Search

Aspartame: Ang Mapait na Katotohanan sa Likod ng Artipisyal na Tamis

Aspartame: Ang Mapait na Katotohanan sa Likod ng Artipisyal na Tamis
loading...

Ang aspartame ang pinakasikat na artipisyal na pampatamis na ginagamit sa buong mundo ng humigit kumulang 6,000 na mga produkto. Ito ay kadalasang ginagamit sa mga soda o softdrink na iniinom ng mga taong nagbabawas ng timbang.

Mga panganib na dala ng aspartame

Ang paggamit ng aspartame ay nagging popular sa ngayon dahil sa mapanlinlang na mga advertisments na gawa ng mga negosyante para lituhin ang mga tao. Napaniwala ng mga negosyante ang mga mamimili na ang paggamit ng produktong may aspartame ay mas ligtas at mas malusog kumpara sa paggamit ng asukal.
Pero sa katunayan, ang aspartame ay sanhi ng 75 porsiento ng mga side-effects na sanhi ng mga sangkap sa paggawa ng pagkain na naitala sa buong mundo. Kabilang sa mga side-effects na ito ay ang sakit ng ulo, migraine at sa malalang mga kaso; pangingisay at kamatayan.

Ang aspartame ay naiuugnay sa dipresyon at sobrang katabaan. Subalit nakalulungkot na ang mga produktong may aspartame ay patuloy paring ipinagbibili bilang ang pinaka-malusog na sangkap dahil ito daw ay mababa sa calorie. Sa kabaliktaran, ang kemikal na komposisyon ng aspartame ay lubhang nakapipinsala, na ang paggamit ng nito ay halos nangangahulugan ng pag-inom ng formaldehyde o formalin, likido na ginagamit ng mga imbalsamador sa pag-aayos ng mga bangkay.

Bakit ito patuluyang naibebenta sa mga pamilihan?

Kung ito ay pinagmumulan ng mga sakit na tulad ng tumor at cancer, bakit ito patuluyang ipinagbibili? Tulad ng mapapansin natin, ang pandaigdigang komersyo ay kontrolado ng malalaking multi-nasyonal na mga kompanya na nagmamanipula sa mga awtoridad. Ang gobyerno ay sunud-sunuaran sa mga mungkahi ng mga kumpanyang ito. Ang Monsanto ang nagmamayari ng pinaka-sikat na brand ng aspartame sa buong mundo na kung tawagin ay Nutrasweet. Hindi nakapagtataka kung bakit ang aspartame ay patuloy na tinatangkilik sa mga pamilihan, kasama na ng mga pamahalaan.

Sa ngayon, mayroon nang mahigit na 900 siyentipikong pag-aaral ang naipalabas ng mga dalubhasa na nagpapaliwanag ng mapait na katotohonan tungkol sa artipisyal na pampatamis na aspartame dahil ito ay sanhi ng napakaraming sakit tulad ng:

  • Migraine
  • Asthma
  • Lymphoma
  • Leukemia
  • Tumor
  • Cancer
  • Epilepsy
  • Irritable bowel syndrome
  • Parkinson’s disease
  • Multiple sclerosis
  • Epilepsy
  • Marami pang iba

Karagdagan pa, ang aspartame ay hindi pweding gamitin ng mga taong may cancer. Ang mga siyentista ay naniniwala na kung ang mga cancer cell ay ma-expose sa aspartame, ito ay nagiging mas aktibo, mas magalaw. Mas magiging lubha at mabilis ang pag kalat ng cancer sa buong katawan ng pasyente.
Sa kabila ng ganitong mga nakagigimbal na panganib, ang mga negosyante ay patuloy parin sa paggawa at pagbebenta ng mga produkto na may nakamamatay na aspartame.

Aspartame sa Pilipinas?

Marahil na mangatuwiran ka na ang aspartame ay doon lamang sa mga mayayaman na bansa, na ang mga mamamayan ay may kakayahan na bumili ng mga diet drinks. Kung ganoon, baguhin mo ang iyong pananaw at maging mapanuri. Alam mo ba na ang mga powdered juice at ice tea dito sa Pilipinas ay naglalaman ng Aspartame? Oo, kung ang mga taga ibang bansa ay nanganganib na magkasakit ng malubha na halos hindi nila nalalaman, tayo pa kaya na nakatira sa isang di gaanong maunlad na bansa?

Kung ikaw ay magulang na lubos na nagmamahal sa iyong sambahayan, hahayaan mo ba na magkasakit sila dahil sa tinitimpla mong juice na ipinapabaon kay junior o ki tatay?

Mas malusog na mga pagpipilian

Mas mainam ang natural! Sa halip na powdered juice o iced tea ang ibigay sa kanila, bakit hindi subukang mag blender ng tunay na prutas? Ang totoo, di hamak na mas mahal ang gumawa ng natural na fruit juice kaysa bumili ng instant powdered juice drink sa tindahan. Subalit mas mahal naman diyan ang linguhang chemotherapy kung ikaw o ang iyong mahal sa buhay ay magkasakit ng cancer dahil sa pag titipid at paggamit ng mga powdered juice.

Napakadali gumawa ng fruit juice, at hindi naman kasing mahal tulad ng iyong inaakala. Bumili ng sariwang prutas, pigain ito at haluan ng maraming tubig. O di kaya naman, bumili ka ng pinya o pakwan at kainin ito ng sariwa kasama ng iyong mag-anak.

Tandaan, wala ng mas gaganda at lulusog pa sa natural na mga pagkain. Kung magiging mapanuri at mapagmatyag, maiiiwas mo ang iyong pamilya at mga mahal sa buhay sa mga panganib na dala ng aspartame.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Aspartame: Ang Mapait na Katotohanan sa Likod ng Artipisyal na Tamis
Rate this post

loading...