Search

Pag-eehersisyo

Ang pag-eehersisyo at pagdidiyeta ay dalawang bagay na magkaugnay. Kung magdidiyeta ka lang at walang ehersisyo, di mo makikita ang mga resulta kasi di ka nagbabawas ng kaloriya sa ‘yong diyeta. Liban dun, kung napangasiwaang mong magbawas ng timbang ng walang ehersisyo, payat at marupok kang tingnan sa pagkatunaw ng taba sa katawan. Kaya mabuting mag-ehersisyo para mapanatiling malusog ang katawan habang nagdidiyeta.

May iba pang rason na mag-ehersisyo. Isang surbey na nagpapakita na 7 sa 10 adulto ay di nag-eehersisyo ng regular at 4 sa 10 ay walang ginagawa. Kung di ka mag-ehersisyo, maaaring magkaroon ng stroke, diabetes at sakit sa puso. Ito’y nagdudulot ng pagkamatay sa 300,000 ka tao. Bago magsimulang mag-ehersisyo, kumunsulta muna sa doktor, upang malaman ang kasalukuyang kondisyon ng katawan at malaman kung may mapipinsala ba pag sumailalim sa nakakapagod na ehersisyo.

Para sa panimula, magdahan-dahan sa pag-ehersisyo. Simulan ito muna sa 10 minuto, sunod sa 20 minutos, sa 30 minutos at taasan sa mga susunod pa na mga buwan. Makakatulong ito upang maiwasan ang mga kapinsalaan sa katawan at maibsan ang anumang pananakit pagkatapos ng work out. Kelangan mo ng 30 minutos o higit pasa bawat araw para sa karaniwang cardiovascular na ehersisyo. Hindi mo kelangan gawin lahat ang paulit-ulit na aktibidades sa loob ng 30 minutos. 2 beses sa loob ng 1 linggo mag-ehersisyo para sa kalamnan. Maaring isali mo ang ganitong pisikal na ehersisyo sa pang araw-araw na gawain. Tulad halimbawa, paggamit sa hagdanan imbes sa elevator, maglakad para kumain ng pananghalian o magpark ng malayo sa pinagtatrabahuan. Kung pakiramdam mong ito’y mabigat na gawain, subukang gawing aktibo ang mga oras na bakante. Sa halip umupo lang sa bahay, yayain ang pamilya na lumabas at magbisekleta, sumama magrock-climbing, o pumasyal sa parke tuwing gabi. Pumili din ng ehersisyo na ikalulugod mo, magbibigay-kasiyahan at magpaparamdam sa’yo na may natupad ka. Gawing madali ang pag-ehersisyo sa pagpili ng mga gawaing mas makayang maabot para di mo maramdaman ang pagkabagot sa tuwing gagawin mo ito. Panghuli, pumili ng ehersisiyo na babagay sa iyong katawan at kasalukuyang edad.

Magbasa sa susunod na kabanata…