Search

Mga Tip sa Pagbabawas ng Timbang

Mga Tip sa Pagbabawas ng Timbang

Ang katabaan ay hinati base sa BMI nito, ang may BMI na 25-30 ay tinatawag na overweight habang ang taong may BMI na 30 pataas ay tinatawag na obis. Ang taong overweight ay kayang papayatin sa pamamagitan ng mga natural na paraan habang ang taong obese ay nangangailangan ng gumamit ng pills o kaya ay sumailalim sa operasyon sa tulong ng mga doktor. Ang mga sumusunod ay mga aral sa pagbabawas ng timbang.

  • Upang mabawasan ang timbang, kailangan magbawas ng 500 kaloriya pataas o katumbas ng 2 ½ cup ng kanin araw-araw. Ang kalahating cup ng kanin ay katumbas ng 2 slice ng loaf bread.
  • Ang hindi pagkain sa loob ng isang araw ay hindi nakakatulong sa pagpapayat. Kapag hindi ka kumain walang  glucose na makakain ang iyong utak at ang magiging resulta nito ay ang palaging mainitin ang ulo at hindi ka makakapagtrabaho ng maayos.
  • Kung iisipin, ang 500 kaloriya kada araw sa loob isang linggo ay aabot ng 3,500 kaloriya na katumbas ng kalahating kilong taba. Sa loob ng isang linggo aasahan na makakabawas ka ng kalahating kilo sa iyong timbang.
  • Ang paggamit ng tsaang pampapayat na nagpapabawas ay hindi gumagamit ng kaloriya, pinapalabas lamang nito ang tubig sa loob ng iyong katawan kaya biglaan kang papayat, sa madaling salita deni-dehydrate nito ang iyong katawan kaya kung ikaw ay titigil sa pag-inum ay agad ka ring tataba.
  • Ang tagubilin ng mga expert ay magbawas lamang ng kalahati hangang isang kilo bawat linggo upang hindi mabigla ang iyong katawan sa pagbabawas sa dami ng kaloriyang nakasanayan nito.
  • Huwag araw-arawin ang pagtingin sa iyong timbang upang maiwasan ang pagkadismaya na siyang magiging dahilan ng pagsuko sa pagbabawas. Gawin ito isang beses sa isang linggo lamang.
  • Ang pinaka-epektibong paraan ng pagpapapayat ay ang kumbinasyon ng pagdidiyeta, ehersisyo at pagbago sa mga kinagawian.
  • Ang sobrang kaloriya kahit na nagmula sa carbohydrates, protina o fats ay makakadagdag sa timbang kaya hindi epektibong pampapapayat ang pagkain ng maraming karne kapalit ng kanin.
  • Ang pagkaing may taba ay mataas sa kaloriya kaya dapat bawasan. Ang itlog, mayonnaise, gatas, keso, creamer, butter, margarine at mantika ay ilan lamang sa mga pagkaing matataba.
  • Ang preskong prutas at gulay ay makakatulong sa pagbabawas ng timbang dahil sa fiber nito. Ang prutas at gulay ay mayaman sa sustansya ngunit kakaunti sa kaloriya at ang fiber nito ay mabigat sa tiyan, madali kang mabubusog ngunit hindi ka kaagad magugutom.
  • Huwag magpagutom, kontrolin lamang ang dami ng pagkain, ang pagdidiyeta ay hindi nangangahulugang hindi ka na kakain.
  • Pag-aralan ang food pyramid. Ang mga pagkaing nasa tuktok na may kakaunting lugar ay nangangahulugan na kakaunti lang ang dapat kainin habang ang pagkaing nasa ibaba naman na may malaking lugar ay nangangahulugang dapat kumain ng marami.
  • Ang paggalaw-galaw, kahit na ang paghuhugas ng pinggan, pagluluto, at paglilinis ay gumagamit ng kaloriya kaya makakatulong ito sa pagbabawas ng timbang.
  • Mag-exercise 30 minuto araw-araw ng maging aktibo ang iyong metabolism, ang metabolism – paghinga, pag-ikot ng dugo, pagtibok ng puso etc. ay ang pangunahing gumagamit ng kaloriya sa loob ng katawan. Ang pagiging aktibo nito ay lubos na makakatulong sa pagbabawas ng timbang.
  • Ang pag-inum ng tubig, pagkain ng chewing gum o kaya ay ang pagkain ng prutas at gulay ay makakatulong upang mapabilis ang iyong pagkabusog.
  • Tumatagal ng 20 minuto ang ganang kumain, ang pagnguya ng matagal ng pagkain at pag inum ng tubig pagkatapos sumubo ay makakatulong sa pagbabawas ng timbang. Ang pagnguya at pag-inum ay tumutulong upang mabawasan ang pag kain habang meron ka pang gana.
  • Kadalasan, ang mga pagkaing fast food ay matataas sa kaloriya at asin, kaya kung kakain sa labas ng bahay pumili ng pagkaing nakakasiguro kang masustansya at mababa sa kaloriya.
  • Ang paggamit ng food diary ay lubos na makakatulong sa pagbabawas ng timbang. Sa pamamagitan nito malalaman mo kung kalian ka malakas kumain at makikita mo kung sobra-sobra na ang iyong nakakain.
  • I-grap ang timbang ng makita kung ito ba ay tumataas, bumababa o walang pagbabago ng malaman mo kung kinakailangan mo bang maglagay ng extra effort.
  • Ang tubig ay walang kaloriya kaya uminom ka hangga’t gusto mo. Mababawasan na ang timbang mo at malilinis pa ang katawan mo.

Ang mga nabanggit ay ang mga pinaka-importanteng aral tungkol sa pagbabawas ng timbang. Ang pagsunod nito ay hindi kasing dali ng pagsabi nito kaya sundin ito ng paunti-unti, mag effort ngunit huwag biglain ang sarili. Pakatandaan, hindi mo makukuha ang isang bagay kung wala kang determinasyon, kaya tulungan ang sarili, maging determinado at humingi ng suporta mula sa pamilya mo.

Please share this page with your friends!

katulad na mga artikulo