Search

Mga Asal Kahit sa Pagdidiyeta

Ugaliin ang tamang asal kahit ika’y nagdidiyeta. Umupo sa hapagkainan kasama ng lahat at gumamit ng mga kubyertos. Makakatulong ito na limitehan ang pagkaing isinusubo. Para din manguya mong mabuti ang pagkain bago lunukin na tutulong sa pre-digestion. Kung magkakamay ka sa pagkain, malaki ang tsansa na sumubo ng marami kesa sa karaniwan at hindi manguya ang pagkain ng mabuti. Tumigil sa pagkain kung ikaw ay busog na at hindi kung puno na. Ang busog na tinutukoy dig to ay yung alam mong tama na at nararamdaman mo na. Ang tinutukoy na puno ay yung binusog mo na ang tiyan at hindi na makaya pang sumubo. Kung hindi mo mapigilang kumain kapag naiisip mong tama na, uminom ng maraming tubig. Pupunuin nito ang mga bakante at madarama mong sobrang puno na.

Kung nauuhaw sa gitna ng kainan o anumang oras sa isang araw, may dalawang bagay akong sasabihin sa’yo. Una ay ang broth-based na sopas ay mainam para inumin mo dahil mababa sila sa kaloriya, tanggalin ang uhaw mo at punan ang tiyan. Huwag uminom ng mga may karboidratong inumin tulad ng soda. Sa halip ay natural na inumin ang kunin tulad ng lemon tea o simpleng tubig. Ang kaunting caffeine ay nakakatulong lakasan ang metabolism at magsunog ng mas maraming kaloriya subalit sobra itong nagdudulot ng komplikasyon sa kalusugan.

Ikalat ang panahon ng pagkain sa isang araw. Kung paunti-unti ang pagkain ng 150-200 kaloriyas kada 4-6 na oras ang iyong katawan ay palaging sinusunog ang mga kaloriyang ito, sa gayon ay laging malakas ang metabolism. Sa ganitong paraan, nagbabawas ka ng maraming kaloriya sa loob ng isang araw kumpara sa kung ikaw ay kakain ng tatlong beses na pangmaramihan. Mas maging kapani-paniwala kung ang iyong diyeta ay mayaman sa fiber.

Magbasa sa susunod na kabanata…