Search

Mga Dahilan ng Katabaan

Mga Dahilan ng Katabaan
loading...

Marami ang nagtataka kung bakit kahit gaano ka kunti ang kainin nila ay hindi parin sila pumapayat marami din naman mga payat na malakas kumain ngunit hindi tumataba. Hindi lahat ng matataba ay tamad at hindi lahat ng tamad ay tumataba. Upang higit na maintindihan ang mga ito alamin natin ang mga dahilan ng katabaan.

Maraming tao ang tumataba dahil sa sobrang kinakain habang kukunti lamang ang ginagawa kaya ang sobrang kaloriya ay nagiging taba. Ang ganitong uri ng katabaan ay dahil sa simpleng kadahilanan lamang, sobrang kaloriya para sa kinakailangan bawasan ang pagkain ng ito ay maiwasan. Liban dito ay maroon pang maraming kadahilanan kung bakit tumataba tayo ito ay marahil sa emosyon, genes at dahil sa problema sa thyroid.

May mga taong sobra kung kumain kapag may problemang emosyonal, ginagawa nila itong takbuhan kapag walang makausap o kaya naman kapag wala silang magawa sa buhay. Meron din namang malakas kumain kung masaya tulad ng sa isang salo-salo kung saan lahat ng tao ay kumakain ng sobra sa kinakailangan nila dahil sa sobra saya at hindi pagpasin sa kinakain nila.

Kung ang katabaan ay nasa inyong dugo o nasa genes ng buong angkan mahirap itong iwasan. Kahit anong uri man ng pagdyedyeta ang gawin ay hindi basta-bastang papayat ang isang tao nasa lahi ang katabaan. Meron din namang pumapayat sa pamamagitan ng pagdyedyeta at pag-eehersisyo ngunit kinakailangan ng dobleng pagsisikap upang ito ay makamtan. Ang problem sa uri ng pagtabang ito ay hindi pumayat ng sagad ang tao kaya kailangan nilang tangapin na may hanganan ang pagbabawas nila ng timbang. Ang importante ay manatili silang malusog at masaya sa ano mang timbang meron sila at araw-araw na nag-eehersisyo ng ang taba sa katawan ay maging laman.

Ang huli ngunit hindi madalas na dahilan ng pagkataba ay ang problema sa thyroid ang tinatawag na hypothyroidism o pagbaba ng metabolismo ng katawan dahil sa sakit sa thyroid gland. Ang uri ng pagtaba dahil dito ay nangangailangan ng tulong ng espesyalista ng maiwasan ang paglala nito. Ang biglaang pagtaba sa kabila ng kunting kinakain ay marahil sa hypothyroidism kaya dapat agad itong ikonsulta sa doktor.

Kahit ano paman ang dahilan ng pagtaba kinakailangang kumunsulta muna sa doktor at huwag magpapaniwala sa sinasabi ng mga kaibigan at ng kung sino-sino man dahil ang pagtaba ay hindi isang simpleng problema at hindi rin simple ang kaibat nitong sakit. Kung ang katabaan ay dahil sa hindi mapigil na pagkain kailangang lumapit sa isang psychologist upang malaman kung ano ang problema, kung ito naman ay dahil sa genes may mga bagong gamot upang makatulong na mabawasan ang timbang at kung ito naman ay dahil sa pagbaba ng metabolismo may mga gamot na makakatulong upang ibalik ito sa normal. Merong mga paraan upang pumayat ang mga matataba lalong-lalo na ang mga nanganganib sa mga sakit kinakailangan lamang ng sipag at tyaga sa pagsunod sa ano mang uri ng dyeta na ibibigay ng mga espesyalista.

loading...