Search

Mga inumin na nagmula sa katas ng prutas para sa pagpapababa ng timbang

Mga inumin na nagmula sa katas ng prutas para sa pagpapababa ng timbang

Alam naman nating lahat na ang prutas at gulay ay mainam na pagkain para sa mga taong dumaraan sa mga programang nakakapagpapababa ng timbang o nakakapagpapapayat. Nadadagdagan ang taba natin sa patuloy na pagkain ng mga matatamis at mabibigat na pagkain. Sa kabilang banda naman, ang prutas at gulay ay nakakatulong sa pagtunaw ng pagkain at mapataas ang metabolismo ng ating katawan. Ang pag-inom ng tubig kasama ng masustansyang pagkain ang susi sa malusog at magandang pangangatawan. Napakaraming mga doktor ang nagrekomenda na uminom ng 8 basong tubig kada araw at katas ng prutas naman ang mariin na ipinapayo ng mga dietitians.

Kilala ang katas ng prutas sa pagpapabilis ng pagpapababa ng timbang at makaiiwas sa anumang uri ng sakit.

Sa ngayon, marami na ang mga tao na umiinom ng mga inuming nagmula sa katas ng prutas para magpababa ng timbang. Nasa daan-daan na rin ang mga recipe na gawa sa fruit juice ang maaaring subukan ng lahat. Maaari ka rin na mageksperimento sa paggawa ng sarili mong recipe sa pag-gawa ng inuming nagmula sa katas ng prutas o gumamit ng ibang recipes na subok na.

Ang maipapayo ko lang ay gumawa ka na lamang ng sarili mong recipe sa pag-gawa ng inuming nagmula sa katas ng prutas. Sa pamamagitan nito, masisiyahan ka sa isang inumin sa pagpapapayat na naaayon sa iyong panlasa. Ang importanteng bagay na dapat tandaan ay iwasan ang palalagay ng asukal o mga kremang nakakapagpataba sa inyong inumin. Pumili ng matatamis na prutas na makakapagpawi ng inyong uhaw at para makuha ang ninanais mong lasa.

Kung naninibago ka pa, ito ang iba pang mahuhusay na mga recipes sa pag-gawa ng inuming nagmula sa katas ng prutas para sa pagpapababa ng timbang na napatunayang epektibo at masarap. Maaari mong simulan dito at pagekspermentuhan sa sarili n’yong recipes:

Gumawa ng apple-watermelon smoothie sa pamamagitan ng pagputol ng isang buong pula o berdeng mansanas na kasing laki ng hinlalaki-laki kada putol. Ilagay ang mga mansanas sa juicer o blender. Maghiwa ng anim na piraso ng pakwan na may sukat na dalawang pulgada at idagdag sa juicer. Maghalo ng kalahating basong durog na yelo at pigaan ng kaunting lemon para makadagdag sa lasa.Paghaluin hanggang sa ito ay lumapot. Ito ay isang masustansya at epektibong inuming gawa sa katas ng prutas na madaling gawin.

Ang isa pang pinaka-popular na mga recipe para sa pagpapababa ng timbang ay ang katas ng kamatis (Tomato juice). Maaari mong sundin ang mga paghahanda sa itaas at palitan ang mansanas at pakwan ng 3 pirasong mga hinog na kamatis na may katamtamang laki. Piliin ang matamis na kamatis (plump sweet tomatoes) sa paghahanda ng iyong Tomato juice. Sa halip na magpiga ng isang lemon, magpatak ng isang kutsaritang pulot (honey) sa blender.Ang kamatis ay mayaman sa bitamina A at citric acids na na nakakapag painam ng metabolismo ng katawan. Ang katas ng kamatis ay mabisang ihanda at inumin sa gabi. Ang bitamina A na nagmumula sa mga kamatis ay mas epektibong gumagana sa oras ng iyong pagtulog.

Ang mga pakinabang ng mga inuming galing sa katas prutas ay walang hanggan! Subukan ang iyong sariling recipe sa pag-gawa ng inuming nagmula sa katas ng prutas para sa pagbaba ng timbang at simulan ang malusog na pamumuhay na walang taba at calories na makukuha mo mula sa mga instant fuit juices na mabibili sa tindahan. Ang magandang bagay din tungkol sa inuming gawa sa katas ng prutas ay ito’y magugustuhan ng buong pamilya. Subukan ang iba’t-ibang prutas araw-araw at hanapin ang mga lasa na maaari mong magustuhan. Ibahagi ito sa iyong mga kaibigan sa panahon ng okasyon o ibahagi lamang sa iyong pamilya.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Mga inumin na nagmula sa katas ng prutas para sa pagpapababa ng timbang
2.5 (50%) 2 votes