Search

Taba sa Katawan – Theorya at paraan upang ito ay malaman

Taba sa Katawan – Theorya at paraan upang ito ay malaman

Ang katabaan, kung ito ay natural, ay dulot ng sobra-sobrang kaloriyang kinakain sa araw-araw, ito ay hindi dumedepende kung ito saan man ito galling; lahat ng sobrang koloriya kahit galling pa ito sa carbohydrates, protein o fats ay ginagawang body fat ng katawan upang gawing reserba sa panahon ng tag-gutom.

Body Fats Theory

Ayun sa theorya ng body fats, ang pag-imbak ng taba sa katawan ay nakadepende sa kasarian. Normal na mauuna lumaki o magkaroon ng maraming body fats ang mga lalaki sa tiyan habang sa balakang naman unang nagkakaroon ng body fats ang mga babae. Ayun  sa theorya ng body fats ang sobrang kaloriya ay naiimbak mula sa baba pataas, ibig sabihin unang tataba ang balakang sa babae at tiyan sa lalaki papunta sa dibdib hagang sa mahalata na ito sa mukha, at ang kakulangan sa kaloriya na siyang nagdudulot ng pagkawala ng body fats ay magmumula sa taas pababa; unang papayat ang mukha bagong ang tiyang kung kaya madaling napapasin ang pag payat dahil sa pagkahalata ng buto sa mukha kahit malaki-laki pa ang tiyan at balakang.

Body Fat Analyzer

ang pisikal na kaanyuan ay hindi maiging basihan ng body fats, may mga matataba tignan na tama lang namang ang body fats at may mga payat na may mas matataas na body fats. Ito ay marahil sa laki ng buto, dami ng laman o muscle at taba na naatago sa mga laman na hindi napapansin sa pang labas na kaanyuan. Upang malaman ito, kinakailangang gumamit ng device na tinatawag na Body Fat Analyzer. Ang body fat analyzer ay maayroong kuryente na dadaan sa kamay papasok sa katawan papunta sa kabilang kamay pabalik sa body fat analyzer, ang tagal ng pagbalik ng kuryente ay siyang basihan kung gaano kadami ang body fats sa katawan.

Ang timbang at pisikal na kanyuan ay ilan lamang sa mga basihan kung paano malalaman kung gaano kalaki ang probabilida na magkaruon ng sakit. Upang mapanatilingmalusog ang katawan, kumain ng tama ang suka, kumain ng prutas at gulay, matulog ng tama sa oras, magehersisyo at lumayo sa bisyo. Ika nga, prevention is better thatn cure, kaya alagaan ang katawan habang may lakas pa yan.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Taba sa Katawan – Theorya at paraan upang ito ay malaman
Rate this post