Search

Kulang sa tulog? Baka tumaba ka niyan!

Kulang sa tulog? Baka tumaba ka niyan!

Alam moo ba na ang kakulangan sa tulog ay maaring maging dahilan kaya ka tumataba? Ang kakulangan sa tulog ay nagsasanhi ng pagkataba sa dalawang paraan ito ay dahil sa pagbaba ng metabolismo at pagkain ng hindi tama sa oras.

Pagbaba ng metabolismo

Ang kakulangan sa tulog ay sinasabing nagpapababa ng metabolismo ng katawan, kung bumababa ang metabolismo ng isang tao ibig sabihin kukunti nalang ang kinakailangang Kaloriya ng kanyang katawan habang nanatili naman ang dami ng pagkaing kanyang kinakain-ganun parin kalaki ang tiyan.

Pagkain ng hindi tama sa oras

Ang kakulangan sa tulog ang siyang isa sa mga dahilan kaya hindi nakakakain ng almusal -huli na kung gumisng kaya hindi na kakain dahil malalate na sa trabaho o eskwela. Ang hindi pagkain ng almusal naman ang siyang dahilan kung bakit kumakain ng marami pagdating ng tanghalian o kaya ang madalas na pagkain ng pakunti-kunti na kung tawagin ay merienda.

Ayun sa WebMD, ang taong kulang sa tulog ay kumain ng pakunti-kunti upang malabanan ang antok. Ang pinakamagandang halimbawa nito ay ang pag inum ng kape upang hindi antukin ng hindi namamalayan na madami na pala ang kaloriyang nakakain dahil sa kape, samahan pa ito ng tinapay o kahit anong pakain na siyang sinasabay sa kape.

Ayun naman sa mga pag-aaral, ang kakulangan sa tulog ay siyang dahilan kung bakit hindi nakakapasok sa mga cells ang insulin at ang glucose. Kung ang glucose ay hindi nakapasok sa katawan, makakaramdam ka ng pagkapagud at pagkagutom kung kaya kakain nanaman upang ito ay maibsan, ang resulta tataba ka ng hindi mo namamalayan.

Ang kakulangan sa tulog ay maaring maging dahilan ng pagkataba dahil sa masamang epekto nito sa katawan na siyang namang nilalabanan sa pamamagitang ng pagkain, kung kaya, kung ayaw mong madagdagan ang iyong timbang matulog ng tama sa oras at tama ang bilang, iwasan ang madalas na pagkain ng merienda kapag inaantok at mag ehersisyo ng maagang makatulog.

Please share this page with your friends!

katulad na mga artikulo