Search

Introduksyon

Ang Obesity ay maaaring matawag na karamdaman. Mga nasa 2/3 ng mga Amerikano ay obese at ang ganitong ideya ay umaakay sa ideya na normal lang ang pagkakaroon ng sobrang timbang. Di rin nakakatulong ang teknolohiya sapagkat mas pinapadali nito ang bagay-bagay at nag-iiwan sa iyo ng mas magaang trabaho. Maraming mga palatandaan upang malaman na ang isang tao ay obese o hindi. Makikita mo ang mga nagbibilugang taba libot sa katawan. Nahihirapan kang huminga. Hindi makatakbo ng mas matagal sa 10 segundo bago maubusan ng hininga, ang takip ng ketsup ay di mabuksan samantalang nagagawa ito ng ‘yong nakababatang kapatid na babae ng walang hirap. Isa pang paraan upang malaman kung ikaw ba’y obese ay sa pamamagitan ng BMI index. Makakalkula ito sa pamamagitan ng paghati sa ‘yong taas laban sa timbang. Ngunit ang metodong ito ay hindi maaasahan dahil maililigaw nito ang ibang tao. Isa pang siyentipikong paraan upang malaman kung sobrang taba mo na o hindi ay sa pagsukat ng beywang. Ikukumpara ang sukat ng beywang sa sukat ng lapad ng balikat. Kung mas malaki ang beywang, mas obese na maituturing.

Ang pagiging sobra sa bigat ay ‘di masyadong problema. Kung malaki ang iyong beywang at laging nag-eehersisyo, kumakain ng wasto at sinusunod ang malusog na pamumuhay, hindi mo kelangan pa na magdiyeta. Ang aklat na ito naangkop sa mga taong hindi magkasya sa XXL na sukat ng damit. Sila yung mga taong dapat mag-alala. Dagdag pa sa problema sa pananamit, dapat nilang alalahanin ang mga maaaring komplikasyon sa kalusugan tulad ng:

Blunt’s Disease kung saan ito yung labis-labis ang pagtaas ng timbang at sinisira nito ang ayos ng pang-ibabang buto sa hita.
Arthritis isang suliranin kung saan ang mga kasukasuan ay sobrang nagagamit hanggang sa ito’y masira. Karaniwan na ito sa mga may edad na ngunit para sa mga kabataang obese ito’y isang suliranin.

Sleep apnea ay isa ring seryosong suliranin sa mga taong sobrang mataba. Ito’y nagpapangyari na paminsan-minsan tumitigil ka sa pghinga sa gitna ng pagtulog kaya di ka masyadong makapagpahinga at maaaring magdulot ng mga problema sa puso.
Alta presyon ay isa pang kadalasang problema na kinakaharap ng mga obese. Dahil kailangan ng puso na magtrabaho maigi sa pagbomba ng dugo kaya ito’y magdudulot ng matinding presyon sa mga arteya. Sa katagalan ng ganitong kondisyon ng puso at arterya, ito’y masisira o puputok.

Depresyon isa pang komon na problemang mental para sa matataba. Dahil sa di normal na laki, sila kadalasan ang tampulan ng tukso, pangungutya o pananakot. Ito’y nagdudulot sa kanila ng mababang pagtingin sa sarili.

Sa pagkakaroon ng sobrang taba sa katawan, di maipapasok ng insulin ang glucose sa mga selula. Kaya kakailanganin nito ang maraming insulin para makontrola ang lebel ng blood sugar sa katawan. Kapag magpapatuloy ang ganitong kondisyon, maaaring mauwi ito sa diabetes.

Ang sobrang taba din sa atay ay maaaring magdulot ng pamamaga o permanenteng pagkasira dito.
Sa mga babaeng obese maaaring magkaroon ng polycystic ovary syndrome, saan hindi sila madatnan ng buwanang dalaw o di talaga magkaroon kahit minsan. Dahil dito dadami ang hormone na testosterone na magdudulot ng acne, sobrang pagtubo ng mga buhok, o kahit pagkakalbo. Ang testosterone din ay makikialam sa proseso ng ovulation at maging dahilan ng pagkabaog.

Kung titingnan mo ang mga komplikasyon na dulot ng sobrang katabaan, ‘di ka magugulat kung yung mga obese na tao ay bihirang umaabot sa edad na 60. Sakaling matanto na nila ang ganitong komplikasyon sa katawan, saka na sila magpursigeng magdiyeta bago pa maging huli sa kanila ang lahat.

Magbasa sa susunod na kabanata…

Please share this page with your friends!