Search

Almusal: Ano Ang Halaga ng Pagkain Ng Almusal?

Almusal: Ano Ang Halaga ng Pagkain Ng Almusal?

Tinatamad ka bang bumangon ng maaga para magluto ng almusal? Masgugustohin mo bang huwag ng kumain ng almusal kaysa naman mahuli sa trabaho at skwela? Baka magkasakit ka kaya habang maaga pa ay magisi-isip kana!

Ayun sa ilang pagsisiyasat karamihan sa mga Pilipino ngayon lalong-lalo na ang mga estudyante ang hindi kumakain ng almusal bago pumunta sa skwelahan o sa trabaho. Ito ay madalas na ngyayari kapag sila ay nahuhuli sa gising, nakalimut sa oras, o may nakalimutang gawin, ang mga ito ay ilang lamang sa  mga dahilan kaya ang mga Pilipino ay nagmamadali at kinakalimutan ang pinakamahalagang pagkain sa umaga ang almusal.

Kapag ang tao ay nagugutom o kaya naman ay hindi nakakain ng sapat sa isang kainan ay makakaranas ng matinding gutom na siyang dahilan ng pagkain niya ng masmari sa susunod na kainan.  Ito ay magdudulot ng paglaki ng tiyan at sa matagalang panahon nagiging sanhi ng pagtaba. Kung ang iba ang nakakakain ng mas marami kaysa sa karaniwang kinakain ang iba naman ay nakaranas ng pangangasim at pagsakit ng tiyan ito ay nagdudulot ng pagkawala ng ganang kumain at sa matagalang panahon madudulot ng ulcer sa tiyan.

Maliban sa pagsakit ng tyan at pagkain ng sobra, ang hindi pagkain ng almusal ay nagdudulot ng kakulangan sa enerhiya para magtrabaho, kalituhan, init ng ulo, at pagkairitable. Ang mga estudyante hindi nakakain ng almusal ay nahihirapang makinig sa kanilang mga guro kung kaya ay bumababa   ang kanilang kakayahang matuto. Ang pagbaba ng kakayahang matuto ay maariring maging sanhi ng pagtigil nila sa pag-aaral.

Ang almusal ay kilakailangan magbigay ng 33% na enerhiya na kinakailangan ng katawan sa buong araw. Ang ibang nagpapayat ay hindi kumakain ng almusal sa pagaakalang makakatulong ito sa kanilang pagpapapayat, ito walang katutuhanan ang almusal ang mgbibigay ng lakas upang makapag trabaho ng maayos mula umaga hangang sa tanghalian. Upang makapagbawas ng timbang kailangang gumawa ng mga bagay tulad ng pageehersesyo upang magamit ang enerhiyang nakatago sa taba ng katawan.

Sa loob ng katawan ang pagkain ay nagiging enerheya at ito ang ginagamit ng puso, utak at buong katawan upang mabuhay. Kung iisipin ang taong hindi kumain ay walang enerhiyang gagamitin upang makapagtrabaho, at ang pagkagutom ay may maraming epekto tulad ng ulcer at pagtaba.

Marami sa mga hindi kumakain ng almusal ang nagsasabing mahirap magluto sa umaga ang iba naman ay hindi kayang gumising ng maaga, ang mga ito ay maaring solusyonan sa pamamagitan ng pagdisiplina sa sarili at pagmanage ng oras.

Sa panahon ngayon maraming pagkain na na tinatawag nilang precooked food o mga pagkaing kukunting luto at preparation nalang ang kailangan at handa na sa hapag kainan. Maraming lutoing Pilipino ang madaling gawin at ilan sa mga ito ay makikita sa UMW Lac isang website kung saan makakita ng mga lutong pinoy na medaling gawin at masusustansya tulad lng sinangag na may kaots, patatas, at buto, at ampalaya na may halung itlog.

Gumising ng maaga at bigyan ito ng sigla sa pamagitan ng pag eehersisyo habang ngluluto at kumain ng almusal ng magkaruon ng enerhiya para sa mga bagay na gagawin sa buong umaga. Parating iisipin ang hindi pagkain ng almusal ay hindi sulosyon sa problema sa pagiginglate at pagigingtaba ito ay maari magdulot ng mas malalang problema tulod ng ulcer at pagtaba. Kaya get Ready gumising ng maaga, magluto at magehersisyo, Eat kumain ng almusal, at Go harapin ang araw na may enerhiya uapang maging madali ang lahat ng gagawin sa buong araw.