Search

Paano Gumagana

Simple lang ang pagbabawas ng timbang; magbawas ng mas maraming kaloriya kaysa sa makakain mo. Kelangan nating kumain. Ang pagkain ay pinoproseso ng ating katawan, tinutunaw para itago ang kung ano ang kailangan at ibasura ang hindi. Sa ating pagtrabaho gumagamit tayo ng kaloriya at sustansyang galing sa ating kinakain. Pero may sapat na dami lang ang kelangan. Ang mga kaloriyang di nagagamit ay naiipon lang bilang mga taba. Kahit sobrang dami na ng taba sa katawan, yung mga sobra-sobrang kaloriya ay nagiging taba parin dahil di matukoy ng ating sistema kung dapat na bang tumigil sa pagtipon ng kaloriya. Karamihan naman sa atin ay kumakain ng sobra kesa sa kelangan lang ng ating katawan, kaya naiipon ang mga ekstrang kaloriya na naging mataba na tayo. Kaya ang isang plano sa pagdidiyeta ay dapat makatulong sa pagbabawas ng mga ekstrang kaloriya.

Ang pagdidiyeta ay isang plano ng mga kinakain na kung saan ay makokontrol ang bilang ng kaloriya na pumapasok sa katawan. Hindi lang sa pagkain ng kaunti ang tanging paraan sa pagdidiyeta. Dahil ang layunin ay pagbabawas ng ekstrang kaloriya, kaya makakakain ka parin tulad ng dati pero dapat ang iyong mga kinakain ay mababa sa kaloriya. Ang prutas at gulay ay mas mababa ang kaloriya kumpara sa magkasindami na karne. Kung ika’y nagdidiyeta, mas kaunti ang iyong kinakain kesa sa karaniwan. Kaya makakaramdam kang mas gutom sa buong araw at parang hindi sapat ang lahat pagkatapos kumain. Ito’y hindi maiiwasan dahil binabawasan mo ang kaloriyang pumapasok. Huwag magkamaling lumiban sa pagkain o sadyang gutumin ang sarili. Lalo itong makakasira sa kondisyon. Saklaw ng pagdidiyeta ang mga tulong upang pigilan ang ganitong klase ng pagkagutom, maaring ito’y pisikal o sikolohikal. Ang isang diyeta ay laging inihahanda ka sa sikolohikal bago simulan ang plano para masiguradong masunod mo ito hanggang sa huli at makamit ang minimithi.

Meron ding mga alternatibong pagmemeryenda ang isinasali sa isang kurso ng pagdidiyeta. Huwag isiping laging tubig at gulay lang ang maging sustento mo sa buong araw. Itinataguyod ng pagdidiyeta ang pagkain ng balanse. Kaloriya lang ang binabawasan at huwag ipagsawalang-bahala ang ibang sustansya. Kung iniiwasan ang isang uri ng pagkain, pati ang sustansyang makukuha dito ay iniiwasan mo din. Kaya dapat may alternatibo ka dito para palitan ang sustansyang nawala. Kadalasan iniiwasan lang ang pagkain hindi ipinagbabawal. Kaya puwede ka pa ring makakain nito ngunit sa maliit sa bahagi lang.

Ang isang magandang pagdidiyeta ay nakakatulong sa yong natural na metabolismo. Bawat tao ay may kanya-kanyang tulin ng metabolismo. Ang isang tao na mabilis ang metabolismo ay mas makakagamit ng maraming kaloriya. Ang tamang plano sa pagdidiyeta ay makatutulong sa isang tao na mabagal ang metabolismo upang magamit lahat ang kaloriyang pumapasok sa katawan nito. Tulad ng pagkain ng wasto sa agahan para simulan ang metabolismo, sa pananghalian para patuloy na may lakas sa buong araw, at kaunti sa hapunan dahil wala na msayadong gawain sa gabi. Masisigurado ng ganitong plano na sapat lang ang kaloriya sa buong maghapon mo.

Magbasa sa susunod na kabanata…