Search

Fast Food at ang Nutrisyon nito!

Fast Food at ang Nutrisyon nito!
loading...

Sa panahon ngayon, ang mga tao ay sobrang busy sa trabaho o kaya sa school. Dahil sa sobrang busy, kahit ang mga ina ay wala ng panahon upang magluto sa kanilang mga bahay para sa pamilya. Upang makakain, kadalasan ay pumumunta nalamang sa mga fast food chain. Ngunit, alam mo ba na ang mga pagkain sa fast food chains ay mataas sa kaloriya, taba, asin at asukal? Ang sobrang kaloriya at taba ay nakakataba, ang sobrang asin ay maaring magdulot ng sakit sa puso, at ang sobrang asukal ay hindi pwede sa mga taong may diabetes. Hindi naman ito ganon kasama kung hindi rin naman ito kinakain araw-araw, kailangan lamang huwag pasobrahan, at kung maari ay iwasan.

Fast Food Nutrisyon

Hamburger

Ang hamburger ay isa sa pinakamadalas kinakain sa mga fast food chain. Ang hamburger ay mayroon  265kaloriya, 10g taba, 532mg sodium at 7g asukal habang ang isang cup ng kanin ay mayroon lamang 242kaloriya at wala itong taba, asin at asukal, ibig sabihin kung kayo ay nagpapapayat, mas mainam na kumain ng kanin dahil mas nakakabusog ito habang kakaunti lamang ang kaloriya nito.

French fries

Hindi makukumpleto at burger kapag walang French fries at sofdrinks, kung baga fast food trio. Ang isang medyum na French fries ay mayroong 370kaloriya, 19g taba, at 266mg sodium, ibig sabihin mas mataas ang kaloriya at taba nito kumpara sa isang ordinaryong burger.

Coke float

Ang coke float na kilalang-kilala nagyon dahil sa kakaiba nito lasa ang komompleto sa trio ng fast food chains kapalit ng regular softdrinks. Ang isang large size ng coke float ay mayroon 430 kaloriya, 12 g taba, 140 mg sodium at 71 g asukal, mas mataas pa ang kaloriya nito kumpara sa burger at French fires.

Kapag pinag sama-sama ang fast food trio ibig sabihin ay kumain ka ng 1056 kaloriya sa isang kainan lang habang ang kaloriyang kinakailangan ng karamihan ay mahigit kumolang 2000 kaloriya sa loob ng isang araw. Kung iisipin, kapag kumain ka ng fast food trio ng tatlong beses sa isang lingo ay maari kanang bumigat ng isang libra (pound), pakunti kunti lamang kaya hindi napapansin, ngunit kapag kailangan munang magpapayat, ang pag babawas ng isang libra sa isang lingo ay lubos na mahirap kaya habang hindi ka pa mataba ay iwas-iwasan na ang pagkain ng pagkaing may ganito kataas na kaloriya.

Ang pagkain sa mga fast food chain ay hindi naman ganoon kasama kung hindi rin naman ito kinakain araw-araw. Kung ikaw ay nagpapapayat, maari ka pa namang kumain sa fast food bawasan lamang ang dami ng pagkain, iwasang mag lagay ng gravy, uminum nlng ng tubig imbis na sofdrinks o kaya naman ay kumain ng prutas at gulay bago kumain upang agad mabusog. Tandaan, walang pagkaing nakakasama kung hindi naman pinasosobrahan.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Fast Food at ang Nutrisyon nito!
Rate this post

loading...