Search

Mga Pagkaing Dapat Kainin

Para sa’yong diyeta, dapat mong malaman anu-ano ang mga pagkaing dapat iwasan. Ngayon, kailangan mo alamin kung ano ang dapat kainin. Sa isang pagdidiyeta, kinakailangan mo ang balanseng pagkain sa buong araw. Kaya sa pagseryoso ng mga pinagbabawal na kainin,kadalasan nito’y galing sa prutas at gulay. Kung tingnan ang food pyramid, ipinapakita nito ang mga pagkaing kinakailangan ng katawan at ang mga di-gaanong kailangan. Ang karboidrato ay pinakamahalaga para magpalakas ng enerhiya at sinusundan ito ng prutas at gulay, tapos ang karne kasama ng mga uri ng mani,panghuli ang asin at mantika atbp. 2000 kaloriyas lang ang kailangan ng karaniwang pangangatawan at dapat di lumagpas dito sa loob ng isang buong araw. Maaring kaunting karboidrato lang ang kainin at pupunuan ito sa pagkain ng maraming prutas at gulay. Kung maiiwasan mo ang karne, pakisuyong gawin ito.

Ang prutas at gulay ay di gaanong tatagal ang busog nito. Kaya kung magmemeryenda, piliin ang mga mababa sa kaloriya, tamis at alat. Isa pang bagay na dapat konsiderahin ay ang glycemic index ng bawat pagkain. Malalaman ang glycemic index sa pamamagitan ng kung gaano kabilis pumasok ng glucose sa daluyan ng dugo bilang glucose. Mas mababang index, mas mabagal ang proporsyon ng pagsipsip. Mas mabagal na pagsipsip, mas kakaunting glucose ang pumapasok sa katawan. Liban sa pagbabawas ng timbang, makakatulong din ito sa pagkontrol ng lebel ng blood sugar sa katawan. Karaniwang mababa na sa glycemic index ang mga prutas at gulay, samantalang ang tinapay, mga butil, arina, at pasta ay mataas ang glycemic index.

Negatibong kaloriya isang paraan din upang makakatiyak lung anong pagkain ang dapat sa’yo. Ang negatibong kaloriya ay nangangahulugang dapat tunawin ang kasingdami o higit pa na kaloriya para matunaw ang kinain. Isang halimbawa nito ay kung ika’y papipiliin sa 150 kaloriyas hard cookie o sa 100 kaloriyas na soft cake. Karaniwang piliin natin ung soft cake dahil ito’y mababa sa calorie index. Subalit, ang tama ay piliin ang hard cookie. Ang soft cake at madaling tunawin at agad-agad sisipsipin ito n gating katawan. Habang ang hard cookie ay kinakailangan ang maraming kaloriyas para sa pagtutunaw, mga 80 kaloriyas ang magagamit sa pagtunaw, nangangahulugang 70 kaloriyas nalang ang masisipsip ng ating katawan.

Magbasa sa susunod na kabanata…