Search

Mga Larong Nagpapapayat-Mga ehersisyo sa loob ng bahay

Mga Larong Nagpapapayat-Mga ehersisyo sa loob ng bahay

Mahirap magpapayat ang daming dapat gawin, mahirap mgbawas ng pagkain lalong-lalo na ang pag pigil sa sarili sa pagkain ng mga paboritong pangkain at mas lalong mahirap ang mag ehersisyo kung wala kang kasama. Maraming uri ng pag eehersisyo, nandiyan ang pag punta sa gym, pag sali ng mga community exercise, pagyoyoga, at dance aerobic- ngunit lahat ng ito ay nangangailangan ng pera at panahon kaya mahirap gawin kung mashadong hektek ang scedule.

Isang araw, habang namamasyal sa isang mall nakakita ako ng mga kabataang sumasayaw sa harap ng isang malaking screen, di ko akalain doon pala ay mayroong isang dance console na siyang dumidikta kung ano ang dapat sayawin. Ngayon, sa tulong na teknolohiya maari na tayong magpapayat habang nag eenjoy sa loob ng bahay ang kailangan mo na lang ay ang tiyaga na sumayaw o kaya ay gumalaw habang idinidikta ng dance console ang dapat mong gawin.

Matagal-tagal din bago ako nakabili ng dance console, medyo mahal ito ngunit sa pag gamit ko-nag eenjoy kami ng buong pamilya ko, masasabing sulit ang binayad ko para sa console na ito. Ang nakalamang sa ehesisyong ito ay maari mo itong gawin sa mga panahong wala kang trabaho, pwede itong gawin kasama ang pamilya mo, hindi mo na kailangan pang lumabas ng bahay at ang nakaganda pa sa ehersiyong ito ay maaring itong gamitin upang maging mas malapit kayo ng pamilya mo.

Ang pag-eehersisyo upang pumayat ay hindi kinakailangang maging mahirap, maari mo itong gawin sa mga panahong libre ka kasama ang iyong pamilya.

Please share this page with your friends!

katulad na mga artikulo