Search

Pagkaing maaring magdulot ng cancer

Pagkaing maaring magdulot ng cancer

Upang maiwasan ang sakit tulad ng cancer at mapanatiling malusog ang katawan kinakailangan nating malaman ang mga pagkaing may masamang epekto at maaring magdulot nito, ito ay ang mga pagkaing may nitrosamine at benzo pyrene.

Ang nitrosamine ay matatagpuan sa mga pagkaing may preserbatibo tulad tocino at dilata. Ito ay ginagamit upang hindi agad masira ang pagkain ngunit ang sobrang pagkain nito ay nakakasira sa katawan, may ilang pag-aaral na nagsasabing nitrosamine kung somobra ay maaring magdulot ng cancer, kaya kung maari ay limitahan ang sarili sa pagkain ng mga pagkaing may preserbatibo upang ito ay maiwasan.

Ang benzo pyrene naman na isa rin sa mga tinutorong nagdudulot ng cancer ay nakukuha sa madalas na pagkain ng barbecue o kaya naman ay sa mga pagkaing may sunog na bahagi. Sinasabi na ang benzo pyrene ay nabubuo dahil sa sobrang init ng apoy sa pagluluto at sa maitim na usok na dumidikit sa pagkain.

Ayun sa mga eksperto walang pagkaing nakakasira sa katawan kailangan lamang na huwag kumain ng sobra-sobra dahil tiyak ito ay makakasama. Walang sino mang makakapagsabi kung kailan at sino ang tatamaan ng cancer  ang articulong ito ay nagsisilbing babala upang ito ay maiwasan. Huwag kalilimutang kumain ng balanse; kumain ng prutas at gulay, huwag magpasobra sa matatamis at matataba, mag-ehersisyo at umiwas sa bisyo, ito ang mga sangkap upang mapanatiling malusog at malakas ang katawan mo.

Please share this page with your friends!

katulad na mga artikulo