Search

Paggawa sa Unang Hakbang

Isa pang problema na kakaharapin kung papalitan mo ang araw-araw na kinakain ay ang hindi mo nalalaman kung paano ito iluto. Maaaring kahit sino alam papaano gumawa ng ensalada o tinapay ngunit ang pagluto nito na malusog at mababa sa kaloriya ay isang problema. Isinali ko na ang ilang resipe na ‘yong mababasa upang masimulan mo na ang iyong diyeta. Huwag masyadong mahigpit sa pangkalahatan lang na pinagkukunan ng pagkain. Kahit inererekomenda na kumain ng maraming gulay at prutas, hindi nangangahulugang ensaladang gulay lang ang kainin sa loob ng isang taon. Maaaring gumawa ang ibat-ibang hain, tulad ng gisado, sopas o panghimagas. Meron pagkakaiba dapat ang iyong diyeta.; ito’y makapagpaalis ng bagot sa paulit-ulit na pagkain ng gulayat prutas. Sa ibaba ay pangkalahatang lista ng mga pagkaing may masamang karboidrato:

  • White pasta
  • White rice
  • Puting tinapay
  • Pangmadaliang oatmeal (instant oatmeal)
  • Fruit juices
  • Bagels
  • Donuts
  • Muffins
  • Matatamis at mga kendi
  • Prinosesong cereal na pang-agahan

Ang mga ito ay mga pagkaing dapat mong iwasan o kainin paminsan-minsan lang. isa sa pinakasimpleng upang malaman kung may masamang karboidrato ang pagkain ay ang alamin kung ito ba’y naproseso na o wala. Kung oo,madalas ito’y mayaman sa masamang karboidrato.

Mga wastong pagkain na dapat kainin ay:

  • Kahit anong prutas at gulay
  • Oatmeal
  • Brown rice
  • Patatas
  • Mga produktong galing sa trigo
  • Buong-butil na cereals
  • Cereal pang-almusal na mayaman sa fiber
  • Grits
  • Muesli
  • Kamoteng-kahoy
  • Mais
  • Amaranth
  • Navy beans
  • Buong barley
  • Buckwheat/buckwheat pasta

Kung papalitan mo ang kinakain araw-araw ma may masamang karboidrato ng mabuting karboidrato, makakakain ka ng marami na di nadadagdagan ang timbang. Hindi ka gugutumin sa mataas na panahon, mapipigilan ang udyok na kumain uli. Ang mga plano sa pagdidiyeta ay kadalasan may kalakip na na mga resipe na mababa ang karboidrato para di tumaas ang timbang sa araw-araw na pagkain ng may nakakabuting karboidrato.

Palitan, Palitan, Palitan

Para sa taba, mahirap mkahanap ng kapalit nito. Ngunit bilang panimula, umiwas sa mga pagkaing may saturated fat o trans fat. Ang trans fat ay kadalasan nasa mga produktong naiistak o dumaan sa mga pabrika. Basahin muna ang mga etiketa bago bumili. Kung may pagkain na sa tingin mo ay maraming mantika o maaaring maimbak sa matagalna panahon, makakabuting magtanong muna kung ito ba ay may trans fat sa paggawa. Para sa saturated fat, nagmumula ito kadalasan sa mga produktong galing sa hayop. Kaya bawas-bawasan ang pagkain ng mga karne o produktong galing sa gatas sa iyong diyeta. Kung may gatas talaga, puntiryahin ang mababa o non-fat na klase tulad ng low-fat plain yogurt. Para sa karne, piliin ang purong laman dahil ito’y mababa sa taba.

Sa pagluluto gumamit ng mantika na nakalista sa ibaba:

  • Canola oil
  • Flax seed oil
  • Langis ng mani
  • Olive oil
  • Non-hydrogenated na mantikilya
  • Safflower oil
  • Sunflower oil
  • Corn oil

Karaniwan nang may monounsaturated fat at mababa sa saturated fat ang mga ito. Para makakuha ng maraming polyunsaturated fat kumain ng isda tulad ng salmon o uminom ng mga suplemento. Ngayon na alam mo na ang pangunang grupo ng pagkain na dapat iwasan o palitan, magpatuloy tayo sa iban kategorya ng pagkain na magbibigay busog, mababa sa kaloriya at malusog din.

Huwag Kalimutan ang Iba

Una, ang pinakasimpleng paraan sa pagdidiyeta ay ang pagkain ng maraming hindi niluluto na prutas at gulay. Napakababa ng mga ito sa kaloriya at mahirap tunawin na dapat pang magsunog ng maraming kaloriya kaysa sa makukuha mo dito. Kaya kung dalawang ito ang pangunang ihain mo da iyong diyeta, tiyak makikita mo ang mga resulta sa loob ng iilang buwan lang. Mababawas ang maraming kaloriya kung gawin mo itong prinsipal na ihain kaysa sa gawin lang itong side dish. At karagdagan, tulad ng nabanggit na, mayaman sa Omega3 ang mga isda tulad ng salmon at mayaman din ito sa Leptin na hormone. Ito ay nakapagpaaktibo sa metabolism at makakapagtunaw mg maraming taba. Mainam ito sa mga taong may karamdamang genetiko na tumitigil sa pagpapalabas ng leptin. Mayaman din sa protina ang isda. Ito’y mainam pamalit sa karboidrato kung kailangan ng katawan ang glucose.

Isa pang paraan na di mo iisipin ay ang pagdagdag ng maanghang na rekado sa pagkain. Ang mga rekado tuladng cayenne pepper, sili at mustasa ay nakapagpataas sa metabolism na magtunaw ng taba sa loob ng ilang oras. Ang maanghang na pagkain ay nakakaalis ng gana na kumain sa pamamagitan ng pagtaas ng lebel ng epinephrine at nonepinephrine sa katawan. Ang mismong bawang ay malakas na diuretic na tumutulong magpalabas ng mga sobrang tubig sa katawan. Ang mga pagkaing lumalaban sa arina tulad ng saging, prutas at gulay ay mainam din sa pagbabawas ng timbang dahil mayaman ang mga to sa fiber na tumutulong para di magtipon ang mga taba sa katawan.

Labanan ang Simbuyo

Sa gitna ng bawat kainan, makakaramdam ka ng gutom. Ang ibang diyeta ay nagsasabing hindi mo ito pansinin, pero sasabihin ko sa’yo ‘Sige kumain ka’. Kung mababa o walang kaloriya ang iyong kakainin ano ang dapat mong iwasan? Ang dalawang bagay na puwede mong kainin ay fibef at tubig.

Ang gutom kung minsa’y hindi talaga gutom, kundi pagkauhaw. Kaya uminom ng isang basong tubig at maghintay sandali. Kung gutom ka parin, kumain ng hilaw na gulay o ensalada. Mayaman ito sa fiber at tubig na bubusog sa iyo hanggang sa sumapit ang tamang oras ng gpagkain. Inererekomenda ang mansanas at kintsay.

Ang tentasyon ay darating at mawawala. Kung nabigo ka labanan ang nauna, may mga paraan na magagawa mo para maghanda sa susunod na tukso ng tsokolateng keyk. Kumain ng ensalada o ilang prutas at uminom ng 2 basong tubig. Sa ganun, pinupuno nito ang iyong tiyan at para wala ng mapaglagyan pa para sa junkfood. Mas busog mas kaunting junk food ang makakain.

Magbasa sa susunod na kabanata…