Search

Kumain ng Prutas at Gulay Upang Pumayat!

Kumain ng Prutas at Gulay Upang Pumayat!
loading...

Ang prutas at gulay ay mayaman sa bitamina at mga mineral na kinakailangan ng ating katawan kaya minumongkahi ito ng mga eksperto para sa kalusogan. Meron rin itong fiber na siyang tumotulong upang maging malinis ang bituka-ito ay nakakatulong upang maiwasan ang sakit sa bitoka tulad ng cancer, at tumotulong din ito upang mabawasan ang sobrang taba at cholesterol sa pagkain. Maliban diyan, ang fiber din na makikita sa prutas at gulay ay nakakatulong upang makapagbawas ng timbang dahil sa bigat nitong dala at kukunting kaloriya.

Paano makakapag bawas ng timbang gamit ang prutas at gulay?

Ayun sa mga pag-aaral ng mga eksperto at ng pag-iimbestiga ng mataba-ako.com, ang pagkain ng prutas at gulay bago kumain ng kanin ay makakatulong upang mabawasan ang kaloriyang kinakain sa bawat kainan. Ito ay dahil ang prutas at gulay ay mayaman sa tubig na mabigat sa tiyan at fiber na hindi agad-agad natutunaw kung kayat agad na makakaramdam ng pagkabusog ngunit matagal-tagal na pagkaramdam ng pagkagutom. Kadalasan, ang 50% o higit pa na bigat ng prutas at gulay ay dulot ng tubig na nasa loob nito kung kayat mabigat ito sa tiyan ito rin ang dahilan kung bakit kukunti lamang ang kaloriya nitong dala habang ang fiber na siyang nagpapatagal ng pagkaramdam ng gutom ay halos walang kaloriya. Ang pagkain ng prutas at gulay, kahit ano mang uri, bago kumain ay makakatulong upang mabawasan ang kaloriyang madalas na kinakain kaya masasabing ito ay lubosang makakatulong upang makapag bawas ng timbang.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Kumain ng Prutas at Gulay Upang Pumayat!
Rate this post

loading...