghintay dahil sa isang operasyon lang ay magkakaroon ka na ng malaking balakang.

Nakikita mo ba ang mga celebrity kagaya nila Rihanna, Beyonce, Nikki Minaj, Kim at iba pa? Hindi man nila ito aminin, pero halatang halata na dumaan ang kanilang balakang sa isang hip surgery.

Alin man sa mga paraang ito ang iyong piliin, nakaksigurado ka na ang lahat ng ito ay epektibo. Ang mahalaga ay pumili ka ng gusto mong paraan na naaayon sa estado ng iyong pamumuhay.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Ano Nga Ba Ang Mabisang Pampalaki ng Balakang?
1 (20%) 1 vote

Sabihin sa iba ang tungkol dito!

KATULAD NA MGA ARTIKULO

I-CLICK NGAYON! TRENDING!