Search

Bakit Hindi Dapat Madaliin ang Pagbabawas ng Timbang?

Bakit Hindi Dapat Madaliin ang Pagbabawas ng Timbang?

Maraming matatabang tao ang naghahanap ng mga mapaghimalang pamamaraan sa isang mabilis na pagpapapayat. Ito ay ganap na nauunawaan dahil nais mong pumayat NGAYON na, at hindi sa mga susunod pang mga buwan. Subalit, may mga kaso ng hindi pagsang-ayon pag-sasagawa ng mabilis na pwersahang pagpapapayat. Habang nagiging daan ito sa iyo upang maabot ang iyong mga layunin sa  loob ng maikling-panahon lang, sa katagalan ng pagsasagawa nito ay maaari ng makapinsala para sayo. Dahil nga sa hindi malusog ang pangangatawan mo, ang mga nawala sa’yong timbang ay maaring bumalik o sa kasamaang palad ay higit pang madagdagan.

Paano mong sisimulan ang paggawa ng isang makabuluhang bagay sa pagbabawas ng timbang na hindi makasasama sa iyong kalusugan?

Una sa lahat, magandang ideyang makipag-usap muna sa iyong doktor tungkol sa iyong mga layunin. Maaari n’yang irekomenda ang makakabuti para sa iyo.

Sunod, simulang subaybayan kung ano ang iyong mga kinakain. Sa pamamagitan nito makikita mo ang iyong pagbabago sa araw-araw, hindi lamang sa timbang gayundin sa saloobin mo patungo sa pagkain. Marahil maari kang makakuha ng ideya sa pamamagitan nito sa kung ano ang ginagawa mo sa pangaraw-araw, mas malinaw kung ito ay iyong ililista.

Maraming mga tao ay nagulat sa kung ano ang mga kinain nila sa pagtatapos ng araw. Matamis na miryenda dito at maalat na miryenda d’yan ay maaari talagang maidagdag sa loob ng 12 oras. Ilista itong lahat, malaki man o maliit na detalye. Dapat maging tapat tungkol dito. Sa pagsusulat ng ganitong uri ng impormasyon ay nakakatulong masubaybayan kung gaano karaming mga calories at carbohydrates nauubos mo sa loob isang araw. Ito ay isang mahusay na paraan upang masubaybayan ang iyong sarili kasama ang iyong mga layunin. Pinapanatili nito sa tamang daan at nagbibigay it lakas ng loob sa kung ano ang iyong ay ginagawa.

Habang ikaw ay sa nagsusulat, tiyakin na magtala ng hiwalay na listahan ng lahat ng mga pagkaing kailangan mong iwasan. Siyempre, ang mga halimbawa ng mga potato chips, cookies, matabang pagkain, atbp gumawa ng personal na listahan upang isama ang mga bagay na hindi dapat sayo na may posibilidad na hindi mo maiwasang kainin.

Marahil ay alam mo na ito, ngunit ang isa sa mabilis at  pinakamadaling paraan sa pagbabawas ng timbang (ngunit hindi masyadong kabilisan) ay kumain ng maraming prutas at gulay na mayaman sa sustansiya,mineral at bitamina. Lahat ng mga prutas at gulay ay maganda sa kalusugan  pero ang may matitingkad na kulay ay mas mainam. Ang matitinkad ay may mga katangian pra sa pagtatanggal ng lason sa katawan o Pagde-detox.

Isa pang magandang paraan upang sundin ay kumain ng kaunting pagkain ng anim na beses sa isang araw sa halip ng tatlong mabibigat na pagkain. O maaari hatiin ito sa tatlong katamtamang laki ng pagkain at dalawa o tatlong masustansyang meryenda (tulad ng keso, mani o prutas). Kunin ang tamang dami ng protina, pagkaing mayaman sa fiber  at carbohydrates sa iyong pang-araw-araw na plano.
Kapag mayroon ka nang layunin, simulan ang pagtatala ng lahat agad bago ka kumain ng mga masusustansyang pagkain / meryenda at gawin ang iyong magaan na ehersisyo (huwag labis). Ito ay isang paraan upang maramdamang nawawalan ka ng timbang ng mabilis nang hindi ginagawa sa hindi maganda at mabilis na pamamaraan.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Bakit Hindi Dapat Madaliin ang Pagbabawas ng Timbang?
Rate this post