Search

Ang Pinakapopular na mga uri ng Diyeta

Ang Pinakapopular na mga uri ng Diyeta

Narito ang pinakapopular na mga uri ng diyeta para mamentina ang wastong kalusugan at nutrisyon. Dapat tandaan na bago mag-umpisa sa anumang pagdidiyeta at pagpapalit ng paraan ng pagkain, seguruhin na ginagawa na may superbisyon ng manggagamot o nutrisyonista. Nais mo ring maseguro na ang gagawin mo ay para sa ikabubuti at hindi ikasisira ng iyong katawan. Ang mga mangagamot at mga nutrisyonista ay handang tumulong upang maabot mo ang iyong hangarin na maibasan ang mga isyung pangkalusugan. Sila ay tutulong din na mabawasan ang mga panganib na maaaring dumating kapag ang nagawang pamamaraan ay hindi wasto.

Mga programa ng pagdidiyeta at mga produkto

Marami sa paligid natin ngayon tulad ng Weight Watchers, Jenny Craig, Dr. Phil, binabago ng diyetang ito ang iyong pamumuhay at ugali sa pagkain. Ang mga diyetang ito ay kumikilos sa pamamagitan ng pagkontrol sa iyong mga kinakain at ang mga negatibong pag-iisip tungkol sa pagkain. Nililimitahan din nito ang dami ng pagkain na maaari mong kainin sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mahahalagang mga puntos.

Mga diyeta na may mababang carbohydrates

Ang pinakapopular ay ang “Atkins Diet”, “South Beach Diet” at “The Zone Diet”, ang mga ito ay mga diyetang nagbabawal ng carbohydrates. Tinatarget nito ang hormone na insulin upang mabawasan ang lebel ng insulin sa katawan. Naniniwala ang mga diyetang ito na kapag ibinaba ang lebel ng insulin sa katawan, mababawasan ang pagnanasang kumain at ito ay nagpapababa ng lebel ng naiimabak na taba sa katawan.

Macrobiotic Diet

Nilikha ni Dr. Michio Kushi ang diyetang ito, na ibinase sa paraan ng pamumuhay at ugali sa pagkain ng mga hapones, at sa huli, sinagip din ng mga tao sa kanlurang bahagi ng mundo. Ang diyetang ito ay dinisenyo upang itaguyod ang likas na kalusugan at matulungan ang mahigit dalawangdaan na talamak na mga karamdaman.

Vegetarian Diet

Ito ang diyeta na may kasamang ibat-ibang klase ng pagkain tulad ng bigas, mga prutas, legumbre, mga gulay, mga butil at mani, gayundin ang gatas at itlog. Pumili ng gatas na may mababang label ng taba. Kumain ng buo ngunit pinong pagkain at piliin ang ibat-ibang klase ng prutas at gulay. Seguraduhin din na nasa diyeta ang bitamaina B12 at bitamina D dahil maraming pagkain mula sa halaman ang nagtatanggal nito.

Iba pang mga Diyeta

Maraming pang uri ng diyeta tulad ng “Raw Diet” na kung saaan ibinase ito sa pagkain ng hindi nilulutong mga pagkain galing sa halaman. Ang “Low Sodium Diet” ay uri ng diyeta na kung saan binabawasan ang paggamit ng asin sa mga pagkain. Ang “Fruit Diet” ay uri ng diyeta kung saan piling prutas lamang ang dapat kainin. Ang “Cabbage Diet” ay ang pagkain ng repolyo lamang.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Ang Pinakapopular na mga uri ng Diyeta
5 (100%) 1 vote