Search

Mga Dahilan para sa Pang-araw-araw na Ehersisyo

Mga Dahilan para sa Pang-araw-araw na Ehersisyo

Ang sampung nangungunang katuwiran upang mag-ehersisyo ay umpisa lamang sa mga pakinabang na makakamtan kung kabilang palagi ang ehersisyo sa araw-araw na pamumuhay.

Ang ehersisyo sa araw-araw

Kung ikaw ay nangangailangan ng kaunting kaaganyakan upang maipagpatuloy mo ang iyong layunin na mag-ehersisyo, tingnan lamang ang mga katuwiran na nakakapagbigay ng kalakasan sa tuwing pinanghihinaan ng loob.

  1. Ang nangungunang katuwiran kung bakit mag ehersisyo ay ukol sa walang magandang kosmetikong paninistis ang makapagbigay ng positibong benepisyo sa iyong kaanyuan kundi ang pag eehersisyo lamang. Ito ay nagbibigay lakas sa katawan at nagbibigay din ng metabolismo na matatagpuan sa mga taong medyo bata pa ang edad.
  2. Ang pangalawang katuwiran ay ang dagdag na kaloriyang nasunog ng katawan. Kung ang isang tao ay nasa wastong pangangatawan at kalusugan, mas maraming kaloriya ang nasusunog sa tuwing siya ay kumikilos.Ang kalamnan ay nagsusunog ng mas maraming kaloriya kaysa sa fats o taba.
  3. Ang isa pang katuwiran ay ang pagbuti ng kalooban na maaaring maranasan kung kasali ang ehersisyo sa mga gawain sa araw-araw. Ang ehersisyo, kasama ang pagsasanay sa pagbubuhat ng mabibigat ba bagay, ay mas malaki ang maibigay na kabutihan sa kalooban kumpara sa maibigay ng maraming gamot sa depresyon na binebenta ngayon sa pamilihan. Ang pag eehersisyo ay hindi nangangailangan na ireseta pa ng doktor.
  4. Kung gawin na regular ang pag eehersisyo araw-araw, mararanasan mo ang balanseng pangangatawan at magandang pagkahubog nito.
  5. Ang pag eehersisyo ay nakakapigil ng pinsala sa katawan sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga kalamnan at mga tisyu.
  6. Kung may napinsala sa iyong katawan,madali itong gumaling kapag ikaw ay may magandang pangangatawan.
  7. Kung ugaliin mong sanayin ang iyong kalamnan, nakakapagbigay ito ng lakas sa iyong sikmura at likod, na siyang nakakapagpabuti sa iyong tikas at tindig.
  8. Ang pag eehersisyo ay napatunayang nakakapigil ng sakit na Osteoporosis sa pamamagitan ng pagdagdag sa kapal ng mga buto sa katawan.
  9. Ang regular na pag eehersisyo ay nagbibigay ng mahabang buhay, ayon sa mga pag-aaral , at ang mga taong regular na nag eehersisyo ay nagdaragdag ng mga taon sa haba ng kanilang buhay.
  10. Maaari mong umpisahan ang programa sa pag-eehersisyo anumang oras,at mararanasan mo ang lahat ng benepisyo na dala nito. Ang mga taong nag umpisang mag ehersisyo kahit na sa uling taon ng kanilang buhay, ay matagumpay na napabuti nila ang kanilang sariling buhay. Silaý naging masayahin, naging maganda ang kanilang pangangatawan, napabuti ang kanilang kalusugan at ang kabuoang kalidad ng kanilang buhay.

Ang sampung pangunang katwiran na mag ehersisyo ay umpisa lamang. Kung umpisahan mong isama sa iyong buhay ang ehersisyo, makikita mo ang maraming positibong benepisyo araw-araw. Mabuti ang iyong maging pakiramdam, lalo pang madagdagan ang iyong tiwala sa sarili, at mas lalong gaganda ang iyong buhay.

Sa iyong paghahanap ng mga bagay-bagay na makapagpabuti ng iyong kalusugan at magbibigay sa iyo ng mas mabuting kalidad ng buhay, bigyang pansin ang nangungunang mga katuwiran na mag-ehersisyo at nang sa gayon ay makikita mo kung ano ang maibigay nito sa iyong buhay. Upang maiwasan ang talamak na mga karamdaman,tulad ng sakit sa puso,diabetes at sobrang katabaan,ang pag eehersisyo ang pinakamabuting gawin para sa iyong katawan. Ang pinakamagandang katuwiran sa lahat ay kung papaano ito nakakaapekto sa iyo.

Pagkatapos ng iyong unang ehersisyo, mararamdaman mo kaagad ang epekto nito sa iyong katawan.

Ang kailangan lang ay ang humanap ka ng ehersisyo na ikatutuwa mo at isama ito ng regular sa iyong araw-araw na pamumuhay. Utang mo ito sa iyong sarili at ito ay isang magandang bagay na maibigay mo sa iyong sarili, na nkapagbigay sa iyo ng maraming kabutihan at benepisyo.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Mga Dahilan para sa Pang-araw-araw na Ehersisyo
Rate this post