Search

Mga Pag-uugali sa Pagkain

Ang pinakapundamental sa pagbabawas ng timbang ay ang pagbabawas ng maraming kaloriya kaysa sa nakain. Natutulungan ka ng pagdidiyeta na makamit ang layuning ito sa pamamagitan ng pagtakda sa pwede mo lang kainin. Mas kakaunting pagkain, mas maliit na bilang ng kaloriya ang naiipon at maraming nababawas sa bawat araw. Parang madali lang pakinggan, ngunit marami ka pang dapat malaman. Ang isang pirmihan na pag-uugali sa pagkain ay una mong kelangan para magtagumpay. Likas nang tayo ay 3 beses kumain sa isang araw, agahan, tanghalian at hapunan. Ang meryenda ay opsyonal depende sa bawat tao. Sa ‘yong pagdidiyeta, sanayin mong kumain sa takdang oras ng pagkain kada araw. Ito’y para malaman ng ‘yong katawan kung kelan nya simulang tunawin ang pagkain at para ihanda ang metabolismo. Pagplanuhan mong hatiin sa 2 ang bawat pagkain, kaya ito’y Agahan-Meryenda-Tanghalian-Meryenda-Hapunan. Kumain lang ng kaunti sa bawat pagkain at kumain ng malulusog na pagkain sa meryenda. Nagagawa nitong tunawin nang lubos ng ‘yong katawan ang mga kaloriyang nakain at ipunin lang ang kasya sa buong araw. Sa pagkain ng paunti-unti subalit madalas, hindi ka mangangamba na mapsobra. Sa tuwing kakain, gawin ito na may kasama. Makakatulong ito na maging maingat at magiging modelo ka pa sa mga bata. Kung ika’y nakaharap sa computer o TV set habang kumakain, mauuwi ito sa pagkain ng sobra-sobra.

Tuwing kakain, ang unang bahagi ng panunaw ay nag-uumpisa sa pagnguya mo. hinahati ng pagnguya ang pagkain sa maliliit na piraso bago ito ipasa sa tiyan para tunawin na. kaya kung di nginunguyang mabuti ang yong mga kinakain bago lunukin, mas malalaking piraso mapupunta sa tiyan at hindi matunaw nang maayos. Magdudulot ito na mas maraming taba ang mabubuo sa katawan. Idagdag pa ang hindi pagkilala agad ng isipan kung ikaw bay busog na o hindi pa. Kaya kung dahan-dahang nginunguya mo, hinahayaan mo na iproseso ng utak ang impormasyon kung dapat na bang huminto sa pagkain o hindi.

Pagkatapos kumain, huwag agad matulog. Kung ginagawa mo ito, tinuturuan mo ang iyong katawan na mamahinga na habang meron pang lamang pagkain sa loob. Ang parsyal na pagtunaw ng pagkain ay magdudulot na maraming taba sa katawan. Subukang maglakad-lakad pagkatapos kumain. Mapapanatili nito ang sirkulasyon ang dugo para maipamahagi ang enerhiya sa ibat ibang parte ng katawan. Nangangahulugan ito na hindi ka na kakain sa loob ng 3-4 na oras bago matulog. Ito’y upang hayaan na tunawing mabuti ang ‘yong hapunan bago matulog.

Magbasa sa susunod na kabanata…